IX - Combat Training - Day 10

18 4 1
                                    

Kabanata IX

"Combat Training - Day 10"

"Good afternoon sir! Welcome po." bati ng guard sa akin ng isang sikat na fastfood chain habang nagmamadaling naglakad para buksan ang pinto.

"Ay! Kuya ako na bahala." pagpigil ko sa kanya.

"Ah sige sir. Salamat po." sagot nya sakin ng may halong saya sa ngiti, bumalik na ito sa kanyang poste.

Habang hawak ko ang handle ng glass door ay isang boses ang aking narinig. "Emmanuel."

Ang boses ay nanggagaling sa likuran. Agad ko itong nilingon, ngunit ang bumungad sa akin ay ang tahimik na kapaligiran. Ang abalang kalsada ay huminto, nawala ang mga naglalakad na tao, tila nawalan ng sakay ang mga nakahintong sasakyan, at kahit ang gwardyang kanina lang ay nasa aking gilid ay naglaho.

"Emmanuel." pag uulit ng isang boses. Umaalingawngaw ito sa paligid.

Lumingon ako sa aking harapan nang biglang nag iba ang paligid. Nasa isang buhanginan ako. Malawak, parang walang hangganan. At nakakapagtakang hawak ko pa din ang hawakan ng pintuan kahit wala na ang pintuan. Nasaan na ako?

"Emmanuel!"

Umikot ako ulit sa aking likuran, at sa aking pagharap ay isang mataas na bundok na ang aking nakikita sa hindi kalayuan. Para akong nasa isang mountain trail. Tanging bulong ng hangin ang aking naririnig kasabay ng mga huni ng insekto. At ang hawak ko ay naging baston na, ang aking damit ay naging damit para sa pagsasanay.

"Emmanuel!!"

Ang boses ay mas malakas na, tila nanggagaling sa itaas, sa langit. Ang paligid ay unti-unting nagdilim, isa na ata ito sa pinakamagandang takipsilim na nakita ko sa buong buhay ko. Pinagsama samang kulay kahel, pula at dilaw ang bumalot sa paligid. Ngunit may mali, dahil ang paligid ay nababalot ng makapal na abo.

~ ~ ~ ~ ~

Nagising ako na may halong bigat at kaba ang pakiramdam. Pangsampung araw na ng pagsasanay namin at ito ang simula nang ikaapat na linggo ko sa Enkantada. Kahit nakapagpahinga ng dalawang araw ay parang hindi sapat dahil sa sunod sunod na araw na pageensayo ng arnis. Meron na lang akong dalawang linggo para maghanda sa nalalapit na pagsusulit.

Habang ako'y naagaayos ng gamit na dadalhin sa pagligo ay paulit-ulit na katok ang aking narinig sa pintuan. Dali dali ko itong binuksan at bumungad si Dubidubi. Isa sa tatlong dwendeng lider na nagpapanatili ng kaayusan ng camp. Ilang linggo ko din syang hindi nakita.

"Ito ang bagong dagdag na uniporme." sabay abot ng mga bagong pares ng uniporme. "Nakaburda na dyan ang iyong pangalan." wika nya sa kanyang nakatutuwang boses.

"Salamat." sabay kuha sa inaabot nyang damit. "Kamusta? Tagal nating hindi nagkita." kahit masungit sila noong nakakasama ko sila ay parang hindi pala kumpleto ang araw kung hindi nakikita ang mukha nilang laging nakasimangot.

Tinitigan nya lang ako habang nakakunot ang mga noo at sabay alis papunta kila Dapdap at Dipdip na nagaabang sa kanya sa hindi kalayuan. Pumasok na ako sa aking kwarto at nagayos na muli ng aking gamit.

Pagkatapos kong maligo at kumain ng umagahan kasama sila Dan ay dumiretso na kami sa silid para sa pagsasanay. Halos kumpleto na kaming lahat, at halata ang kaba sa bawat isa dahil sa mamimili nanaman si Sir Nando ng kanyang papatumbahin sa labananan sa simula ng klase.

"Aba mukhang handa na ang lahat." bungad ni Nando sa kanyang pagpasok sa pintuan ng silid pagsasanay. Kitang kita sa kanyang mata ang kagalakan sa muling pagpapabagsak sa amin. Ako at si Isabela na lang ang hindi napapabilang sa kanyang mga napatumba. "Bakit kaya hindi natin baguhin ang pagsasanay?"

Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon