XXII - Ang Pangangalap ng Impormasyon

12 4 0
                                    

Kabanata XXII


"Ang Pangangalap ng Impormasyon"


SERYOSO AT MATAPANG ang dating ng matandang humarang sa aming sinasakyang trak. Kasunod ng aming paghinto ay ang pagdating ng mga lalaking pumaligid sa kanya upang siya'y suportahan habang ang iba naman ay pinaikutan ang aming sinasakyan.

"Anong kailangan niyo sa aming baryo!" Paguulit ng matanda habang nakaturo ang hawak na patpat na kahoy sa kapitan.

Nagkalat ang kaba dahil sa sitwasyon, maaaring isang gulo ang biglang sumiklab. Ang susunod na aksyon ni Kapitan Inggo at Nando ang magdidikta sa sunod na mangyayari.

"Mga bata, maging kalmado lang kayo. Ako na bahalang humarap sa kanila," pampalubag loob ng kapitan. "Nando, panatilihin mo sa loob ng trak ang mga estudyante mo, maliwanag ba?" Sabay hawak sa kaliwang balikat ni Nando.

"Ako na ang bahala sa kanila, mag ingat ka Kapitan." Sagot ni Nando'ng nag-aalala sa kanyang dating guro.

Binuksan na ng Kapitan ang pintuan ng trak, dahan dahang bumaba at naglakad papalapit sa matandang lalaki at sa mga kasamahan nito. Wala kaming alam sa kanilang pinag-uusapan, tanging mga mukha lamang nila ang nagdidikta sa amin ng kasalukuyang sitwasyon ng kanilang pag-uusap. Matapos ang ilang saglit, parang sumama ang mukha ng matanda, parang gusto na niyang hambalusin ng kanyang hawak na patpat na kahoy ang Kapitan ngunit pinipigilan lamang siya ng mga kasama, sino ba naman ang susubok na saktan ang isang naka-uniporme. Habang lalong tumatagal ang kanilang pag-uusap, lalong tumataas ang kaba sa loob ng sasakyan, si Nando, tutok sa pangyayari, ino-obserbahan ang susunod na magaganap. Matapos ang ilang minutong diskusyunan, ay ligtas naman na nakabalik sa amin ang kapitan.

Halatang pinagpawisan si Kapitan sa pakikipag-usap sa matanda. "Ang hirap kumbinsihin ni lolo, muntik na ako sumuko."

Napangisi si Nando. "Akala ko nga hahampasin ka na niya ng hawak niya."

"Sinusubukan ko ngang huwag pa lalong pataasin ang init ng ulo niya," ani ni kapitan. "Narinig mo naman siguro lahat ng pinag-usapan namin, tayo na't ibaba ang mga dala nating gulay."

"Teka? Paano narinig ni Nando? Eh, wala naman akong narinig?" Pagsingit ni Jose. "Kayo ba meron?"

Kita sa mga mukha ng aking kasama ang pagtataka sa sinabi ng kapitan. "Wala din, paanong nangyari 'yun?"

Sinusubukan pigilan ng Kapitan ang kanyang tawa. "Binigyan ko ng koneksyon sa aking isip si Nando. Iyon ang aking kakayahan, psychic link, kaya kong makipag-usap sa kanya gamit lamang ang isip, i-parinig sa kanya ang aking mga naririnig, lahat yun ay dahil sa koneksyon na binigay ko sa kanya."

"Posible ba iyon? Paano niyo ginagawa?" Tanong ni Jose.

"Kailangan ko lang hawakan ang taong bibigyan ko ng koneksyon." Sagot nito.

Naaalala ko na, hinawakan siya ng Kapitan bago siya bumaba sa trak. "Ang galing!" Ani ko matapos kong mapagtanto ang lahat.

"Oh, siya, tayo na't kailangan na natin ibahagi ang ating dalang tulong sa kanila. Sabi ng matanda'y sundan sila upang maipamahagi ng maayos ang mga pagkain." Wika ni Kapitan.

Agad na din kaming umalis at sinundan ang mga kalalakihang kasama ng matandang humarang sa amin. Isang maliit na toldang gawa sa makapal na telang sinusuportahan ng mga kawayan sa apat na sulok. Nakatayo ito sa isang bakanteng lote, kalapit nito'y may isang bahay na gawa sa kubo. Nagtitipon na ang mga tao doon habang inaayos ang mga mesang paglalagyan ng aming mga dala.

Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon