VI - Ang Hapunan

21 4 0
                                    

Kabanata VI

"Ang Hapunan"

KINAKABAHAN ako. Hindi ako sigurado kung magagawa kong magpakilala sa kanila. Ngunit ayoko pangunahan ng takot, gusto ko maging matapang. Gusto ko patunayan na nababagay ako kasama nila.

Nakatayo sa gitna si Sinag. Nakapalibot sa kanya ang mga mesa at silya kung saan kami nakaupo. Katabi rin niya ang siga na nagbibigay pa din ng init ang liwanag sa amin. "Bago tuluyang magsimula ang pagsasanay bukas, hindi ba mas mainam kung makilala nyo ang isa't isa ng mas mabuti? Idagdag nyo na din bukod sa inyong pagpapakilala, kung ilang taong gulang kayo ng makarating sa Engkantada o kahit ilang taon na kayong naninirahan dito, at maikling kwento sa buhay nyo sa kabilang mundo." Dagdag nito. "Kayo na ang bahala, gusto kong sa mga sasabihin niyo ay makikilala namin kayo ng mas mabuti. Sino ang gustong magsimula?"

Hindi naman ako sinabihan na kailangan pala magbaon ng konting back story. Lagi pa naman akong kinakabahan kapag nagsasalita sa harap ng mga tao, lalo na sa hindi ko kilala. Busy ako sa paghigop ng tsaa at pag iisip ng biglang tumayo ang aking katabi na si Bruno.

"Ako na lang mauuna." Tumayo ito at naglakad sa kinaroroonan ni Sinag. Pinagkrus nito ang kanyang mga braso. Nakakatakot talaga ang kanyang laki. Para siyang isang bouncer. "Ako si Bruno. Isa akong kalahating sarangay." Nagulat bigla ang lahat dahil pagkasabi nya ng salitang sarangay ay biglang ang apoy sa bonfire ay naghugis isang taong toro. "Yan! Yung hugis sa apoy ay ang sarangay. Dyan galing ang pisikal kong anyo, sana'y 'wag kayong matakot na kausapin ako. Sadyang dahil lang sa aking dugo kaya ganito ang aking itsura."

Isa siyang kalahating sarangay. Sa libro, ang pisikal na anyo ng mga saranggay ay pinaghalong toro at tao. Ang ulo at mga binti ay sa toro, samantalang katawan at braso naman ng isang tao. Malalakas sila at kilala sa kanilang hiyas sa kanilang mga tenga.

"Nasagip ako sa taong 2009. Naaalala ko pa na nasa isang aksidente ako nang bigla akong sagipin ng mga mandirigma. Hindi pa ako handa noon dahil maiiwan magisa ang aking lola. Ang nagpalaki sa akin. Siguro kung magkakaroon ako ng pagkakataon na bumalik, babalikan ko ang aking lola. Ngunit alam kong hindi na maaari iyon." Ang tono ng kanyang boses ay humihina na. "Mahirap maging isang hating-tao. Paborito ko ang larong basketball pero hindi ako pwedeng makipaglaro sa ibang bata dahil sa aking anyo. Kapag lalabas ay kailangan may suot na sumbrero upang itago ang aking mga sungay." Huminto ito sa pagsasalita at bumaba na sa kinatatayuan.

Sinalubong sya ni Dan at hinaplos ang likod upang damayan. "Sige lang. Labas mo lang yan." Mahinang wika nito sa kaibigan. Ang pagiging hating-tao ay nagbibigay sa kanila nang hindi magandang alaala. Mula sa kwento niya ay nararamdaman ko ang kanilang paghihirap na itago ang kanilang sarili. Ang kanilang kakaibang itsura.

"Maraming salamat sa pagiging matapang, Bruno." Wika ni Sinag habang nakatitig sa emosyonal na binata. "Umpisa pa lang ay matindi na ang emosyon. Sino ang gustong sumu--"

Hindi pa natatapos ni Sinag ang kanyang salita nang tumayo na si Luz. Dumiretso na ito sa tabi ni Sinag upang magsalita. "Ako si Luzviminda. Mas kilala sa tawag na Luz." Malayo sa kanyang gandang taglay, ang kanyang kilos at pagsasalita ay parang isang matapang na babae. "Limang taong gulang pa lang ako ng makarating ako sa mundong ito. Ang aking ina ay isang anggitay."

Nagbago na naman ang anyo ng apoy. Ngayon ay isang anggitay naman. Ang itaas na bahagi ng katawan nito ay isang babae at ang ibaba ay sa kabayo. Apat ang paa tulad ng isang centaur. Meron din itong sungay sa noo na parang isang unicorn.

"Nagkakilala ang aking mga magulang sa isang rancho na pagmamay-ari ng aking ama. Pareho silang mahilig sa mga kabayo. Lingid sa kaalaman ng aking ama na nakakausap pala talaga ng aking ina ang mga alaga nito. Hindi naging mahirap ang aking pagkabata. Dahil sa tinanggap naman ni ama ang pagtatapat ni ina ng kanyang tunay na kaanyuan. At ako ang naging bunga ng kanilang pagmamahal." Paglalahad nya na may halong ngiti.

Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon