XVI - Rebelasyon

19 4 0
                                    

Kabanata XVI

"Rebelasyon"

PARANG isang action scene sa isang superhero movie ang eksena namin ngayon.

Si Bruno, parang tangke na walang makakapigil, bawat suntok ay tumatalsik ang kalaban, sa sobrang laki ng kanyang kamay ay kaya niyang durugin ang mukha ng mga ito. Ngayon ko lang ulit nakitang ganito siya kagalit, gamit na gamit niya ang mahabang sungay sa pagsuwag, ang malalaking braso sa pagpapatumba sa kalaban, at ang kanyang mga kamao sa pagwasak. Ramdam kong nais na niyang mailigtas si Luz.

Si Fred, gamit ang kanyang galamay na gawa sa tubig ay kahanga hanga kung paano siya lumalambitin at nag paikot ikot sa mga puno sa gawing kanan, walang kalabang makasabay sa kanyang pag-atake, agad niyang sinasalubong ng hampas ang mga ito ng kanyang galamay, naghahagis din siya ng mala kutsilyong tubig na nagpapatumba sa kalaban. Awtomatiko ding nagiging tubig ang mga habog sa aming paligid, kaya lalo pang humahaba at tumataba ang kanyang galamay na tubig. Mas magaling na talaga siya sa pagkontrol ng kanyang kakayahan. At kitang kita sa kanyang ekspresyon ang pagnanais na mailigtas ang matalik na kasamahan na si Kora.

Si Dan, parang balewala lang sa kanyang ang mga kalabang humahabol sa bandang likuran, ang kidlat ng kanyang sibat ay malayang gumagala para kuryentehin ang mga nagbabalak lumapit, kasabay ng pagsayaw ng sibat sa kanyang kamay. Malaking bagay din ang bilis niya upang gulatin ang mga kalaban, kung wala ang liwanag ng sibat ay hindi mo masusundan ang kanyang galaw.

Ilang buwan na din akong nagsasanay gamit ang aking baston, pinag-aralan din namin ni Nando kung ano-ano ang maaaring gamit ng dagdag na mekanismo nito, ang paghaba nito na parang kadenang latigo. Isa sa aking sinubukan gayahin ay ang baton ni daredevil, pinag aralan kong gamitin itong kalawit sa mga puno o kahit anong bagay upang makontrol ko ang aking paggalaw. Isang malaking kalamangan dahil ang paligid ngayon ay maraming sanga na maaari kong gamitin upang ma-maniobra ko ang aking sarili ng mas mabilis laban sa mga mababangis na kalaban.

Mabilis akong nakakalipat lipat ng puno dahil sa pagsabit ko sa mga sanga, mas madami din akong natatamaan kapag pinagsasabay ko ang atakeng retonda at pagpapahaba sa baston. Pakiramdam ko ako si Spider-man kapag ginagawa ko iyon, sabay tawid sa kabilang puno na parang nagpapalabas ng sapot, paulit-ulit ko lang ginagawa ang atake na iyon.

Kapag napapalayo na kami kila Bruno at Isabela ay hinihila kami ng mga latigong ugat na pinapalabas ni Isabela sa kanyang kamay na nagiging kahoy na.

"Huwag kayong masyadong lumayo, mabilis ang galaw namin ni Bruno, baka mahirapan na akong hilahin kayo." Paalala ni Isabela. "Halos isang kilometro na lang ang layo ng mga kasama natin at ng ibon."

"Magaling, kung ganun tapusin na natin ang nalalabing kalaban, konti na lang naman ang sumusunod sa likuran." Wika naman ni Dan.

"Konti na lang din sa kaliwa, babalik ako kapag ubos na." Wika ni Fred sabay nag pasabit-sabit sa mga sanga ng puno papunta sa mga kalaban sa gawing kaliwa.

Winasiwas ko ang aking baston upang pahabain at i-kawit sa puno ng sanga sa kanan. "Saglit na lang din ako." Wika ko.

Bumalik ako sa kanan upang salubungin ang mga mababangis na kalaban. Nakuha ko na ang mga tamang kombinasyon kaya madali ko lang silang naubos. Nagpasabit sabit ako hanggang sa wala na akong makitang dumarating.

Bumalik na ako malapit kila Alira at Bruno nang maubos ko na ang paparating mula sa gawing kanan. "Wala na akong nakikitang dumarating sa kanan." Pagbabalita ko sa kanila.

"Kanina pa din wala sa unahan." Wika ni Bruno.

"Naubos na din ang sumusunod satin sa likuran, mukhang malapit na malapit na tayo." Hula naman ni Dan.

Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon