Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone niya. Napatingin siya sa bulsa niya at nilipat ang tingin sa akin.
“Mag-uusap tayo mamaya,” seryosong sabi niya at kinuha na ang cellphone at naglakad papalabas para sagutin ang tawag.
Hindi! Hindi kami pwedeng mag-usap. Hindi niya pwedeng malaman na anak niya si Izak.
Napatingin ako kay Ivenika, na pinaposition na ang anak niya para sa shoot. Ang baby niya ang unang kukuhanan.
Sinamantala ko ang pagkakataon habang nasa labas si Sygred, at agad akong nagtungo sa kwarto. Nagulat pa si Raquel nang makita niya akong nagmamadaling lumapit sa kanila at agad na binuhat si Izak.
“Bakit?” naguguluhang tanong ni Raquel.
“Let's go home,” kinakabahang sagot ko at hinawakan siya sa braso.
“Bakit? Hindi pa nag-uumpisa,” gusto niya akong pigilan pero umiling ako.
“Sige na, umuwi na tayo,” sabi ko.
Napabuntong hininga si Raquel.
“Magpapaalam lang ako kay Maya."
"Mauuna na ako sa sasakyan," sabi ko.
Nauna na akong lumabas at nagmamadali akong umalis ng bahay, ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang si Izak ay tahimik na buhat-buhat ko. Ang cute-cute niya sa damit niya, pero wala na akong oras.
I'm sorry, baby, pinagkakait kita sa ama mo. Pero anong magagawa ko? Kahit solo parent ako, ayos lang at least hindi tayo makasira ng pamilya. Maiintindihan mo rin ako balang araw.
Hindi na ako lumingon pa para makita kung nasaan si Sygred.
Agad kong binuksan ang sasakyan at pumasok. Binigyan ko ng laruan si Izak para may libangan siya habang hinihintay namin si Raquel.
Agad ding dumating si Raquel at pumasok sa loob.
“Bakit ba kasi tayo umalis kaagad? Hindi pa nag-uumpisa, at saka kala ko ba ayaw mong malaman ni Sygred na anak niya si Izak? Pero, Idalia, sa ginagawa natin na ito, nagkakahinala na siya!” mahabang lintanya niya.
Hindi ko na naiisip iyon kasi ang tanging nasa isip ko ay ilayo ang anak ko sa kanya at hindi niya malaman ang totoo.
Binuksan ni Raquel ang makina at sinimulang paandarin ang sasakyan.
Hindi ako tumitingin sa likuran nang biglang magsalita si Raquel.
“Sinusundan tayo ni Sygred!” sabi ni Raquel nang mapatingin sa rear mirrow. Nanlaki ang mata ko. What?!
Napatingin ako sa likuran ko at nakita kong nakasunod sa amin ang sasakyan ni Sygred. Yan ang parati niyang ginagamit pag pumapasok siya sa eskwelahan.
Bakit ba kasi siya sumusunod?!
“Bilisan mo!” sigaw ko kay Raquel.
“Idalia! Ano ba? Bakit ba kasi ayaw mo pa din sabihin sa kanya? Gusto mo lang ilayo ang anak mo, Idalia. Sa gusto mong bilisan ko mapapahamak tayo sa gusto mo!”sigaw din ni Raquel kaya biglang umiyak si Izak, marahil nagulat sa biglang pagsigaw namin. Doon naman ako natauhan.
“Baby, I'm sorry,” hingi ko ng tawad sa anak ko at hinalikan siya sa bunbunan.
“Idalia, makinig ka muna sa akin kahit ngayon lang?” pakiusap ni Raquel. Napatingin ako sa kanya. Nakita kong sumulyap siya sa likuran.
“Sumusunod pa din siya, Idalia. Makinig ka sa akin.” sabi niya, tumango ako at hinalikan si Izak na tumigil na sa pag-iyak.
“Bakit ba ayaw mong ipagtapat sa kanya ang lahat?”
“Natatakot ako,” sabi ko. “Alam mo namang may pamilya na yung tao, di ba?” Nakita kong naguluhan si Raquel.
Nangunot ang noo niya.
Magtatanong pa sana ako nang biglang mag-ring ang phone niya. Hininto ni Raquel ang pagmamaneho at sinagot ang tawag.
Napatingin naman ako sa likuran at nakita kong hindi na sumusunod si Sygred.
Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman at hindi na siya sumusunod.
Nauna nang lumabas ng classroom ang mga estudyante ko. Nagpaiwan ako kasi may inaayos pa ako. Pinunasan ko ang pawis ko sa noo at bitbit ang bag ko, nag-tungo ako sa pinto.
Agad ko itong binuksan nang may biglang humablot ng braso ko.
"Ano ba?!" pagalit na sigaw ko at tumingin sa taong humablot ng braso ko. Napatigil ako nang makita si Sygred. Naniningkit ang mata nito't nakatingin sa akin.
Mula sa gulat, binago ko ang ekspresyon ko, inis kong inagaw ang braso ko sa kanya. Mabuti naman at binitawan niya ito kaya madali kong nabawi.
"Anong problema mo?!" sigaw ko.
"Now, alam ko na..." anito't nakatingin parin sa akin.
Nangunot ang noo ko at agad kinabahan. Nagkaroon na ako ng idea sa kung anong alam niya. Kaya mas lalo akong kinakabahan.
"Pag talagang nakumpirma ko ang nalaman ko, Idalia, ako mismo ang kikilos," seryosong sabi ni Sygred at binitawan ang braso ko. Narinig ko ang yabag niya papalayo.
Nanatali akong nakatayo sa madilim na corridor hanggang sa makaliko sa hagdan si Sygred. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko sa kaba kaya napahawak ako dito. I will make sure na hinding-hindi niya makukuha sakin ang anak ko.
Nang makababa ako sa hagdan, huminto ako at napahawak pa di sa dibdib ko. Hindi na nawala ang kaba na nararamdaman ko. Napapikit ako habang humihinga ng malalim.
“Ano ba talagang gusto mong mangyari, Sygred? Nananahimik na kami ng anak ko!” mahinang bulong ko.
“Ma'am?” dinig kong tinig ng babae sa aking likuran. Naramdaman ko pang kinalabit niya ako.
“Okay lang po kayo, ma'am” tanong ulit ng babae. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Ito ay estudyanteng babae.
“O-Oo, ayos lang ako. Bakit hindi ka ba umuuwi?” ranong ko. Ngumiti siya sa akin at itinaas ang librong hawak niya.
“May tinapos pa po kasi ako,” nakangiting sabi niya. Tumango ako at sumabay na sa kanya sa paglalakad.
Nang makalabas kami sa gate, nakangiti siyang humarap sa akin. Nakakahawa ang klase ng pag-ngiti niya kaya hindi ko napigilang ngumiti din.
“Ma'am, dito na po ako,” nakangiting sabi ng estudyante na nakasabay ko. “Nilalakad ko lang po kasi ang boarding house na tinitirhan ko,” dagdag pa niya.
Ngumiti ako at tumango. “Mag-iingat ka, ha? Babae ka pa naman,” sabi ko.
“Yes po, kayo din po, Ma'am,”
Tumalikod na siya at nag-simula nang maglakad papalayo.
Pagdating ko sa condo, agad akong nagtungo sa kwarto namin ng anak ko. Nakita ko doon si Raquel na hinihili si Izak.
Inilapag ko ang bag ko sa sofa at lumapit sa kanila.
Napatingin sa akin si Raquel nang maramdaman niya ang presensya ko.
“Oh, nandito ka na pala!”
Ngumiti ako at naupo sa tabi niya.
“Oo, nandito na ako. Wag kang maingay, nag-papatulog ka, di ba? Baka magising si Izak. Lower your voice.” Natatawang sabi ko, napanguso siya.
Dinungaw ko ang cute na cute kong baby at hinalikan ito sa noo.
Nang mailapag na ni Raquel si Izak, nagpaalam na ito at lumabas. Ako naman ay nagpalit na ng damit.
Busy ako sa pagsusulat para sa ipapa-quiz ko bukas nang biglang bumukas ang pintuan.
“May tumawag pala kanina, hinahanap ka,” sabi niya.
Nangunot ang noo ko. Sino naman yon?
“Babae o lalaki?” kunot noong tanong ko.
“Lalaki,” sagot niya, nangunot din ang noo ni Raquel “Pamilyar nga ang boses e. Parang ka-boses ni Seven. Kinilabutan pa nga ako kanina habang iniisip ko na si Seven yung nag-sasalita sa kabilang linya.”
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...