Si Emman ay isang ordinaryong binatang mortal na naninirahan sa Maynila, ngunit isang pangyayari ang tatapos sa kanyang buhay. Sa tulong ng isang anito ay muli siyang mabubuhay sa mundong mahiwaga nang Engkantada. Ipagpapatuloy niya ang kanyang buhay upang maging isang ganap na mandirigma at madiskubre ang sikretong nananalaytay sa kanyang dugo. Si Dan, isang kalahating tikbalang at kalahating tao, Si Isabela, isang kalahating diwata at kalahating tao, Si Luz, isang kalahating anggitay at kalahating tao, Si Bruno, isang kalahating sarangay at kalahating tao, Si Kora, isang kalahating sirena at kalahating tao, Si Fred, isang kalahating kataw at kalahating tao, Si Jose, isang kalahating dalakitnon at kalahating tao, At si Emman, isang mortal. Subaybayan ang walong kabataang may iba't ibang kwento. Saksihan ang kanilang pagsasanay upang maging bagong pangkat ng mandirigmang makikipag tunggali sa nalalapit na banta sa mundo ng mga tao. Disclaimer: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Date Started: January 2021 Date completed: August 2022
28 parts