Si Kurou ay isa sa tinaguriang Dry ice queens at ika-siyam na Capo Bastone ng Bonfiglio Famiglia. Siya rin ang isa sa pinaka-malakas sa kanilang grupo dahilan para iwasan siya ng karamihan na nakakilala sa kaniya. Sa panlabas na anyo ay isa siyang babaeng tahimik, poker face tumingin at walang sinasantong kahit sino. Pero sa panloob na anyo ay mabait siya at maasahan. Speacial skills niya ang lumamon ng anim na beses sa isang araw. Okay lang yun sa Boss niya lalo na at mahusay siyang tauhan. Na ikinagagalak naman niya. Kaya ng bigyan siya ng bagong misyon nito. Nais niyang magpasikat. Yun nga lang, ng malaman niya kung ano ang misyon na gagawin. Eh, napailing iling siya. Paano ba naman kasi, kailangan niyang mag papansin sa isang Warlord King. Hindi basta pagpapansin. Dahil kailangang magustuhan siya nito. "Tangina."mahinang sambit niya. - Kurou