“P-Prof” Napalakas ang bulalas ko sa gulat.
I can't believe he's here. Sino ba naman ang mag-aakala? Sa itsura pa lang niya, parang hindi mo na ma-imagine na sasakay siya sa ganitong klase ng bus na siksikan.
Nakatitig siya sa akin na masungit ang mga mata, at mas lalo akong nanliit sa kinauupuan ko.
Grabe. Ang taong pilit kong iniiwasan, nandito ngayon sa tabi ko. Parang sinusubok ako ng tadhana. Sabi ko na nga ba, iiwasan ko na siya, pero bakit? Bakit siya nandito? I thought he had a car? Nakita ko nga si Ivenika sakay niya dati!
“What?” tanong niya, salubong ang kilay. Parang nairita pa siya sa pagtitig ko. “Nasira ang sasakyan ko.”
Parang lalong bumigat ang hangin sa bus nang magsalita siya. While the conductor was letting more passengers in, it felt like I was getting more and more cramped. Halos puro lalaki ang nakatayo, at iilan lang ang mga babaeng mukhang nahihirapan ding sumiksik.
May lalaki sa gilid ko na pilit umuusog dahil may sumakay pang mas matabang pasahero na pumuwesto sa harapan niya. I was getting pushed back, at parang natutulak ng puwit niya.
“Miss, usog ka,” sabi ng lalaki sa tabi ko. Wala akong nagawa kundi umusog papalapit kay Prof. Ramdam ko ang mainit niyang balat nang magdikit kami.
Parang dumaloy ang kuryente mula sa kanya papunta sa akin. Napaurong ako, pero wala akong matakbuhan. Sa sobrang sikip, lalo lang akong naiipit.
Napamura siya nang mahina. “Damn.”
Ramdam ko ang init ng hininga niya sa tenga ko, at muntik na akong mapapikit.
Ano bang problema niya? Siguro iniisip niya kung bakit pa siya sumakay ng bus. Kung tutuusin, kasalanan niya rin ‘to.
Nag-ikot ako ng tingin sa loob ng bus at napansin ko ang isang ginang na nakatayo sa harapan namin. Nakangiti ito habang nakatingin sa amin, parang alam na alam niya kung ano ang nangyayari.
“You look good together,” bigla niyang sabi.
Halos malaglag ang panga ko. Ano raw?
Pero ang mas ikinagulat ko, nang magsalita si Prof.
“I'm her professor,” malamig niyang sagot, na parang ikinahihiya ang sinabi ng ginang.
Mapait akong napangiti. Yeah, that’s true. Pero parang may kung anong kirot sa dibdib ko.
Ngumiti ang ginang na parang wala siyang naramdamang awkwardness. “Oh, really? Wala naman sigurong masama? As long as you’re not stepping on anyone.”
Ano ba ang pinagsasabi ng ginang na 'to? Why does it feel like she knows what I’m feeling?
Pero tinuldukan ni Prof ang usapan. “I never once thought about liking my student,” he said coldly.
Eksaktong huminto ang bus, kaya bumaba na siya. Naiwan akong tulala, habang umuusog para paupuin ang ginang sa tabi ko. I couldn’t help but feel hurt by what he said.
Napansin iyon ng ginang, at nagbigay siya ng isang ngiting puno ng pag-unawa.
“Iha, do you like him?” biglang tanong niya.
Napatitig ako sa kanya, nababasa niya ba ang isip ko?
“Kanino po?” maang-maangan kong tanong.
Ngumiti siya at tumingin ng deretso sa mata ko. “To your professor.”
Hindi ako nakaimik.
“Pwede ko bang makita ang kamay mo?” tanong niya.
Kusa kong inabot ang kamay ko, at marahan niya itong hinawakan. Napansin kong tinutukan niya ito ng maigi, parang binabasa ang mga linya.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...