ARANYA
Kung grabe ang kalokohan ng mga lalaki sa Mendel, mas malala ang mga lalaki sa Harman. They are all like a bunch of Gladiator participants ready to kill while everyone is laughing like no one's about to die while they hit each other with their own chairs.
Muntik na akong mapahiyaw nang biglang hampasin ng isa kong kaklase sa likod ang isa pang lalaki gamit ang sandalan ng arm chair na hawak niya. Natumba ito bigla habang bitbit din ang arm chair niya na balak niyang ihampas sa kaaway niya naman mula sa harap.
I don't know if I can handle this class for a whole school year. Hindi ba sila natatakot na may mabalian or may maaksidente?
Balak ko na sanang yumuko na lamang sa arm chair ngunit may biglang nag-abot sa akin ng tablet, "Here. Just watch anything until the next teacher comes." Ani ni Seth bago muling nag-abot ng itim na earphones.
Saglit akong tumingin sa kanya bago bumaling sa tablet niyang kasing laki mismo lamesa ng arm chair at tiningnan ang mga apps na naka-display sa screen. There are no social media applications on it pero puro biyolenteng video games ang naka-install.
Call of Duty, Point blank, Afterlife, Tekken, Mortal Kombat at kung ano-ano pang brutal na patayan ang tema. Napunta na lamang ako sa gallery na puno ng mga downloaded movie videos pero puro rin action ang laman. Napakunot ang noo ko nang makita ang album na "L.L." at napuno ng kyuryosidad sa nangungunang video roon na may mukha ng isang maputing babae. I was curious so I clicked the album at doon lumabas ang lahat ng video na halos ikalaglag ng mga mata ko.
They were all naked ladies! I can even see some bare breasts in it and I can't help but to gasp, "Oh my freaking gosh!" Napahawak na ako sa dibdib ko sa kaba na nakakuha ng atensyon ng mga katabi kong lalaki.
Biglang hinila ni Seth ang tablet mula sa akin at marahas na pinasa kay Cole, "What the hell is that?" Galit niyang bulyaw rito kaya't napatingin din sa tablet si Cole bago lumingon sa mga nasa likod habang nanlilisik ang mga mata.
"Who the hell downloaded these pile of sh*t?" Galit niyang tanong kaya't biglang nagturuan ang mga lalaki sa likod liban kay Kenjiro na napaikot na lamang ang mga mata.
"Hoy! Ba't mo ako tinuturo? Di ba ikaw tong nag-request niyan?" Galit na reklamo ni Rupert habang tinuturo si Leo.
"Anong ako? Ikaw itong nagsasabi na gusto mong maging updated sa videos ng baby mo!" Dinuro pa ni Leo si Rupert bago binanggit ang pangalan ng isang sikat na porn star (alam ko kasi naririnig ko iyon na pinag-uusapan din ng mga kaklase kong lalaki).
Napahilot na lang ako sa sentido ko sa sobrang stress. Ngayon pa lang ay para na akong inaatake sa puso sa sobrang pagkabigla sa mga kababalaghan ng mga estudyante rito. I don't know if I can take another day here.
"I'm so sorry you have to see that."
Napalingon ako kay Seth na ngayon ay naka-igting ang bagang habang nagpipigil ng galit dahil sa nangyari kanina. Samantala ay hindi pa rin natatapos ang turuan sa likod kaya't hindi ko na alam kung paano pa ako tutugon sa paghingi ng tawad ni Seth.
"I don't care who started it! Don't use my tablet for your horniness ya'll damn bastards!"
Akala ko ay tatagal pa pero sa wakas ay natahimik na rin sa likod. Mukhang takot din sila kay Cole kaya't sumunod na lamang ang mga ito sa kanya.
"Here. Take this madam."
Napalingon ako bigla kay Cal na iniabot sa akin ang cellphone niya habang nagloloading sa screen na iyon ang larong Candy Crush. He even lend his earphone and three pieces of packed Vita Cubes from his pocket.
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide [Completed]
AksiAuthor Series #1 "Yet her innocence brought her here with us." Discover how too much love could actually kill you! *** When she realized she was falling for a man she had only been with for a week, Aranya Zaragosa, th...