XXIII - Mahiwagang Kalupaan

15 4 0
                                    

Kabanata XXIII

"Mahiwagang Kalupaan"


MALALIM ang boses nito. Pagtalikod namin ay isang matangkad na lalaki ang sa amin ay nakatitig, matikas ang katawan at kayumanggi ang kulay ng balat, nakasuot ito ng mahabang manggas at pantalon, nakasuot din ng sumbrerong gawa sa dayami.

"Anong kailangan ninyo mga kaibigan mula sa Enkantada?" Biglang bati nito sa amin matapos makita ang aming mga itsura.

"Paano mo nalaman?" Gulat na reaksyon ni Jose.

"Matagal ko na kayong inaantay," napangisi ang matangkad na lalaki. "At mukhang alam ko din ang pakay niyo mga kaibigan."

Tila nagliwanag ang mga mukha ng aking mga kasama ng marinig ang sinabi ng tikbalang, lalong lalo na si Kapitan. "Sa wakas! Kanina pa kami naghahanap ng kasagutan sa aming mga tanong, ngunit ang mamamayan ng baryong ito'y mailap sumagot."

Inimbitahan kami nitong pumasok sa kanyang kubo, maliit lang ito ngunit malinis. Wala masyadong gamit na makikita. Kasalukuyan kaming nakatayo sa maliit nitong sala.

"Isa kang tikbalang," wika ni Nando. "Kakayahan kong makita ang katotohanan sa loob ng mahika, hindi ko akalain na may mga tulad mong nakikihalubilo sa mga mortal."

"Ang panahon ngayon'y iba na, wala ng naniniwala sa mga engkanto, nabubuhay na lamang ang mga ito biglang kwentong katatakutan." Malungkot na salaysay nito. "Pero ang mga taga-baryo, mababait sila, kahit kailan ay hindi ako nakaranas ng masamang pagtrato sa kanila."

Tumango lamang si Kapitan sa kanyang narinig. "Kung iyong mamarapatin, maaari ba namin malaman kung bakit ka nanirahan malayo sa baryo."

"Isa akong bantay, ang baryo mausok, isa sa pinaka misteryosong lugar sa mundo ng mga mortal. Alam kong limitado lang ang nalalaman ng Enkantada tungkol sa lugar na ito, iyon ay dahil pinapanatili naming mga bantay ang mga impormasyong ito.

"A-anong impormasyon?" Tanong ni Kapitan.

"Wala ako sa posisyon na sabihin iyon, tanging ang pinuno lamang ng baryo ang maaaring makapag sabi sa inyo ng katotohanan." Sagot nito.

"Maaari mo ba kaming matulungan?" Diretsong tanong ni Kapitan.

"Tungkol ba sa mga kampon ng kadiliman?" Sagot nito.

"Oo."

"Sa ilang taong kong pagbabantay sa baryong ito, wala pang nakatakas sa akin, amalanhig, tiyanak, aswang, at tiktik, pero ang mga manananggal na iyon, iba sila, parang alam nila kung paano ako malulusutan," salaysay nito."Ilang residente na malayo sa sentro ng baryo ang kanilang inatake, noong una'y puro alaga lamang na hayop, hanggang sa isang araw buong pamilya na ang kanilang walang awang tinangay. Hanggang ngayon ay wala pa din nakakahanap sa kanilang mga katawan."

"Ibig sabihin ay walang bangkay na natagpuan, maaaring sabihin na umalis lang sa baryo na ito ang mga taong nawawala." Teorya ni Kapitan.

"Tama, kaya ganun na lang kahirap sa kanila ang magkwento, hindi nila alam kung may maniniwala ba sa kanilang sasabihin."

"Bukod sa impormasyon na iyon, may dapat pa ba kaming malaman?" Tanong ni Kapitan.

"Kung tama ang aking hinala, binabalak nilang atakihin ang sentro," sagot ng tikbalang. "Ilang gabi ko na silang nakikitang naglilibot lamang, alam kong alam mo din ito dahil nakita ko kayo kagabi lamang."

"Kung ganon alam mo palang nandito kami."

"Alam ko lahat ng nangyayari sa baryo na ito, ito ang aking layunin bilang isang bantay." Sagot ng tikbalang.

Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon