Chapter 22: One of the Boys

96 12 0
                                    

ARANYA

Nagising akong nasa loob ng isang silid na hindi pamilyar. Masakit ang buo kong katawan, parang pagod kahit nakapagpahinga naman at higit sa lahat, kumakalam ang sikmura sa sobrang pagkagutom.

Animo'y nasukahan ng tinta ng ballpen ang buong kuwarto ko dahil itim na itim ang buong paligid. Wala kang ibang maririnig na ingay kundi ang tunog ng makina ng air-conditioner na naglamig sa temperatura ng buong kuwarto.

I was about to think I am lost but then I remembered the forced agreement I had yesterday. I remembered how my life can never be the same again after the punishment they gave me.

Then I remembered Seth. Ang puno't dulo ng lahat ng nangyayari sa akin ngayon. Ang nag-iisang rason kung bakit ako ngayon nandito. Kung bakit ako nakakulong at nawalan ng kalayaan.

I have to admit that the room looks fancy. Hindi ganito ang itsura ng mga dorm sa Mendel na simpleng kuwarto lang. This room looks like a luxurious hotel room and I bet students in here pay a lot of money since they have to include every single expensive materials they paid to build this place. Hindi biro ang ganitong kuwarto.

Tumayo ako mula sa kama at napilitang tupiin nang maayos at maingat ang kumot dahil pakiramdam ko'y gawa iyon sa isang mamahalin na tela. Suot ko pa rin ang uniporme ng Harman na ginamit ko kahapon dahil hindi na ako nagkaroon pa ng lakas magpalit. At isa pa, dinala ako rito ni Seth na magulo ang utak at wala sa tamang huwisyo.

I walked around the room then I found a fridge beside the kitchen sink which made me feel a little hopeful that its full because my knees are shaking out of hunger. Laking pasalamat ko nang makitang may laman nga itong mga pagkain pero bago ko pa mailabas ang isang karton ng fresh milk ay biglang tumunog ang doorbell.

It really feels like a hotel here.

Naglakad ako papunta sa pintuan at sinilip ang peephole para makita kung sino ang nasa labas. Agad na bumungad sa balintataw ko ang mukha ng isang maputi at hindi gaano katangkaran na babae. Nakasuot ito ng itim na teacher's uniform habang may bitbit na clipboard.

Hindi ko alam kung bubuksan ko ba ang pinto o hindi dahil pagkatapos ng nangyari kahapon, alam kong kahit mukhang propesyonal ang mga tao rito ay pare-pareho silang mga utak kriminal. She might hit me with that clipboard until I die. But there is also a part in my brain that tells me to open the door for me to find out. Well, in Schrodinger's cat experiment, we will never know if the cat is alive inside the box if we will not open it right?

I sighed. I have no choice but to open it since I already have a punishment to get. Hindi naman na nila ako kailangan pang i-torture dahil nahatulan na akong makulong dito 'di ba? Wala na akong nagawa kundi pihitin ang doorknob para tuluyang buksan ang pintuan.

When the door hanged open, the lady immediately smiled at me while standing perfectly still and holding her clipboard with her right hand professionally.

"Good morning Ms. Ara! My name is Ms. Claudine Barameda, and I was sent here by the principal to help you with coping up in our beloved school. That includes on how you behave here and following our rules strictly. We don't want another punishment do we? Without further ado let's start here in your room."

***

It took us almost an hour inside my dorm dahil inisa-isa niyang ipakita lahat ng mga gamit doon at kung paano gumagana ang mga appliance roon na mas high-tech pa sa kuwarto kong walang finger print scanner ang tv at refrigerator. Hindi ko alam na may voice recognition password ang cabinet ko at lalong hindi ko alam na maraming nakatagong baril sa ilalim ng kama ko.

This place is freaking wicked! Hindi ko alam na may ganito pa lang eskwelahan dito sa Pinas! Is this school even recognized by the government? Well I mean I know its impossible because this place is hell but if they knew about how modernized this school is, I bet they'll be raising a higher tax for this campus.

When Love and Hate Collide [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon