Nag-angat ako ng tingin kay Raquel.
"Saan nakatira ang Montanier?" tanong ko. 'Yun ang naiisip kong possibleng pinagdalhan kay Sygred nang sino man at malalagot talaga sakin ang kumuha sakanya.
Nangunot ang noo ni Raquel pero sinagot naman agad ang tanong ko.
“You don’t know? As far as I know, they live in La Francia, exclusive subdivision 'yon. Nakapasok na ako doon when I was in high school. My classmate lives there.”
"Nag-tanong lang ako, hindi ko sinabing magkwento ka," Iritang sagot ko at agad na tumayo.
"Sorry..."
"Let’s go!" Yaya ko sakanya at inayos ang nalukot kong damit.
"Na ganyan ang suot mo?" tanong niya, tiningnan ko siya ng masama.
"Sa tingin mo makakapagbihis pa ako kung iniisip kong nawawala ang anak ko? Wala na akong oras para diyan, Raquel. Kailangan ko nang mahanap si Izak," sabi ko at nauna nang lumabas. Agad naman siyang sumunod.
Huminto kami sa isang exclusive na subdivision, wala na akong oras para pagmasdan pa ito dahil kailangan ko nang makita ang anak ko.
Malakas ang loob ko na nandito ang anak ko.
Hindi na rin nagtanong si Raquel kung bakit kailangan naming pumunta dito.
Lumabas siya ng sasakyan, at sumunod naman ako. Katabi niya ako habang may kausap siya sa telepono. Kakausapin daw niya ang dati niyang kaklase na sunduin kami para makapasok sa loob.
"Riki, pwede mo ba kaming sunduin dito sa labas ng gate?" tanong ni Raquel habang may kausap sa telepono. "Sige na, may kailangan lang kami ng kaibigan ko sa loob,"
"Sige, salamat!" pagkatapos ng pakikipag usap sa telepono ay tumingin siya sa akin. "Paparating na siya."
Tumango ako, at hindi na nagsalita. Bumalik ako sa loob ng sasakyan. Agad naman siyang sumunod.
May huminto na sports car na color yellow sa tabi namin, at bumukas paitaas ang pintuan nito. Lumabas ang isang lalaking matangkad, singkit at maputi. Halatang Japanese.
Binaba ni Raquel ang window at sumilip ang lalaki, tumingin ang lalaki sa akin at ngumiti. Tumango lang ako. Wala akong sa mood makipagngitian ngayonkailangan ko na talagang makita ang anak ko.
"Follow me, ako ang bahala," sabi ng lalaki kasabay ng pag ngiti. Kumindat siya kay Raquel bago muling pumasok sa sports car niya.
Hindi na ako nag-abalang tingnan ang reaksyon ni Raquel dahil sa ginawa ng lalaki.
Nang tumapat kami sa tatlong security guard ng subdivision, agad nakipag-usap si Riki. Napansin kong may sinabi siya sa guard, pagkatapos ay agad namang lumapit sa sasakyan namin. Binaba ni Raquel ang bintana, tinanguan ang guard, at sumenyas na kay Riki para pumasok na. Isinara ni Raquel ang bintana at sinundan ang sasakyan ni Riki.
Huminto ang sports car ni Riki sa harap ng isang 2-storey house kulay grey at black. Kaya napahinto din kami.
Ibinaba ni Riki ang bintana at itinuro ang bahay na tinitingnan ko.
"That's my house!" sigaw niya habang itinuturo ang bahay.
"You have a nice house!" sagot ni Raquel na may kasamang sigaw din.
Nakangiting tumango si Riki. "Yeah, I know!" nagmamalaking sabi ng lalaki at kumindat pa kay Raquel. Napailing ako. Mukhang nagpapasikat ang isang 'to. Isinara na ulit ni Riki ang bintana at nagpatuloy kami sa pagmamaneho, naka-sunod lang kami sa kanya.
Magkakalayo ang mga bahay dito at pare-parehong malalaki. Mga mansyon talaga na hiwa-hiwalay pa at may malalawak na backyard at naglalakihang gate. Ang bahay ni Riki kanina ay hindi ganun kalaki, marahil dahil mag-isa lang siyang nakatira doon.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...