Kabanata 8

10.7K 244 12
                                    

Wala kaming klase ngayon kasi may meeting ang mga guro. Nandito ako sa Milktea House kasama si Raquel. Tinawagan ko si Seven kasi gusto ko siyang ipakilala kay Raquel. Sigurado akong magkakasundo silang dalawa.

“Namiss kita!” Sabi ni Raquel habang nakangiti siya, at hindi napigilan na yakapin ako. Tumawa ako at niyakap ko rin siya.

“I miss you too.” Mahina kong sabi bago kami naghiwalay.

Bumalik siya sa upuan niya at nag-usap kami saglit nang mapatingin si Raquel sa pinto ng Milktea House.

“Look!” Sinundan ko ang tinitingnan niya. “May gwapong papalapit!”

At nandoon na nga si Seven.

Naka-black pants siya at blue polo. Talaga namang parang walking anime siya.

Hindi siya mukhang gay talaga. Nagkatama ang tingin namin ni Seven at ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako at ini-point ko si Raquel na nakatulala na kay Seven. Huwag sabihin Raquel?! Hindi ko naman siya masisisi. Sobrang gwapo naman ni Seven. Sayang, gay siya.

Nang malapit na si Seven, namangha siya.

“Is that Raquel Domagoso?”

Nakita ko ang mga mata ni Raquel na namilog, siguro dahil sa boses ni Seven na talagang bakla. Hahaha.

Ang smile ni Raquel kanina ay naging parang ngiwi. “B-bakla ka?”

Hindi ko talaga napigilang tumawa ng malakas. Ayan kasi, mahilig sa pogi!

Tinaasan siya ng kilay ni Seven at naupo sa tabi ko.

“Of course! Nakakalerki ka ah!” Umirap pa si Seven, kaya natawa ako lalo.

Tumingin si Seven sa akin at kumindat. Kung alam ko lang na gay siya, baka kinilig pa ako sa wink niya. Tumingin siya kay Raquel.

“Ngayon ka lang ba nakakita ng mas maganda sa’yo?”

Tumaas ang kilay ni Raquel. “Exc-” Pero hindi ko siya pinatapos, kasi feeling ko kailangan na naming mag-order.

“Ako na mag-oorder, dito lang kayo,” sabi ko at tumayo na para umalis.

Habang nag-oorder ako, aksidenteng napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko. Natatabunan ng ilang buhok ang mukha niya. Matangkad siya, morena, at may itim na itim na buhok. Hindi ko maiwasang mas mapatitig pa sa kanya. Parang pamilyar siya. Napatitig ako lalo.

Siguro naramdaman niya na may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya sa akin. Hindi ko talaga mapigilan ang magulat nang makita ko ang mukha niya, fiancée pala siya ni Professor Montanier.

Ngumiti siya sa akin. Sobrang ganda niya.

“Hi!”

“H-hello…” Nahiya ako bigla.

“You’re pretty!” sabi niya sa akin.

Did she just compliment me?

“T-thank you! Ikaw rin!”

“Thanks. Nice to meet you, girl,” sabi niya at kinuha ang inorder niya bago humarap ulit sa akin. “By the way, I need to go! See you around!” Mabilis siyang lumabas ng Milktea House, at hindi ko mapigilang sundan siya ng tingin.

Nakikita ko rin kung paano siya tinitingnan ng mga tao sa paligid. Hindi ko masisisi si Professor Montanier kung bakit niya minahal si Ivenika. Parang kumpleto na siya sa buhay, at ang masaya kasi may ganung partner siya.

Habang nag-oorder ako, nakita ko sina Raquel at Seven na nagtatawanan na. Natuwa ako. Ang bilis nilang maging close.

Pagkatapos kong mag-order, bumalik ako sa mesa at inilapag ang tatlong Milktea. Naupo ako ulit sa upuan ko.

“Wow, close na agad, ah?”

“Hindi pala mahirap kaibiganin si Seven,” sabi ni Raquel. “Mukhang adan siya pero mas ‘Eva’ pa pala sa akin!” Tumawa ako sa sinabi ni Raquel.

“And he’s also studying fashion design,” dagdag ni Raquel habang binubuksan ang straw ng Milktea niya.

Nagtagal kami sa Milktea House, kwentuhan at tawanan, bago namin napagpasyahang umuwi. Inalok pa nila akong ihatid, pero tumanggi ako. Gusto ko munang mag-isa para makapag-isip-isip.

Habang naglalakad pauwi, hindi ko maiwasang isipin ang sinabi ng ginang sa akin.

Sino ang nagpapanggap? Sino ang darating? Nanikip ang dibdib ko nang naiisip ko ang huling tanong. Sino ang mawawala?

Ilang linggo na ang lumipas simula nang makita ko ang fiancée ni Professor Montanier sa Milktea House. Hanggang ngayon, tuwing makikita ko si Professor Montanier, parang patuloy pa rin ang race ng puso ko.

Kami pa rin ni Jacob. Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa bilihan ng school supplies sa tabi ng school. Mahaba ang daan, at nandun na sa unang liko ang bilihan.

Ako lang mag-isa. Niyaya ko si Seven, pero sabi niya may klase siya, kaya ako na lang ang nagpunta mag-isa. Hindi na rin siya masyadong suma-sama sa klase namin kasi busy na rin siya.

Habang naglalakad ako, tinitingnan ko ang paligid. Nang nasa unang liko na ako, may nakita ako na isang van. Tatanggalin ko na sana ang tingin ko roon nang bigla akong mapahinto dahil sa dalawang lalaking pababa. Pero yung huling lalaki, siya ang nakakuha ng atensyon ko.

“J-Jacob…” Mahina kong nasabi.

Habang tinitingnan ko siya, nakita ko pa kung paano niya ginulo ang buhok niya isa yun sa mga kinagawian ni Jacob.

Siya ba talaga yun? Akala ko nasa US siya? Kung siya yun, paano niya nagawang magsinungaling sa akin?

Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon