Kabanata 35

10.6K 210 6
                                    


"I thought you don't remember me anymore."

"Gusto na nga kita kalimutan, e. But why are you still doing this?" tanong ko naiinis.

"Hindi porque naalala kita ay ibig sabihin wala na akong pakialam. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang nag-iba ang trato sa akin ni Mrs. Montanier, she insulted me! She destroyed my image! Malay ko ba kung may pinaplano kayo para ilayo sa akin ang anak ko!" galit kong sigaw sa kanila. How could they do this to me?

Agad siyang umiling.

"No! Wala akong ganong balak. Hear me out. I want to make things right. I want to say sorry for what we did," sabi niya, halata sa mukha ang senseridad kaya nag iwas ako ng tingin at lalong pinatigas ang loob ko. Pilit niya ring inaabot ang kamay ko, pero umiwas ako. Halata sa mukha niya ang sobra-sobrang konsensya dahil sa nagawa.

Ginugulo-gulo nila! Ginugulo nila ang isip ko!

Iinsultuhin at ipapahiya nila ako, tapos biglang magpapakita ng ganito?

How dare he think an apology could erase everything?

"I will never forget what you and your mom did to me! Pabayaan niyo na kami ng anak ko. Hindi ka namin kailangan!" hindi ko na napigilang magtaas ng boses.

Napapikit ng mariin si Sygred marahil ay nagpipigil na sigawan ako pabalik, at nagmulat din agad.

"Idalia, I wanted to say sorry for what I did. Nadala lang ako ng emosyon ko. I didn't mean to do that. I really want to be with my son, pero pilit mo siyang nilalayo sa akin. Pilit kang nagsisinungaling," sabi niya at bumuntong-hininga. "Gusto kong iexplain lahat ng nangyari one year ago. Gusto kong malaman mo ang lahat."

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Seven, gusto rin niyang iexplain ang lahat?

Pero sarado ang utak ko. Naiisip ko lahat ng masasakit na sinabi nila sa akin. Sabi pa niya noon na baka sa isang kurap lang, mawala ang anak ko. Paano kung nagsisinungaling lang siya ngayon at gusto lang niya akong paikutin hanggang sa mailayo nila ang anak ko sa akin?

"Hindi na kailangan," sabi ko, sabay tayo. Akmang tatalikod na ako nang hawakan niya ang pulsuhan ko. Napalingon ako sa kanya nang nakakunot ang noo. Ang laki ng pinagbago niya physically mula noong una kaming magkita.

Totoy na totoy pa siya noon at payat, pero ngayon ay lalo siyang tumangkad at nag-mature ang pangangatawan. Wala siyang salamin noon, pero ngayon meron na.

Pero kahit nalaman ko na siya si Gred, walang magbabago. Galit pa rin ako sa kanya. Hindi ko pa rin siya hahayaan na makalapit sa amin, lalo na sa anak ko.

"Kahit ano pang sabihin o ipaliwanag mo, buo na ang desisyon ko. Hindi ka namin kailangan. Tigilan mo kami ng anak ko!" sabi ko, saka hinatak ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Naningkit ang mga mata niya.

"Ganyan na ba katigas yang puso mo? Pati pagpapaliwanag ko, ayaw mo man lang pakinggan. Ayaw mo bang maging maayos ang lahat?"

"Maayos ang lahat?" pagak akong natawa. "Sa tingin mo magiging maayos ang lahat pag nagpaliwanag ka? Walang magbabago. Ang sama niyong dalawa ng Mama mo, lalo ka na! Alam kong gusto niyong ilayo sa akin si Izak. Pwes, hindi ko hahayaan mangyari 'yan!" sabi ko sa kanya, hindi pinuputol ang titigan namin.

"Magiging maayos ang lahat once na mag-explain ako at maniwala ka. Sarado lang talaga ang utak mo, ayaw mo akong pakinggan. Tandaan mo, Idalia. Kahit na lumayo ka. Kahit na lumayo kayo, matutunton at matutunton ko pa rin kayo," sabi niya bago tumayo at lumabas ng kwarto.

Napaawang ang labi ko.

Siya pa talaga ang may ganang mang-iwan sa akin dito sa kwarto niya!

Padabog akong lumapit sa pinto, binuksan ito, at malakas na isinara. Agad akong patakbong bumaba ng hagdan. Naabutan ko si Raquel na umiinom ng orange juice sa sala.

Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon