ARANYA
I am happily walking through the corridor while hugging two books on my chest. The first one is from yesterday and the second one is a newly brought book in the bookstore.I have been writing a lot so I thought of finally pausing for a few days and binge read a book. I also need a lot of ideas before proceeding to another novel to make.
Besides, marami na akong natapos na libro at napiga talaga nang matindi ang utak ko. Kailangan ko ulit ibabad sa balde na puno ng tubig ng kaalaman bago muling pigain.
Nang marating ang doorway ng classroom ay agad kong nahalata na tatlo lang ang estudyante sa loob. Dalawa dito ay classmates ko at ang isa ay, well, ang dakilang observer ng klase.
Nahalata kong aalis ang dalawa kaya't agad na akong sumabat para magtanong.
"Saan kayo pupunta? Bakit kayo lang ang nandito, malapit nang magstart ang klase ah?" Sunod-sunod kong tanong sa dalawa na nakatitig naman sa akin.
"Pumunta raw muna sa gymnasium para sa announcement." Georgia informed me and being seconded by her friend Fiona by nodding her head to me.
"Wag na raw dalhin ang bag." Sabi niya naman sa akin kaya't agad king ginantihan siya ng ngiti.
"Sige. Thanks." I bid them before walking through the classroom and finally walk to my chair to place my bag.
Lahat naman ng bag ng mga kaklase ko ay nasa upuan din nila kaya't hindi na ako nag-alangan pa na iwan ang sa akin.
Habang abala sa pagsabit ay dinig ko ang mumunting ingay na nililikha ni Seven mula sa likuran. Hindi ko na inalam pa kung ano iyon at nagsimulang maglakad palabas ng classroom.
Hindi ko alam kung bakit pero kahit ako'y nakatalikod sa lalaki, ramdam ko ang titig niya sa akin sa hindi malamang dahilan. Or maybe because I am just overthinking?
***
Ang lahat ay nakapila na ngayon sa gymansium para mag-abang sa anunsyong iuulat ng guro na nakatayo ngayon sa harap ng lahat.
Habang nakapila ay nahalata kong panay ang tingin sa likod ng mga babae habang impit na tumitili kaya't napalingon na rin ako, only to find that the visitors from Harman University are standing there.
Seven is on our line but he was a bit far from the edge of the aligned students so kitang-kita agad siya kapag lumingon. He is looking on my direction while a man beside him is whispering in his ear.
Muli na lamang akong tumingin sa harap habang pilit na nakikinig kahit pa ang iba ay nagdadaldalan.
"Okay, listen Mendelians! I have an announcement."
To be honest, Senior High School students lang ang nandito kaya't hindi naman masyadong magulo. Its a bit noisy but now that the teacher is talking, natahimik na ang lahat.
"Tomorrow, as a part of your third activity in your Physical Education, napag-usapan ng inyong mga subject teachers na gawin na lamang ang activity ninyo nang sabay-sabay."
I hate PE. I am not an interactive woman and I do not like it when I socialize by any means. Lagi kong gustong magsulat at magkulong sa kuwarto.
"So we decided that we will be having our Zombie Run." Seryosong anunsyo ng P.E. teacher ng ABM habang nakapameywang at matikas na nakatayo sa harap.
Nagsitilian ang ibang babae at napahiyaw ang ibang lalaki sa excitement nang marinig ang balita. Mukhang ito ang magiging topic buong araw. Halata sa kislap ng mga mata ng kaklase ko na hindi na sila makapaghintay na tumakbo. Animo'y gusto na nilang mag-marathon ngayon din.
![](https://img.wattpad.com/cover/252330111-288-k701429.jpg)
BINABASA MO ANG
When Love and Hate Collide [Completed]
AksiAuthor Series #1 "Yet her innocence brought her here with us." Discover how too much love could actually kill you! *** When she realized she was falling for a man she had only been with for a week, Aranya Zaragosa, th...