XX - Ang Misyon

9 3 0
                                    


Kabanata XX

"Ang Misyon"


PAGSIKAT pa lang ng araw ay nakahanda na ang aking mga gamit, ito na ang araw na hinihintay ko, ito na ang araw na makakabalik ako sa mundong naging malaking parte ng buhay ko.

Pagkatapos ng agahan ay nagtipon na kami upang pag-usapan ang ang misyon na aming gagawin sa mundo ng mga tao. Si Gante II ang nagsimula sa pagsasalaysay sa mga dapat namin tandaan.

"Ang misyon na naka-atas sa inyo'y mahalaga, isa ito sa magbibigay sa atin ng impormasyon tungkol sa isang baryo na nababalot ng misteryo, may pa ilang impormasyon na nakalap tungkol sa pag atake ng mga kampon ng kadiliman, ngunit nakakapagtaka dahil hanggang ngayon ay wala pa ding nagtatapat mula sa mga nakatira dito kung may katotohanan nga ang balita." Wika ng pinuno ng mga higante.

"Ibig sabihin ay pawang sabi-sabi lamang?" Direktang tanong ni Alira.

"Maari," humigop ang pinuno sa kanyang gintong pipa. "Kaya ang misyon ay makahanap ng kasagutan." Habang nagsasalita ito'y lumalabas sa kanyang ilong at bibig ang usok.

Sa kasalukuyan, nahaharap sa paulit-ulit na pag-atake mula sa kampon ng kadiliman ang mga tao sa kabilang mundo, ang pinaka apektado ay ang mga lugar sa probinsya na malayo sa kabihasnan. Nahihirapan din makakuha ng impormasyon dahil sa kakulangan ng mga mensahero na mag-iimbestiga sa mga pangyayari, may mga kakampi naman ang Enkantada sa sa kabilang mundo na maaaring makatulong ngunit hindi sila sapat upang makuha lahat ng impormasyon lalo na't kailangan nilang harapin ang mga hunters -- ang mga tumiwalag na mensahero.

"Nakita ng konseho ng mga pinuno ang kakayahan ng inyong pangkat, pinagkakatiwalaan nilang mapagtatagumpayan ninyo ang misyon na ito," wika ni Gante II. "Ang misyon ay pamumunuan nila Nando at Sinag, kasama ang isang pang grupo na nauna na at nagaabang sa inyo sa kabilang mundo."

"Gagawin namin ang lahat para magtagumpay sa misyon." wika ni Nando na ngayon ay ramdam sa tono ng kanyang boses ang pagka seryoso.

"Sinusugandahan ko po ang sagot ni Nando." pagsang-ayon naman ni Sinag.

"Kung ganon, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, kayo ay pupunta sa Baryo Mausok, Zambales. Ito ay matatagpuan sa paanan ng isa sa aktibong bulkan ng probinsya, ang bulkan Mausok." Salaysay ni Gante II.

"Zambales?" Gulat na wika ni Dan.

"Tama ka ng pagkakadinig, binata," sagot ni Gante II. "Ang probinsyang matatagpuan sa gitnang luzon. May bumabagabag ba sa iyo?"

Namasid ko ang biglang paghigpit ng kanang kamao ni Dan. "Wala po."

Muling nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang pinuno ng mga higante. "Para sa inyong kaalaman, may mga bagay na natuklasan ang mga nag imbestiga sa nasabing lugar na dapat ninyong malaman, una, ang baryo mausok ay malayo sa kabihasnan, walang pinagkukunan ng enerhiya, malayong malayo sa isang progresibong pamayanan, mahirap makapasok sa lugar na ito ang mga hindi dito pinanganak. Ikalawa, mayroong namumuno sa kanilang baryo, kilala bilang si kapitan. At ikatlo, napapaligiran ang baryo ng mga anyong kalikasan, bago makapasok dito'y madadaanan ang isang ilog, sa likod na bahagi naman ng baryong ito ay isang malawak na sakahan, at ang daan patungo sa bulkan. Ang pangunahin nilang ikinabubuhay ay pagsasaka, wala ng iba."

"Mawalang galang na pinuno, ngunit paano kami makakapasok sa baryo na iyon? Hindi ba sila magtataka na may isang grupong bigla na lang darating sa kanilang baryo upang mangalap ng impormasyon?" May puntong tanong ni Sinag.

Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon