Kabanata VIII
"Magic Training - Day 5"
"Sir, eto na po yung order nyo, spicy two piece chicken at pineapple juice." Sabi ng service crew sakin, sabay abot ng tray na laman ang sukli at order ko.
"Ay! Salamat po." Sagot ko sa kanya. Nakahanap din ako agad ng mauupuan sa ikalawang palapag kung saan may nagbibirthday party sa isang kwarto. Busy na ako sa aking pagkain ng biglang may boses na tumawag sa akin.
"Emmanuel." Tawag ng isang boses.
Tumahimik ang paligid, teka nawala ang mga tao. Saan sila napunta? Kanina lang ay maririnig ang ingay nila, mga kwentuhan, mga batang nagsisigawan sa party at mga tugtog pambata. Pero ngayon ay tumahimik na. Parang ako'y nag-iisa na lang.
"Emmanuel." Pag uulit ng isang boses. Nag-eecho ito sa paligid.
Lumingon ako sa likuran nang biglang nag iba ang paligid. Nasa isang buhanginan ako. Malawak, parang walang hangganan. At ngayon ay nakatayo na ako habang hawak ang isang kutsara sa aking kanang kamay. Nasaan na ako?
"Emmanuel!"
Lumingon ako muli sa aking harap at isang mataas na bundok ang aking nakikita sa hindi kalayuan. Para akong nasa isang mountain trail. Tahimik lang ang paligid, ang pag bulong ng hangin sa aking tenga lang ang aking naririnig. At ang hawak kong kutsara ay naging baston na, ang aking damit ay naging training outfit na.
~ ~ ~ ~ ~
Wala pa ding nakakatalo kay Sir Nando. Kanina lang ay napatumba nya si Dan, kahit gaanong bilis at galing sa paggamit ng sibat ang ipakita ni Dan ay wala pa din syang laban sa galing ni Nando sa tunggalian. Katatapos lang ni Alira na ipaliwanag ang levitation spell, o mahika ng pagpapalutang. Ngayon ay isasagawa na ito nila Issay at Jose sa amin. Isa ito sa uri ng mga support magic, maaring mailigtas kami sa mga kalamidad tulad ng pagbaha o pagguho ng lupa. Ngayon ay mas naintidihan na namin ang importasya ng mga magic user sa isang misyon. Mas versatile sila, lalo na sa mga di inaasahang sitwasyon.
Malaki na din ang improvement ni Issay sa paggamit ng mahika, natural ang pagiging diwata nito dahil sa dugo ni Maria Makiling na nananalaytay sa kanyang katawan. Hindi na rin kami nakakapagusap masyado simula ng mahawakan ko ang kanyang kamay. Hindi ko din alam kung pano ko sya kakausapin o tanungin tungkol sa di sinasadyang pangyayari.
"Emman! Ikaw ang mauuna." Malumanay na tawag ni Alira. Ako ang unang papalutangin ni Issay. "Tandaan mo, kapag ikaw ay palutang lutang na, iwasan mo ang paggalaw upang makontrol mo ang iyong katawan." Paliwanag nito sa akin. "At ikaw naman Issay, tulad ng mga tinuro ko, ang paggamit ng mahika ay hindi nasa isip, kundi nasa puso."
"Opo." Pagsang-ayon ni Issay. Pumikit ito at diniretso ang kanyang mga kamay patungo sa aking direksyon. Kasabay ng pagmulat ng kanyang mata ay ang paliwanag nito ng kulay puti. At isang puting enerhiya ang bumalot sa kanyang mga kamay. "Levitation Spell!"
Unti-unti kong naramdaman ang aking paglutang sa aking kinakatayuan. Isa pulgada, ikawalang pulgada, hangang sa ilang talampakan na ang taas ng aking paglutang. Sinubukan kong hindi gumalaw at huwag malula. Pumikit ako nang bigla ---- TUGGGG! Nahulog ako. Una ang pwetan! Nagulat ang lahat at nabigla.
"Aray ko!" Sigaw ko sa sakit ng paglagabag ng aking pwet sa sahig na kahoy.
"Emman! Emman!" Mabilis na tumakbo sa aking direksyon sila Dan. "Kamusta? Masakit ba? Kaya mo bang umayo?" Kung pwede lang na dito na ako matulog, bakit hindi. Masakit sya. Ang pakiramdam ay para akong nagslide tapos sa sobrang bilis ay hindi ko napigilan at tumalsik ako sa malayo, ang landing ay una ang pwet. Di ko makakalimutan ang sakit na yon noong bata ako.
BINABASA MO ANG
Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAW
FantasySi Emman ay isang ordinaryong binatang mortal na naninirahan sa Maynila, ngunit isang pangyayari ang tatapos sa kanyang buhay. Sa tulong ng isang anito ay muli siyang mabubuhay sa mundong mahiwaga nang Engkantada. Ipagpapatuloy niya ang kanyang buh...