ARANYA
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at magpaliwanag dahil mukhang iba ang iniisip niya. Para akong nahulihan ng boyfriend na matagal ko nang itinatago sa pamilya kung makataas ng kilay si tita Precious. Nangatog tuloy bigla ang binti ko.
"Uhm tita, kasi po---"
"I'm sorry ma'am. I asked her to come with me and I also asked her to have a little snack."
Agad akong napalingon kay Seth nang ito na mismo ang nagpaliwanag kay tita. He does not look scared or nervous. He still looks firm and cool habang seryosong nakatingin kay tita Precious.
Wow. Most people would be scared if they encountered a policeman. Kumpletong uniporme pa ang suot ni tita kaya akala ko ay kakaripas na lamang ng takbo itong si Seth.
"What's your name little guy?" Agad akong natigilan sa tinawag ni tita kay Seth.
Little guy? Hindi maliit na lalaki si Seth. He can actually reach tita Precious' height kapag tumayo ito at malaki ang pangangatawan niya kaya't masyadong nakakainsulto naman na tinawag siyang little.
"Seven ma'am. The name's Seven."
"Okay Seven, what's your business with my niece?"
Lalo akong nabigla sa sumunod na tanong ni tita. She sounds so intimidating like she is confronting a criminal caught in the act. I can even feel her tension while she holds her armor belt where her gun was placed.
Pakiramdam ko ay ano man na oras ay huhugutin na niya ang baril at ipuputok sa ulo ni Seth.
"Tita Precious tara na ho. Wala pong ginagawang mali si Seth. Umuwi na lang po tayo." Pangungulit ko bago ko siya hinawakan sa braso at sinubukang hilahin paalis.
"Bakit? Ayaw mong kausapin ko itong boyfriend mo?"
Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa naging tanong ni tita. Bigla akong natulos sa kinatatayuan ko at hindi alam ang sasabihin.
"Just so you know ma'am, my intentions are clean. And we're not a couple."
Mabuti na lamang at sinagot na ni Seth ang tanong ni tita. Wala na akong masabi eh at masyado akong nabigla sa tanong.
Iba talaga kapag pulis ang mag-interrogate eh. Talagang mapapanganga ka na lang. Pakiramdam ko tuloy ay para aking kriminal.
"Good. You see this gun in my belt? I will use this to blow your face if you ever think of messing with Ara." Puno ng pambabanta ang bawat salitang binigkas ni tita Precious bago niya ako nilingon at hinayaang magpahila sa akin.
"And you young lady, you got a lot of explaining to do."
Kahit hindi niya sabihin, alam kong kailangan kong magpaliwanag. I always do a lot of explaining to everyone when they find out something that is not what I usually do.
Hindi lang dahil basta concerned ang pamilya ko kundi dahil takot sila na baka may ginagawa na akong hindi maganda dahil sa kondisyon ko. They always monitor me because they it is necessary for me to be checked.
***
"Simulan mo na kung ayaw mong magsumbong ako sa nanay mo."
Habang nagmamaneho si tita Precious ay bigla itong nagsalita kahit pa nasa gitna na kami ng kalsada.
Mukhang ayaw niyang tantanan ang nangyari kanina at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito maka-get over. Well, masyado nga namang nakakabigla iyon lalo pa't never akong sumama sa kahit sinong lalaki noon eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/252330111-288-k701429.jpg)
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide [Completed]
ActionAuthor Series #1 "Yet her innocence brought her here with us." Discover how too much love could actually kill you! *** When she realized she was falling for a man she had only been with for a week, Aranya Zaragosa, th...