Kabanata XII
"Ang Pagtatapos ng Pagsusulit"
Namimilipit pa din ang aking sikmura dahil sa malakas na suntok ni Bruno, nakaluhod pa din ako sa lupa habang ang aking kamay ay naka suporta, at sa aking harapan ay si Bruno, at ang dalawang kamao niyang papalapit na sa aking likuran. Ngunit parang kakaiba ngayon, tila nararamdaman ko kung saang bahagi ng aking likuran tatama ang kanyang mga kamao, may parang pakiramdam na tumutulak sa akin na ganito ang dapat gawin upang maiwasan ang atakeng tatapos sa aming laban.
Hindi ko na pinigil ang akin sarili, sinunod ko na ang aking intuwisyon, gumulong ako sa aking kaliwa, nakita kong nawala ang balanse ni Bruno dahil sa lakas ng pwersa ng kanyang suntok na sa hangin lang naman tumama, ginamit ko na ang pagkakataon na iyon, gamit ang aking kanang braso ay inatake ko ang bahagi sa gitna ng kanyang dalawang binti. Nagtagumpay ako, at doon ay narinig ko ang pinakamalakas na sigaw na nagawa ni Bruno ngayong araw, napahawak siya sa bahagi na iyon, nagtatalon at napahiga habang namimilipit sa sakit.
Hindi ko alam kung pandaraya ba ang ginawa ko pero mukhang epektibo naman. Wala naman akong natatandaan na may panuntunan na bawal ang ginawa ko. Narinig ko ang malakas na halakhak ni Luz sa hindi kalayuan, at sumunod na ang iba sa kanya. Lumapit si Nando upang tanungin si Bruno kung kamusta ang kanyang kalagayan.
"Bruno, kamusta? Kaya mo pa ba?" Tanong niya dito habang pinipigilan ang paggulong nito.
"Emman! Emman! Emman!" Paulit ulit na sigaw ng mga manonood, nakakataas ng kumpiyansa. Sinisigaw nila ang aking pangalan, nagawa ko na manalo sa ganung klaseng sitwasyon.
"Emmanuel!" Sigaw naman ng isang pamilyar na boses, ang boses sa aking panaginip.
"Emman!" Boses naman ni Sinag ang tumatawag sa akin.
"Emman." Sumunod naman ang kalmadong boses ni Alira.
"Emman, gising na." Wika ng boses ni Sinag. Habang nararamdaman ko ang pag-alog niya sa aking katawan.
Isang panaginip lang pala ang lahat, minulat ko ang aking mata na nasa paligid ko sila Sinag, Alira at mga manggagamot na diwata.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanila, habang hindi ko pa mamulat ng buo ang aking mga mata, at nakakaramdam pa din ng sakit sa likuran.
"Mukhang napuruhan ka ng huling atake ni Bruno sayo," sagot ni Nando." Kanina ka pa nawalan ng malay. Patapos na ang laban nila Dan at Luz."
Nagmadali akong bumangon upang masaksihan ang labanan. Nakita ko ang pagod na si Luz, hawak ang dalawang malaking palakol, samantalang si Dan naman ay kalmado lang na nag aabang sa kabilang banda.
Matapos ang isang saglit ay parang isang mabilis na liwanag ang dumaan sa harap ni Luz, at sa kanyang likuran ay makikita ang biglang paglitaw ni Dan, kasama ang sibat nitong naglalabas ng asul na kidlat, sumunod dito ang pagkatumba ni Luz na parang nawalan ng malay dahil sa pagkakuryente. At dun nagtapos na ang ikalawang bahagi ng pagsusulit, at ang huling tapatan ay sa pagitan ng magkaibigan na sina Bruno at Dan.
Agad namang inalalayan ni Dan at Nando si Luz papunta sa aking direksyon, sinalubong ko sila para tumulong. Inihiga siya sa mga nakahandang kama para sa mga galing sa laban. Ginamitan din agad siya ng restoration spell, gayundin si Dan.
"Bibigyan kita ng isang oras para magpahinga, Dan." Wika ni Nando. "Magpupulong lang kami ng ating mga panauhin, Alira at Sinag halika na kayo. Paumanhin at maiwan muna namin kayo."
Umalis na sila Alira, Sinag at Nando at nagtungo na sa mga panauhin. Samantalang sinamahan ko muna si Dan na nakaupo sa isang silya, at sabay naming inabangan ang paggising ni Luz, na mahimbing na natutulog sa di kalayuang higaan.
BINABASA MO ANG
Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAW
FantasíaSi Emman ay isang ordinaryong binatang mortal na naninirahan sa Maynila, ngunit isang pangyayari ang tatapos sa kanyang buhay. Sa tulong ng isang anito ay muli siyang mabubuhay sa mundong mahiwaga nang Engkantada. Ipagpapatuloy niya ang kanyang buh...