Kabanata I
"Kampo Luzon"
Kasalukuyan
Taong dalawang libo't labing walo
ISA sa aking pangarap ang makasakay sa eroplano. Maranasan lumutang sa himpapawid. Hindi ko naman akalain na dito ko pa pala mararanasan ang iyon. Nagising na lang akong nakasakay sa higanteng agila. BInabaybay ang kalangitan upang marating ang aming destinasyon. Ang Kampo Luzon. Makailang minuto na din ang nakalipas, hindi ko akalain na magugustuhan ko ang nakakalula na kasarasan. Nakakapit lamang ako kay San Pedro. Siya ang piloto ng higanteng ibon.
Nakakabighani ang tanawin sa mundong ito, malagong kagubatan, kulay asul na karagatan, mataas na kabundukan, at masaganang palayan. Ito ang aking mga nasaksihan mula dito sa itaas. Idagdag mo pa ang haplos ng hangin sa aking mga balat. Nakaluluha naman talaga ang kagandahan.
"Kalmado ka na ba dyan, Emman?" Tanong sakin ni San Pedro habang ginagabayan ang higanteng agila.
Siya ang maghahatid sa akin sa aking pansamantalang tirahan dito sa Engkantada. Ayon sa kanya ay iyon ang kanyang tungkulin. Ang maghatid sa mga muling binuhay mula sa Kaluwalhatian. Kakaiba din ang suot niya, puting damit na may mahabang manggas, kulay puti din ang pantalon niya, samantalang kulay tsokolate naman ang suot na sandals. Ang buhok naman niya ay mahaba, naka tirintas ang gilid at nakapusod papunta sa kanyang likuran.
"Mas mabuti naman po kumpara sa kanina." Sagot ko sa kanya.
"Muntikan ka na mahulog kanina nung magising ka, mabuti ay tinali ko ang mga paa mo dito sa aking alaga." Pagpapaalala niya sa pagkatakot ko sa aking paggising kanina, sino ba namang hindi matatakot kung magigising ka na hindi mo alam kung nasaan ka at mas matindi ay nasa himpapawid ka, sakay ng isang higanteng agila. "Huwag kang mag alala, malapit na tayo sa Kampo Luzon."
"Napakaganda pala sa lugar na ito, halatang inaalagaan ang buong paligid." Wika ko sa kanya.
"Kinukumpara mo ba sa Pilipinas?" Tanong niya.
"Sa Maynila lang po, dun kasi ako lumaki, malayo sa preskong hangin ng probinsya." Sagot ko.
"Inaalagaan talaga ng mga naninirahan dito ang Engkantada. Siguro'y dahil alam nila ang kahalagahan ng kalikasan sa kanilang pang araw araw na buhay." Wika nito. "O siya, kumapit kang mabuti, papababain ko ang lipad ng agila upang mas masilayan mo ng malapitan ang kagandahan ng paligid."
"Wooooooah!" Sigaw ko habang padausdos kami pababa, para akong nakasakay sa roller coaster, halos ilang metro na lang din ang layo namin sa mga nagtataasang puno.
Hindi ko pa nilibot ang Pilipinas, ngunit hindi ko maiwasang ikumpara ang mundo na ito. Tila birhen pa sa kasakiman ng sino man. Pinaniniwalaan ko ang aking isip na magiging mabuti ang aking pananatili sa lugar na ito.
"Pwede po ba akong magtanong?" Sambit ko.
"Ano 'yun?" Sagot naman nito.
"Kayo po ba talaga si San Pedro?" Tanong ko.
"Ang bantay sa pinto ng langit?" Sagot niya habang natatawa ang boses. "Hindi ko alam saan nakukuha ng mga taga kabilang mundo ang impormasyon na yan, pero hindi ako bantay ng pinto ng langit, tagahatid lang ako ng mga tulad mo."
"Ibig sabihin sa langit nga kayo nakatira?" Dagdag ko.
"Hindi. Tinatawag lang ako kapag may kailangan asikasuhin." Ani niya.
"Totoo bang may alaga kayong manok?" Dagdag ko pa.
Natawa ito ng malakas. "Meron, pero hindi naman sila nakakalipad. Kaya nga ang agila ang gamit ko para sunduin ka." Paliwanag niya. "Ano pa gusto mo malaman? Naaaliw mo ako sa iyong mga tanong."
BINABASA MO ANG
Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAW
FantasySi Emman ay isang ordinaryong binatang mortal na naninirahan sa Maynila, ngunit isang pangyayari ang tatapos sa kanyang buhay. Sa tulong ng isang anito ay muli siyang mabubuhay sa mundong mahiwaga nang Engkantada. Ipagpapatuloy niya ang kanyang buh...