Kabanata II
"Mahika
NAGISING ako dahil sa lakas ng tawag sa akin. Pagmulat ko sa aking mga mata'y bumungad sa akin ang aking silid na gawa ang buong paligid sa kahoy. Ang mga dekorasyon, mga kagamitan, lahat ay gawa sa kahoy. Tanging ang mga paso na lagayan at imbakan ng tubig ang hindi gawa dito. Simple lang din ang loob ng aking silid parang normal na hotel room. Pagpasok ay may maliit na mesa at isang upuan sa gitna na nakaharap sa bintana na tanaw ang mga mayabong at luntiang punong kahoy. Sa kanan bahagi naman ay ang aking kama na nababalutan lamang na makapal na kulay puting tela, samantalang sa kaliwa naman ay isang malaking kabinet kung saan nakalagay ang tatlong pares na uniporme ko para sa pagsasanay. Ang galing nga na updated sila sa fashion sa kabilang mundo. Plain na gray pullover at black chino pants lang naman at unbranded na rubber shoes ang aming fit check dito. Meron din na kasamang pang araw araw na damit at sandals. At ang suot ko ng makarating ako dito, itinago ko na sa loob ng cabinet bilang alaala.
Hindi muna ako tumayo sa aking kama, bagkus ay umupo sa gilid at sinulyapan ang tanawin sa labas mula sa aking bintana. Nasa ikatlong palapag ako ng isa sa mga higanteng puno. Bikol, ito ang tawag nila sa puno na ito.
Manghang mahanga pa din ako sa arkitektura ng kampo. Nagtataasang tree house na akala mo'y mamahaling hotel. Ang mga silid ay nakapa-ikot lang dito. Matibay ang pagkakagawa, hindi yumayanig kahit malakas ang hagupit ng hangin tuwing gabi.
"Emman!" Oo nga pala. Nandyan na si Nando.
"Sandali lang po! Kakagising ko lang!" Sigaw ko. Napasarap din talaga ang aking pagtulog. Wala akong alarm, wala din akong orasan. Hirap pa din ang maka-adjust sa oras dito.
"Ano? Bilisan mo na! Kilos na!" Sigaw nito sa akin.
Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang pinagmamadali ako, lalo na sa umaga. Sino bang may gusto ng ganun. Naaalala ko pa nung bata ako na ayoko talaga ng pinagmamadali ako ni Papa para pumasok. Lalo na kapag ayaw kong pumasok sa school. Pero teka? Papasok ako nang walang ligo? Oo nga pala wala nga palang C.R. sa mga kuwarto! "Sir Nando! Kailangan ko pa bang maligo?" Tanong ko.
"Ahahahahahahaha!" Malakas na tawa ni Sir Nando. "Maghilamos ka na lang ng mukha mo at magmumog. Hindi naman uso ligo dito."
Hindi ko pa masyadong kilala si Nando. Hindi ko alam if nagbibiro ba siya o normal lang sa kanila ang hindi maligo kapag may mahalagang pupuntahan. "Sigurado po ba kayo?"
"Syempre hindi. Naligo ka naman siguro kagabi?" Tanong niya sa akin.
Dyan na nagkaloko loko ang lahat. "Ehhhh, hindi po, eh." Nakakahiya kong sagot sa kanyang tanong. Nakakatakot na din kasing bumaba kapag gabi, lalo na at nakakahiya naman na magsabi sa mga duwendeng bantayan ako habang naliligo. May mga ilaw naman, ang mga kulisap na sobrang lalakas ng liwanag sa kanilang puwetan. Nagkalat sila sa mga pasilyo, hagdan at kahit sa ibaba kung nasaan ang silid na may igib ng tubig. Subalit natatakot pa din ako.
"Ganyan na ba kasipag mga kabataan ngayon sa kabilang mundo?" Pumasok na si Sir Nando sa aking kwarto. "Bilis, maghilamos ka na at magbihis! Nasa bulwagan sa punong Bulakan pa gaganapin ang pagtitipon." Pagmamadaling wika niya sa akin. Mga ilang minutong paglalakad din iyon, kailangan pa namin tumawid sa isa pang puno, ang Laguna. Bago makarating sa Bulakan.
Sa maikling pananatili ko sa lugar na ito, all I can say is this is life! Unlimited rice? Check! Litsong manok? Check! Mang Inasal represent! Kidding aside, ang lugar na ito ay parang military training camp na hindi istrikto. Nalibot ko na ang lugar na ito, kada treehouse may tatlong palapag, bawat palapag may mga kwartong nakapalibot dito. Meron lamang limang treehouse, Bikol, Laguna, Bulakan, Risal, at Ilokos. Yung apat ay treehouse na puro silid lamang. At ang panglima, ang pinakamalaki ay ang sentro ng lahat dito matatagpuan ang mga silid aklatan, silid sa pagsasanay at ang bulwagan.
BINABASA MO ANG
Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAW
FantasíaSi Emman ay isang ordinaryong binatang mortal na naninirahan sa Maynila, ngunit isang pangyayari ang tatapos sa kanyang buhay. Sa tulong ng isang anito ay muli siyang mabubuhay sa mundong mahiwaga nang Engkantada. Ipagpapatuloy niya ang kanyang buh...