Kabanata 18

10.4K 234 11
                                    

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, kinuha ang bag ko mula sa sofa, at narinig ko ang pagkatok sa pintuan.

“Wait!” sabi ko at agad na binuksan ang pinto.

Bumungad sa akin ang nakangiting si Mina.

“Oh, may dala ako para sa’yo,” sabi niya, sabay abot ng isang Tupperware. “Sigurado akong masarap ‘yan! Luto ni Mama e,” dagdag pa niya. “Kumain ka muna bago ka umalis, dadaan naman dito si Frenise, di ba?”

Tumango ako. “Oo, dadaan siya maya-maya pa siguro,” sagot ko, sabay nilingon ang kusina.

Naglakad kami papunta sa kusina.

“Mabuti pa nga, kumain muna ako,” sabi ko, at naamoy ko agad ang masarap na amoy ng ulam pagkalift ko ng takip ng Tupperware.

“Upo ka,” wika ko kay Mina at iminuwestra ko ang isang upuan sa loob ng kusina. Nag-ayos ako ng pinggan at nagsandok ng kanin. Pagkatapos, naupo ako. Naupo din si Mina.

“Kumain ka na ba?” tanong ko.

“Oo, tapos na,” sagot niya.

Habang nagsimula akong kumain, hindi ko maiwasang humanga. “Ansarap ng Caldereta!” sabi ko, sabay ngiti. Napangiti si Mina habang pinagmamasdan akong kumain.

“Masarap talaga magluto si Mama,” pagmamalaki niyang sagot.

Naramdaman ko bigla ang pangungulila kay Mama. Masarap din siyang magluto!

Nakita siguro ni Mina ang lungkot sa mga mata ko kaya’t nagtanong siya. “Namiss mo si Tita?” tanong niya nang malumanay.

Huminto ako saglit sa pagkain at malungkot na ngumiti. “Oo…” sagot ko.

Ngumiti si Mina at hinawakan ang kamay ko. “Alam kong miss na miss ka na nila. Palagi lang silang andiyan para sa’yo, hindi ka nila pababayaan,” Tumango ako at ngumiti ngiti.

“Saglit lang ba kayo ni Frenise?” tanong ni Mina.

Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko alam, siguro? Bibili lang kami,” sagot ko.

“Pero gabi na, Ida! Baka mapano kayo sa daan. Ang daming mga siraulong lalaki sa labas. Napagtripan nga kami ni Cassia nung nakaraan,” sagot niya, may halong pag-aalala.

Hinawakan ko ang kamay ni Mina. “Ano ka ba, bhie! May sasakyan si Frenise at magkasama kami,” sabi ko, bahagyang naguguluhan. “Anong ginawa sa inyo?” tanong ko.

Napabuntong-hininga si Mina bago nagsalita. “Galing kami ng lugawan sa bayan. Nagpapabili si Mama dahil may sakit si Moymoy. Nagpasama ako kay Cassia, siguro mga alas-diyes yun. Tapos, noong pauwi na kami, may dalawang lalaking lumapit sa amin at hinihila kami papunta sa sagingan,” sabi niya, malupit ang galit sa kanyang boses.

“Mga walanghiya sila! Balak pa ata kaming gahasain. Mabuti na lang, katabi lang ng lugar na yun ang bakery nila Waven. Nasapak niya yung mga yon! Astig!” dagdag pa niya, kita ang galit sa kanyang mga mata.

“Naku, buti naman at nakaligtas kayo,” sabi ko, at nakahinga ng maluwag. Akala ko kung anong nangyari sa kaila.

“Oo nga. Nagpasalamat ako kay Waven noon, tapos si Cassia, walang ginawa kundi umiyak kasi takot na takot siya,” sagot ni Mina.

Nagpatuloy kami sa kwentuhan habang kumakain ako, at pagkatapos kong tapusin ang pagkain, nagsalita siya, “Alis na ako ha?”

Nang makaalis si Mina, dumating si Frenise.

Nandito na kami ngayon sa Mall, naglalakad papunta sa store kung saan siya bibili.

“Saglit lang tayo, nakakain ka na ba? Mag-Jollibee na lang tayo pagkatapos,” nakangiting sabi ni Frenise. Agad akong umiling.

Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon