Bata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de Vera. Isang mala leading man ang tindig na direktor, na sa unang beses palang niyang masulyapan ay parang nawala na agad siya sa sariling katinuan. Hanggang sa ang pangarap niyang maging artista ay napalitan ng pangarap na balang araw ay maging leading lady sa buhay ng napakaguwapong binatang ito. Pero magustuhan naman kaya siya nito? Gayong sa unang pagkikita palang nila ay isang malaking problema na agad ang tingin sa kanya ng binata.