XIII - Ang Paglalakbay sa Kaharian Magay-on

10 3 0
                                    

Kabanata XIII

"Ang Paglalakbay sa Kaharian Magay-on"


DALAWANG buwan na lang ang nalalabi at magtatapos na ang aming pagsasanay sa Camp Luzon, mas mahirap na ang mga itinuturo ng aming mga guro, mas mahigpit na din sila sa aming pagsasanay. Kamakailan lang ng ginanap ang pagsusulit sa klase ni Gante VIII at Sinag. Nagawa naman naming lahat makapasa kahit sobrang sakit sa ulo ng mga tanong, masusuri talaga ang aming kaalaman tungkol sa paksang itinuro nila sa loob ng ilang buwan. At pahirap na din ng pahirap ang pagsasanay namin sa pakikipaglaban, itinuturo na ang pagtutulungan bilang isang pangkat, kung saan dapat may koordinasyon kami sa pag atake at pagprotekta sa isa't isa.

Malaki na din ang aking pagbuti sa paggamit ng aking sandatang baston, lalo na sa paggamit ng dagdag katangian nito na malaki ang tulong sa akin sa pakikipaglaban, dahil sa mga mas matinding ensayo namin ni Nando, at sa galing niya bilang isang guro ay alam kong malaki na talaga ang aking paghusay sa pakikipaglaban. At mas madalas na din ang pakikipagharap ko sa aking mga kasamahan, minsan panalo, minsan talo, pero parte talaga iyon ng pagsasanay upang mas gumaling sa pakikipaglaban.

Ngayon ang araw ng aming paglalakbay patungo sa kaharian ng mga diwata at dalaketnon, ang Magay-on, kung saan gaganapin ang aming kauna unahang pangkat na pagsusuri, dito masusubok ang aming kakayahan bilang isang grupo laban sa matinding mga kalaban.

Kasalukuyan kaming nagtitipon sa ibaba ng camp upang ipaliwanag ang magaganap na paglalakabay, pamumunuan ito ni Nando at Alira, ang bantay naman sa likuran ay sina Gante at Sinag, ang pangunahin naming transportasyon sa paglalakabay ay mga higanteng baboy ramo, kasing laki siguro ng kalabaw ang kanilang katawan, ngunit maliit pa din ang mga binti. Ayon sa aming gabay na si Alira, tatagal ang paglalakbay ng buong maghapon, maaaring bago magtakipsilim ay makarating na kami sa patutunguhan.

Ang Camp Luzon ay sakop ng kaharian Magay-on, ngunit nasa bungad lamang ito ng kaharian, ang sentro kung saan naninirahan ang mga diwata at dalaketnon ay matatagpuan sa kabilang dulo ng kagubatan.

Sumakay na kaming lahat sa gagamiting transportasyon, maamo naman ang hayop at sanay sa interaksyon sa mga katulad namin, ang iba pa nga ay parang tumatawa dahil sa lakas ng tila hilik na tunog na inilalabas ng mga ito.

Ilang sandali pa'y nagsimula na ang aming paglalakbay, naghahalong sabik at kaba ang aking nararamdaman, ngayon pa lang ako nakalabas sa kampo, ngayon pa lang ako makakakita ng bagong tanawin, bagong lugar at mga bagong nilalang na makikilala. Anim na buwan din kaming nakakulong at paulit-ulit na mukha lang ang nakikita bawat araw, kaya nakakagaan sa pakiramdam ng maka hinga ng ibang hangin.

Ang daan na aming tinatahak ay kagubatan lang, babaybayin lang namin ito hanggang makarating sa kabilang dulo ng gubat. Nakakatuwa din ang mga hayop na naninirahan sa loob, mga iba't ibang uri ng ibon, mga maliit na hayop tulad ng mga kuneho, daga, at maliliit na baboy ramo na parang binabati kami sa aming pagdaan sa kanilang tirahan.

Nang dumating ang tanghali ay huminto muna kami sa aming paglalakbay upang pagsalusaluhan ang baon na inihanda ng mga duwende at diwata. Hindi ganoon kainit ang paglalakbay dahil sa silong na ibinibigay ng mga puno sa paligid, malaking bagay upang hindi agad mapagod ang aming sinasakyan.

"Magpahinga muna tayo ng mga isang oras," wika ni Nando. "Kung gusto niyo'y matulog muna kayo, gigisingin na lang namin kayo sa oras ng pag-alis." Dagdag niya.

Habang ang iba ay nag desisyon na matulog, napansin kong gising si Isabela, nilapitan ko siya upang kamustahin, alam kong sabik na siyang makabalik sa pinagmulan na kaharian upang muling makita ang kanyang tiyuhin na si Makisig.

Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon