V - Ang mga Mensahero at ang mga Mandaragit

32 5 2
                                    

Kabanata V

"Ang mga Mensahero at ang mga Mandaragit"

ISA akong sugo. Pinili ng isang anito upang gampanan ang isang mahalagang tungkulin. Nagkaroon na ng kulay ang imahe sa aking isipan. Nagkaroon na ng liwanag ang madilim kong kaalaman. Kung sino man ang pumili sa akin, gusto ko malaman ang kanyang dahilan. At gusto ko malaman kung ano ang kanyang nakita sa akin.

Tumayo na sa kanyang upuan si Nando. Lumapit ito kay Sinag at hinawakan sa kanyang kaliwang balikan. "Hating-tao ka man katulad ni Sinag o sugo na katulad ko. Mayroon tayong i-isang layunin. i-isang tungkulin na dapat gampanan. At iyon ay ang protektahan ang lumang kaharian."

"Isang hating-tao si Sinag?" Bulong ng isa sa mga kabataan.

"Tama ka," sagot naman ni Sinag. "Ako'y may dugong santelmo."

Namangha ang lahat. Kasama na ako doon. Hindi ko mawari kung saan banda siya naging hating-tao. Parang normal na tao lang ang kanyang itsura. Walang bahid ng pagiging santelmo. Ang mahiwagang bolang apoy.

Inangat ni Sinag ang mahabang manggas ng kanyang damit hanggang sa kanyang siko. Itinaas kaunti ang kamay. Ilang sandali pa'y unti-unting nagliyab ang kanyang braso. "Ito ang patunay."

Totoo nga. Maaaring hindi batid sa kanyang itsura ang pagiging hating-tao. Ngunit ang kakayahan na taglay niya ang patunay na kabilang siya sa mga ito. Kahanga-hanga sila. Mula sa iba't ibang kakayahan na aking nasaksihan kanina lamang. Ano pa kayang mga kakayahan ang dala ng ibang hating-tao. Anong halo pa kaya ng mga mahiwagang nilalang at tao ang nabuo.

"Tama na ang pasikat," pagputol ni Nando sa pagpapakitang gilas ng kanyang kasamahan. "Ngayon, alam niyo na ang pinanggalingan ng hukbong mandirigma. Gusto ko namang malaman niyo na hindi lang ito basta basta binuo at tumatakbo ng ganun na lamang. Sa katunayan, pinapatakbo ang hukbong mandirigma ng isang sistematikong sistema."

Nai-ayos na ni Sinag ang kanyang damit. "Mula mismo sa pangalan nito. Binubuo ito ng maraming hukbo. Pinag-uri-uri ayon sa kanilang mga kakayahan. Ang isang hukbo'y may katangiang espesyal lamang sa kanila at may hukbo naman na saklaw na ang iba't ibang uri ng espesyalisasyon. Binuo para sa iba't ibang klase ng kondisyon ng isang misyon."

"Sa oras na mag tapos na kayo sa inyong pagsasanay, kayo'y mapapasama sa hukbo kung saan naaayon ang inyong kakahayan. Ang hukbong magiging bago ninyong pamilya sa panibagong pahina ng inyong buhay," ani ni Nando. "Alam namin ang pakiramdam na magsanay ng tatlong taon, tapos ay maghihiwalay lang din naman pala pagkatapos nito. Gusto lang namin tandaan ninyo, ngayon pa lang, ang pagkakaibigan na totoo ay pangmatagalan. Kahit mag layo man kayo ng matagal o kahit saang lupalop man kayo mapadpad. Sa oras na muling magkita, magkaibigan pa rin."

"Tatlong taong pagsasanay. Hahasain kayo sa iba't ibang aspeto ng pagiging mandirigma. Una sa lakas, pagbutihin ang inyong kakayahan sa pakikipaglaban sa kahit anong klaseng sitwasyon. Pangalawa ay talino, maging matalas ang inyong pag iisip upang lutasin ang sitwasyon na kinakaharap. At ang ikatlo at huli ay kabutihan, kailangan nasa puso at isip ninyo ang layunin na maging mabuti at laging kabutihan ang dapat piliin." Wika naman ni Sinag na tila may mabigat na emosyon sa kanyang mukha.

"Kasalukuyan, alam naming taglay niyo na ang lakas at talino. Ngunit ang pangatlong katangian, taglay niyo ba?" Tanong ni Nando sa amin. Tahimik lang ang lahat. Walang umiimik.

"Ayaw namin na maulit muli ang nakaraan. Ang nakaraan kung saan ang ating mga kasapi ay ating magiging kalaban." Pagsingit ni Sinag.

"Mahigit dalawangpung taon na din ang nakalipas, ang kinakatakutan ng ating mga ninuno'y nangyari na. Isang panghabang buhay na tungkulin ang pagiging mandirigma. Sa oras na umabot na ito sa edad 40 pataas, sila'y sasa-ilalim sa transisyon upang maging isang Mensahero. Mensahero ng impormasyon tungkol sa mga matatagpuan na hating-tao at impormasyon tungkol sa mga kampon ng kadiliman sa lumang kaharian. Sila'y dadalhin sa mundo ng mga mortal upang magsimula ng bagong buhay, at panibagong misyon na nagbibigay tulong sa atin sa pamamagitan ng mga impormasyon na mahalaga upang maisagawa natin ang ating tungkulin. Ngunit ilang taon na ang nakalipas, ang impormasyon na aming nakakalap sa taong 1995 at pataas ay konti na lamang. Dahil ang mga mensahero ay nagsimula na mag rebelde laban sa Engkantada at sa kanilang misyon. Ang aming mga naging guro, ngayon ay naging aming kalaban. Ang dating mga tagapagligtas, ngayon ay ang kumikitil na ng buhay ng kanilang dating inililigtas. Kasabay ng pag unlad at pagbabago sa lupang kaharian, ay siya namang pagbabago din ng takbo ng kanilang mga layunin. Mga dating mandirigmang naging mensahero, ngayon ay mas kilala na bilang mga Mandaragit. Mga kasapi na ng kasamaan at kadiliman." Sanaysay ni Nando. Hindi ko maipinta ang kanyang mukha. May galit, may lungkot, ngunit kapansin pansin ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

Si Emman at ang Hukbong Mandirigma: ANG MARKA NG ARAWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon