Kabanata 40

9.1K 180 4
                                    


Masarap pala sa pakiramdam pag nag karoon na nang pagpapatawad. Limang buwan na ang nakakalipat simula nang makausap ko si Tita Lucille.

Gumaan na talaga ang pakiramdam ko sakanya hindi na kagaya dati na palagi akong umiiwas at nasasamaan sakanya. It's never too late na kilala pa si Tita Lucille. We can start all over again. Pinakilala na din ako ni Sygred sakanyang ama na si Tito Franco. Sobrang nakakaintimidate siya pero mabait naman pala. Noong una ay grabeng kaba talaga ang naramdaman ko dahil natakot ako sakanya pero natuwa naman ako dahil natanggap niya Izak bilang aponiya at alam ko rin kung saan nagmana si Sygred.

"Idalia..." Nakangiting lumingon ako kay Sygred.

"Yes?" Nakangiting sagot ko. Ngumiti siya napakagwapo niya talaga lalo na ngayon na wala siyang suot na salamin.

"Hindi naman pala ganoon kalabo ang mata mo pero suot ka nang suot ng salamin." Sabi ko. "Ang gwapo mong tingnan pag walang salamin." Nakangiting sabi ko Ngumiti siya pero nangunot din ang noo at naningkit lalo ang mata.

"Bakit? Hindi ba ako gwapong tingnan pag may salamin?" Tanong niya tumawa ako at pinisil ang matangos niyang ilong.

"Hindi ah, ang gwapo mo kaya with or without glasses." Nakangiting sabi ko.

Ngumuso siya habang namumula ang tenga pinipigilang ngumiti. Sobrang cute niyang tingnan ngayon. Ang cute kiligin eh. Hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko habang nangingiti bago ako dahan-dahang hinalikan sa noo. Mapangiti ako sa kilig.

Kiss on the forehead is the sign of respect. He respect me, then he kissed my lips. Dampi lang iyon pero ramdam ko ang labis na pamumula ng pisnge ko nang binitawan niya na ang pisnge ko ay saka ko naman ito hinawakan. Ang init!! Ramdam ko pa din ang lakas ng tibok ng puso ko at walang pinag bago mas lalo ko lang siyang minamahal.

Narinig ko ang tawa ni Sygred kaya nag angat ako ng tingin sakanya. "What?" Tanong ko.

Tumatawang tinuro niya ako.

"You're blushing!" Muli nitong hinawakan ang dalawang pisnge ko at hinalikan ako this time hindi na smack kiss na lang. We shared a passionate kiss. Full of love. Naputol lang iyon nang may tumamang bola sa ulo ko. Agad akong napalayo kay Sygred at tumingin sa nag bato ng bola napangiti ako nang makilala kung sino iyon.

"Izak, come here!" Nakangiting sabi ni Sygred sa anak.

Tumawa naman si Izak at tumatakbong lumapit saamin. Muntik pa itong madapa mabuti na lang at nahawakan agad ni Sygred agad niya itong binuhat at pinag hahalikan.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mag-ama ko.

Natutuwa ako dahil kahit hindi pa masyadong nakakabanggit ng words si Izak ay sa wakas nakakalakad na siya. Hindi gaya noon na puro siya pakarga. Sa mga nag daan kasing buwan ay sinasanay namin siya ni Sygred na maglakad kaya ngayon nga ay nakakalakad na. Palagi namin siyang pinupunta sa park dito sa Subdivision.

Nakangiting lumingon saakin si Sygred.

"Thank you!" Nakangiting sabi niya. Lumawak ang ngiti ko bago siya halikan sa pisnge.

Nauna nang tumayo si Sygred habang buhat si Izak na napagod na ata kakatakbo. Kumapit ako sa braso ni Sygred habang naglalakad kami pabalik sa Mansyon nila.

"Tulog na siya?" Tanong ko kay Sygred nang mailapag niya sa kama si Izak.

Tumango siya.

"Yes, sabi ni Mom maganda daw pag pinapatulog sa hapon ang bata."
Tumango-tango ako nang makaharap siya.

"Pinapatulog mo ba noon si Izak sa hapon?" Tanong niya.

"Noong nasa Cebu kami pinatutulog ko naman siya pero noong nagpunta na kami dito sa Manila. Hindi ko na masyadong alam kung napapatulog ba siya a halon kasi si Raquel na ang nagbabantay sakanya pag may trabaho ako." Sabi ko.

Tumango siya at niyakap ako.
Agad naman akong kumapit sa leeg niya at pinatakan siya ng halik sa labi na kinangiti niya.

"Akala ko hindi na maaayos 'to," Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niyang kitang kita ang saya. Masaya din naman ako. Wala na akong maihihiling pa.

"Ikaw kasi e, pinatitigas mo yung puso mo. Layo ka nang layo pero habang lumalayo ka sakin. Mas lalong mo akong pinalalapit sayo."

---

"Ma'am, may naghahanap po sainyo sa labas." Sabi ng isa sa kasambahay nila Sygred pag bukas ko ng kwarto.

Sino naman kaya? Sino namang maghahanap sakin ng ganitong oras? Hindi naman siguro si Raquel yon dahil nasa Japan si Raquel. Kaka-alis lang niya noong nakaraang linggo. Namimiss ko na nga agad siya eh. Nag drama pa yon bago umalis na kesyo namimiss niya daw kami lalo na si Izak.

"Sino daw po?" Tanong ko habang lumalabas ng kwarto.

Nagkibit-balikat ang katulong.

"Hindi ko po kilala, Ma'am. Nasa loob po kasi ng sasakyan at hindi lumabas."

"Ay, sige po. Susunod na lang po ako. Pakisabi po sandali lang, salamat. " Sabi ko. Ngumiti at tumango naman ang katulong sakin at agad nang tumalikod.

Bumalik ako sa loob ng kwarto at kumuha ng sweater na white at agad na sinuot napatingin pa ako kay Sygred na payapang natutulog at kay Izak na nasa tabi niya. Tabi-tabi na kaming natutulog tatlo ilang buwan na din.

Noong una ay naiilang pa dahil nga sa naninibago pa pero ngayon ay hindi na. Maayos naman na kami kahit na hindi ko alam kung ano ang estado naming dalawa at saka hindi pa namin napag uusapan ang tungkol doon. Oo may anak kami pero hindi pa namin napag uusapan ang tungkol don lalo na yung tungkol sa pagpapakasal. Hindi naman ako nagmamadali pero mahal naman namin ang isa't isa kaya hindi ko muna madadaliin ang tungkol sa kasal kapag iopen niya ang tungkol doon at yayain akong magpakasal ay papayag ako dahil hindi lang naman 'to para sa anak namin dahil para din ito saamin. Para tuluyan na kaming maging masaya.

Dahan-dahan ako lumakad papunta sa pinto at nag simula nang lumabas tahimik na ang paligid sa oras na ito dahil tulog na ang lahat.

Alas-diyes na din ng gabi at maagang natutulog ang mga tao dito.

Bumaba na ako ng hagdan lumakad ako sa may sala at nag lakad sa isang pasilyo palabas ng Mansyon.

Nang makalabas ako ng Mansyon ay luminga pa ako sa paligid dahil wala na talagang tao. Nasan na kaya yung katulong kanina? Bigla na lang nawala. Matulog na ata? Nagkibit balikat ako kasi sabagay late na rin naman.

Tumakbo na lang ako papunta sa may gate may ilaw pa doon na nag mumula sa may pwesto ng mga gwardya.

Nang papalapit na ako ay natanaw ko pa na may dalawang gwardya na nakabantay doon. Nang mamataan ako ng isa ay agad siyang may itinuro sakin.

"Ma'am, nandoon po yung nag hahanap sainyo." Sabi niya at may itinuro pero hindi ako lumingon sa itinuro niya bagkus ay nag tanong sakanya.

"Ano daw po bang pangalan niya?" Tanong ko.

"Hindi po sinabi, Ma'am. Pero ang sabi ay kaibigan niyo daw po siya. Titingnan po namin kayo mula dito Ma'am. Mukha naman po siyang mabait." Sabi niya kaya tumango ako.

Hindi ko alam pero wala akong nararamdamg takot o kaba sa sarili ko ngayon sa kung sino man yung naghahanap sakin.

"Okay lang po, sige po. Salamat." Sabi ko at ngumiti sakanya.

Agad namang gumilid ang isang gwardya at ngumiti saakin.

Ngumiti din ako sakanya at lumakad na.

Tiningnan ko ang direksyon na itinuro ng gwardya kanina.

May isang ford doon habang naglalakad papalapit ay doon na ako nakaramdam ako ng kaba.

Sino naman kaya 'yan?
Si Raquel kaya? Pinagttripan lang ako? Pero wala namang ford na sasakyan si Raquel.

Nang malapit sa sasakyan ay kinatok ko ang salamin nito at napayakap ng mahigpit sa sweater na suot ko. Tinted ang sasakyan kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob.

Dahan-dahang bumukas ang bintana ng sasakyan napangsinghap ako nang mapag-sino ang taong naghahanap sakin.

Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon