Chapter 20: Missing

93 12 0
                                    

TORY

Hindi ko alam kung bakit pero habang nakikita ko ang nakadikit na papel sa bulletin board ay hindi ko mapigilan ang sariling maluha. Sinusubukan kong hindi mahalata ng iba pang mga kaklase namin na nakatingin din sa bulletin board habang kanya-kanyang nagbubulungan habang tinuturo ang papel.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Panay kasi ang dikit niya kay Seven. Siguro kagagawan yan ng mga estudyante sa Harman."

"Talaga? Sa tingin mo totoo ang chismis na mga kriminal ang estudyante roon?"

Habang naririnig ko ang bulungan ay lalo lamang akong nakakaramdam ng pagsisisi. Dumadagdag pa ang nakangiting larawan ni Aranya sa papel at ang contact info sa baba ng naka-imprenta niyang litrato sa papel.

Nangangati na akong kunin ang cellphone ko at tumawag pero masyado akong nababalot ng takot. Natatakot akong masisi at ipakulong. Ginusto ko ito para makaganti pero bakit ganoon na lamang ang pagsisisi ko sa huli?

*Flashback three days ago*

"Alam niyo bang nakita ko si Ara kahapon na sumakay sa kotse ni Seven? Pakiramdam ko nagdidate na ang dalawang iyon."

Walang ibang tsismis ang buong klase kundi ang tungkol sa namamagitan sa dalawa. Puro sila dada tungkol sa ginagawa ng dalawa habang magkasama at dahil doon ay punong-puno na talaga ako.

Mas pinili pa niyang landiin ang lalaking iyon kaysa humingi ng tawad sa akin at makipag-ayos. Lagi na lang ako ang gusto niyang lumapit sa kanya at humingi ng paumanhin. Ang kapal ng mukha!

"Grabe! Pangalawang araw pa lang na nandito iyang si Seven pero nagdidate na sila agad? Napaka-easy to get naman niyang si Ara! Akala ko ba, study first siya? I mean, sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi naman siya pumapatol sa lalaki eh. Wala naman akong nabalitaan na nagka-jowa na siya dati."

Hindi ko na nakayanan pa at agad na minadaling tapusin ang paghuhugas ko ng kamay at dire-diretsong lumabas mula sa banyo habang nagpipigil nang matinding inis.

Mabigat ang mga hakbang na naglakad ako sa school corridor habang nakatingin sa sahig dahil ayaw kong makita ng mga dumadaan kung gaano ako namumula sa sobrang galit. Ngunit hindi ko inaasahang bigla akong may nabanggang tao.

"Aw! Watch where you're going you blind lady! Damn it!"

Agad akong napatingala at nakita ang isang matangkad at kutis porselanang babae na nakasuot ng uniporme ng mga taga-Harman. Inis nitong pinagpag ang dibdib na natatakpan ng maalon niyang buhok bago naiiritang napatingin sa akin.

"Sorry. Hindi kita napansin."

"Yeah right, you're sorry. Stupid." Mataray niyang sabi at tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago ako inirapan. Doon napakunot ang noo ko at tiningnan siya ng matalim.

"Ang arte mo naman! Nag-sorry na nga, ayaw mo pang tanggapin! Edi wag!" Ani ko at sinubukang maglakad paalis pero agad na hinila nito ang buhok ko pabalik.

When Love and Hate Collide [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon