Habang inaayos ko ang sarili ko, tinawagan ko si Seven. Minsan-minsan ay sinisilip ko ang screen habang naglalagay ng clip sa buhok ko. Bakit kaya hindi pa niya sinasagot? Malapit ko nang ibaba ang tawag, iniisip na baka busy siya, nang bigla niyang sagutin.
Tiningnan ko ang orasan sa kwarto maaga pa pala. May isang oras pa bago magsimula ang klase ko.
“Hello, who’s this?” tanong niya sa kabilang linya.
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, “It’s me, Idalia.” Narinig ko ang paghugot niya ng hininga.
“Oh my! Really?” Tumango ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. “Yes,” sabi ko nang nakangiti.
Saglit siyang natahimik. Tiningnan ko pa ang screen para i-check kung tuloy pa ang tawag, at nang mapagtanto kong okay pa ang linya, bigla siyang nagsalita.
"Aba! Bakit bigla ka na lang naglaho, Dal? Nakakatampo ka!" rinig kong reklamo niya.
“Sorry na, okay?“ paumanhin ko. “Nagmamadali kasi akong makaalis.” Napakagat-labi ako nang maalala ang dahilan kung bakit kailangan kong umalis.
“Ano naman ang rason ng pag-alis mo?” tanong niya.
“Gusto mo bang malaman?”
“As in ngayon na? Sasabihin mo na?” sabik niyang tanong. “Oo,” sagot ko.
“Sandali, mag-video call tayo.” Nawala siya saglit, at ilang sandali lang ay lumipat kami sa video call.
Napatawa ako nang makita ang mukha ni Seven na sobrang lapit sa camera. Napanguso siya na ikinatawa ko pa lalo. Napakaguwapo niya, kahit pusong babae siya!
“Wag mo akong tawanan, Dal! Ang panget ko kaya!” Nakanguso siyang nagreklamo at iniayos ang cellphone bago mag-indian seat at maglagay ng unan sa hita niya.
“Lalaki ang porma mo, pero babae ang puso.” biro ko, habang hawak ang cellphone at nakatingin sa kanya.
“Hindi kaya panget ka! Pogi ka nga eh…este, ang ganda mo pala!” lalo siyang sumimangot at umirap, na ikinatawa ko.
“Actually, naiinis na ako lately. May babaeng sumusunod sa akin nitong mga nakaraang araw,” reklamo niya.
“Who? Baka naman forever mo na yan!” pang-aasar ko. Lalo siyang sumimangot.
“She’s so annoying! Ayoko sa kanya! At saka, lalaki ang gusto ko!” Tumawa ako pero agad din niyang iniwas ang usapan.
“Nga pala, Dal, ano ba yung rason ng pag-alis mo?” tanong niya. Nakakunot ang noo at nagpangalumbaba pa habang hinihintay ang sagot ko.
Lumunok muna ako. “Uhm…a-ano…”
“Ano, Dal?” muli niyang tanong.
“May nagustuhan akong lalaki…while in a relationship with Jacob.” Nanlaki ang mata niya. “What?! Sino?!”
“P-Professor Montanier...” Lalong lumaki ang mata niya.
“What?! Seryoso? Si Professor? Paano?” gulantang niyang tanong.
Iniiwas ko ang tingin at inayos ang hawak sa cellphone. “Hindi ko rin alam, Seven. Naramdaman ko na lang.”
“Then bakit kailangan mo pang umalis? Yun lang ba ang dahilan o may nangyari pa?” curious niyang tanong.
“Noong gabing hinatid niyo ako, naguguluhan na ako kasi yung ex kong akala kong nasa US, nandito lang pala sa Pilipinas at pinagtataguan ako. Kaya nagpunta ako ng bar para mag-is-”
“What?! Mag-isa ka?” Nagulat siyang tumango ako.
“Dapat sinama mo kami!” sabi niya.
“That night…may lumapit na manyak sa akin, pero biglang dumating si Prof at iniligtas ako.” Hindi ako tumingin sa screen, sa iba ako nakatutok.
“Talaga”" Tumango ako.
“P-pero hindi pa doon natapos.” Tumitig ako sa kanya. “W-we…had a one-night stand.“ Utal kong sabi, at nanlaki ang mata niya.
“W-wha—Hindi ako makapaniwala,” bulalas ni Seven at umiling pa. “Kaya ka nagdesisyong umalis agad?”
Tumango ako.
“And sa airport… alam mo ang masakit doon? Parang wala lang sa kanya. Nag-propose siya kay Ivenika sa harap ko. Para akong dinurog sa sakit.“ Hindi ko na napigilan ang pagluha, at rinig ko ang buntong-hininga ni Seven.
“Subukan mong kalimutan siya habang nandyan ka. Tahan na, Dal…papanget ka niyan,” biro niya. Pagpapakagaan niya sa loob ko na natagumpay naman siya kasi natawa ako. Pinunasan ko ang luha ko.
“Tandaan mo, Dal, nandito lang kami ni Raquel para sa’yo.” Ngumiti ako. Sobrang thankful talaga ako sakanilang dalawa ni Raquel.
“Salamat sa inyo.”
Lumabas ako ng bahay at napangiti, nakita kong kumakatok sa kawayang gate namin si Nang Wena, ang nanay ni Wonwon.
Tumakbo ako palapit para pagbuksan siya. “Ano po iyon?” Nakangiti kong tanong, at tinakpan ko ang noo ko para hindi ako masinag sa araw.
“Ka'y gandang bata mo talaga, Ida!” papuri niya, na ikinapula ng pisngi ko. “Naghihintay na si Wonwon kasama ang mga kababata niyo,” dagdag niya.
Napangiti ako. “Sige po,” magalang kong sagot, at sumunod ako sa kanya.
Pagdating namin sa bahay nila, nakita ko sina Mina, Cassia, Bruce, at Fierro.
“Oy! Tatlong araw kang hindi lumabas matapos dumating,” pagbati ni Mina, na nag-pout pa. Tumakbo ako at isa-isang niyakap ang mga kaibigan ko.
“Namiss ko kayo!” nakangiti kong sabi.
“Hindi halata,” sabi ni Bruce, at tumawa lang ako.
Lumabas si Wonwon mula sa bahay nila, nagsusuklay pa ng buhok. “Oo nga, ewan ko ba. Apat na taon na hindi ka namin nakausap, tapos biglang nagkulong ka sa bahay,” sabi ni Wonwon. “Pero hinahatiran ka naman namin ng ulam," pahabol niya.
“Yun naman pala, e!” sabi ni Bruce.
“Kahit matagal tayong hindi nagkita, dapat nandyan pa rin ang closeness,” sabi ni Cassia habang at kinurot ako sa pisngi. Napangiti ako dahil palagi niyang ginagawa 'to sakin dati.
“Oo naman!” sabay na sabi ni Fierro at ni Mina, na masayang lumapit sa akin.
“Lalo kang gumanda mula nang mag-Manila ka,« sabi ni Mina habang inaayos ang buhok ko.
Masaya akong makasama muli ang mga kababata ko. Akala ko matatagalan bago ko sila makita ulit, pero heto kami, nagkakasama muli, at parang walang nagbago.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...