"I didn't know when I started loving you. Kung noon bang unang beses na titigan mo ako... o noong unang pag-alayan mo ako ng ngiti. Or maybe when you first called my name." Mula nang maulila sina Micah at Yojan ay itinuon na ni Micah ang pansin sa pag-aalaga sa nag-iisang kapatid. Kaya nang malaman niyang nakipagtanan si Yojan ay hindi niya iyon matanggap. Sa tingin niya ay hindi pa kaya ng kapatid na pumasok sa buhay-may-asawa. Kaya sumugod si Micah sa Kanaway-isang lugar sa dulo ng Benguet kung saan nakatira ang katanan ni Yojan na si Soraya-upang bawiin ang kapatid. Nanatili siya sa Kanaway at doon nakasama si Achaeus de Gala, ang nag-iisang kapatid ni Soraya at itinuturing na leader ng lugar. Sa simula ay inis si Micah kay Achaeus dahil sa pakikialam ng lalaki sa kanyang pakay. At wala siyang pakialam kahit sinasabi at pinaniniwalaan ng lahat na ang binata raw ang pinakamagandang lalaki sa buong Benguet. Pero nang magtagal pa ang pananatili ni Micah sa Kanaway ay unti-unti silang nagkalapit. Hanggang sa maramdaman niyang tinamaan na rin siya ng "animal" appeal nito. Tuwing mapapatitig nga siya rito ay kung saan-saan nakakarating ang kanyang imahinasyon. Noon nagpasya si Micah na iwasan si Achaeus. Dahil kung hindi ang lalaki ang may "gawin" sa kanya ay baka siya pa ang may "kakaibang" gawin dulot ng malakas na epekto sa kanya ng presensiya ni Achaeus.