"Ang Paglikha"
"Unti-unting naglalaho ang aking paligid, ang aking mahigpit na hawak sa realidad ay nagsisimula ng lumuwag. Wala akong magawa, hindi ko malabanan. Hindi ko na matanaw ang daan, hindi ko pa alam paano bumalik."
~ ~ ~ ~ ~ ~
Dahan dahan ko na minulat ang aking mga mata, ngunit walang hanggang kadiliman lamang ang sa akin ay bumungad. Para akong isang munting bato sa kalawakan, palutang lutang lamang sa malawak na tahanan. Ito na ba ang langit, o ito ang impyerno? Mga tanong na sa aking utak ay hindi ko maalis.
Sa puntong ito na aking buhay, isang partikular na kwento na ang biglang lumitaw sa aking lutang na isipan. Isang kwento na labis na paborito at hinding hindi makalimutan ng aking batang isipan.
Taong dalawáng libó't waló
"Apo". Marahan na tawag sa akin dati ng lolo ko. "Oras ng iyong pagtulog, halika na't ihahatid kita sa iyong kwarto."
"Pero ... hindi pa po ako inaantok." Pilit ko na may pagpapa-awa.
Isang maikling ngiti ang lumitaw sa mukha ng aking lolo. "Alam ko na yan, Apo." Lumapit ito sa akin. "Gusto mo lang marinig ang aking mga kwento bago ka matulog."
Unti-unting nagliwanag ang aking mukha dahil sa malaki kong ngiti. "Pwede ba yung paborito kong kwento?" Habang humahagikgik ako sa saya.
"Hindi ka pa rin ba nagsasawa doon?" Tanong nya habang may ngiti sa labi.
"Gusto ko po ang kwentong 'yon, parang makatotohanan".
Natawa siya ng tahimik. "Sige, pero pangako mo na matutulog ka na pagkatapos, ha?"
Pumasok kami sa aking maliit na silid sa tabi ng kanyang kwarto. Humiga ako sa aking kama at ako'y kanyang tinabihan habang nilalaro ang aking buhok gamit ang kanyang kamay.
"Apo, kapag lumaki ka na, sana naaalala mo pa ang kwentong ito. Upang maaalala mo ang mga maliit na sandali na mayroon tayo." Sabi ng aking lolo habang tinatangal ang kanyang salamin sa mata. "Alam kong isasama ka ng iyong ama pagkatapos ng bakasyon, maghihiwalay tayo ng mahabang panahon, kaya't kung pakiramdam mo nag-iisa ka sa gabi, alalahanin mo lang ang mga kwento ko, lalo na itong paborito mong kwento."
"Ano ka ba, Lo! Huwag kang mag alala, babalik ako agad!" Habang yakap ko siya ng mahigpit. "At ipinapangako kong aalalahanin ko ang mga kwento mo."
Niyakap niya ako ng mahigpit. "Maraming maraming salamat, Apo."
"Lo, maaari ka na po bang magsimula sa iyong kwento?"
Napailing lang ang matanda. "O sige, sige. Ito na." Habang kinukurot ang ilong ko.
Noong inosenteng bata pa lang tayo, lagi tayong sinasabihan ng mga matatanda ng mga gawa-gawang kwento upang tayo'y aliwin, ngunit madalas ay para takutin. Subalit ang partikular na kwentong ito nang aking lolo'y kakaiba. Noong panahon na iyon, para sa akin ay purong katotohanan, parang nangyari sa totoong buhay. Ito ang kwento ng mga tao at hindi pangkaraniwang mga nilalang.
"Noong sinaunang panahon kung saan ang mundo'y tirahan ng iba't ibang uri ng nilalang. Tulad ng mga tao, mga engkanto, mga higante, mga sirena at kung ano ano pa. Ang lahat ay mapayapa at nagkakasundo sa mayabong na kaharian dahil sa gabay at pamumuno ng pitong pinuno. Bawat isa'y kumakatawan sa kani-kanilang nasasakupan na angkan.
BINABASA MO ANG
Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAW
FantasySi Emman ay isang ordinaryong binatang mortal na naninirahan sa Maynila, ngunit isang pangyayari ang tatapos sa kanyang buhay. Sa tulong ng isang anito ay muli siyang mabubuhay sa mundong mahiwaga nang Engkantada. Ipagpapatuloy niya ang kanyang buh...