Kabanata 25

10.3K 226 7
                                    

Napalunok ako at tinignan siya na may tanong sa aking mukha.

“A-ano namang kailangan mo sa akin?” tanong ko.

Nangunot ang noo niya.

“Where do you live?” instead kay tanong niya. Nangunot ang noo ko.

“Bakit ko naman sasabihin sa’yo kung saan?” sagot ko, sinusubukanv iwasan ang tanong. Hindi pwedeng malaman niya. Hanggang maaari, bawal.

“Ibaba mo na lang ako dito, mag-cocommute ako,” sabi ko, itinuro ang gilid ng kalsada.

“No!” mariing salita ni Sygred kaya napatingin ako sakanya ng may pagtataka.

“Bakit? Bakit ayaw mo akong pababain? Ha? Pababain mo na ako!” inis na sabi ko habang kinakalampag ang bintana.

“Bakit ba ayaw mong ihatid kita? May tinatago ka ba?” tanong niya, naniningkit ang mga mata. Agad akong kinabahan at umiling.

“W-wala! Ano namang itatago ko?”
Kabadong sagot ko at hindi naiwasang mautal. At kahit kinakabahan ay tinaasan ko siya ng kulay para hindi halatang kinakabahan ako. Napatingin siya sakin.

“Oh, okay,” sumusukong sabi niya at nag iwas ng tingin, nakita ko pa ang bahagya niyang pagtawa na para bang nawiwili.

“Kung wala naman pala, where do you live?” tanong niya muli.

Ayokong malaman niya na may tinatago ako, kaya sinabi ko ang lokasyon ng aking tirahan.

“So, dito na lang?” tanong niya habang hinihinto ang sasakyan sa harap ng condominium. Tumango ako.

Lumunok muna ako, ayokong mautal.

“O-oo…”

Gusto ko sabunutan ang sarili ko nang mautal ako.

“Salamat…” sabi ko at agad nang binuksan ang pintuan, ngunit bago ko ito mabuksan, naramdaman ko ang braso niyang humawak sa braso ko.

“An—” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang iabot niya sa akin ang lipstick ko. Nagtatakang napatingin ako sa kanya.

“Nahulog mo,”

Napatingin ako sa bag ko. Nakabukas ito kasi sira na at ngayon lang natuluyan. Napailing ako. Hindi ako pumapayag na bilhan ako ni Raquel. Ngayong may anak na ako, gusto kong pinaghihirapan ang lahat ng gusto kong mabili. Kaya kapag nagkasweldo ako, bibili ako ng mga bagong gamit namin ni Izak.

Agad ko itong kinuha, naramdaman ko ang kuryente sa pagkakadikit ng kamay namin ni Sygred, kaya mabilis akong lumayo. “S-salamat,

“Sira na ang bag mo. Should I buy you a new one?” tanong niya. Nanlaki ang mata ko at kaagad umiling. Bakit niya naman ako bibilhan?

“No, thanks,” sagot ko at binuksan ang pinto at lumabas na ako.

“Goodnight, Idalia,” nagulat man ay tumango lang ako.

“Goodnight, Sygred,” sabi ko. Kita ko pa ang panlalaki ng mata nito nang banggitin ko ang pangalan niya, ngunit tumalikod na lang ako at tuluyan nang bumaba sa sasakyan niya.

Naalimpungatan ako sa pag-ring ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinagot.

“Hello?” antok na bati ko, pumipikit-pikit pa ang mga mata ko. Inaantok pa talaga ako. Sino bang tumatawag ng ganitong oras?

“Idalia…” agad nanlaki ang mata ko. Nawala ang antok ko nang marinig ang boses niya.

“Sygred? Bakit ka tumatawag ng ganitong oras?” tanong ko, hindi napigilang mapataas ang boses. Ano bang kailangan niya? Agad nanlaki ang mata ko nang biglang umiyak si Izak, marahil ay nagulat sa sigaw ko. Nakalimutan kong patayin ang tawag, at agad kong nilapag ang cellphone sa lamesa at dali-daling pinuntahan si Izak. Agad ko siyang kinuha at binuhat.

Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon