Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang mailibing si Seven. Hanggang ngayon, masakit pa rin ang mawalan ng isang kaibigan, lalo na't siya ay isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan.
Isang buwan ko nang alam na buntis ako, ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko dito sa probinsya, pati na kay Raquel. Naging abala siya sa mga huling araw ng burol at libing ni Seven, at ngayon, pareho na kaming abala sa eskwela. Nakakapagod, pero nagbibigay naman ako ng oras para magpahinga, lalo na't alam kong buntis ako at hindi pwedeng magpagod nang magpagod.
Sabado ngayon, at kasalukuyan akong nanonood ng TV. Hindi pa naman halata ang baby bump ko. Sabi nga nila, kapag bagong buntis, talagang maliit pa lang ang tiyan. Habang kumakain ako ng cookies na binili ko, may kumatok sa pinto.
Napatingin ako. Sino kaya 'yon?
Inilapag ko ang mangkok na hawak ko at tumayo. Naglakad ako patungo sa pinto.
Agad kong binuksan ang pinto at nagulat nang makita ko si Quira at Frenise.
"Sabay sabay tayong gumawa ng project!" nakangiting sabi ni Quira.
Nakunot ang noo ko. "Akala ko ba sa bahay kayo ni Wendy gagawa?" tanong ko.
Agad na umiling si Frenise. "Ayaw namin doon! Ang arte-arte ni Wendy! Dati, pumunta kami sa bahay niya, tapos konting galaw lang namin, nagagalit na!" sabay irap. Napatawa ako.
Si Wendy nga naman. Sabi ng professor namin siya ang makakasama nila. Ako naman, sinabi ko na lang na kaya ko naman mag-isa.
"Sige na nga, sabay sabay na tayo!" sagot ko, sabay buka ng pinto para makapasok sila.
"Jan muna kayo sa sofa, pwede naman kayong manood kung gusto niyo. Kukunin ko lang yung mga ka-kailanganin natin," sabi ko, at naupo silang dalawa sa sofa.
"Mabuti at marunong kang manirahan mag-isa, Idalia," sabi Quira habang ginagala ang paningin sa bahay namin. Hindi naman ako nahihiya sa bahay namin kahit simple lang ito dahil sinisigurado kong palagi ko itong nalilinisan.
"Nasanay na lang ako simula nang pumanaw ang mga magulang ko. Nasanay na din sa Manila," sagot ko. Tumango-tango sila. Binuksan naman ni Frenise ang TV.
"Can I get some cookies?" tanong ni Frenise, habang tinuturo ang cookies. Hawak niya ang remote. Tumango ako.
"Oo naman, Bibili pa naman ako mamaya," sagot ko.
Nakangiting kumuha si Frenise ng cookies at kumagat. "Ansarap! Sama kami mamaya?" tanong niya.
Ngumiti ako at tumango. "Sige."
"Sandali lang, ha?" paalam ko at nagsimula nang umakyat ng hagdan.
Pumunta ako sa kwarto ko. Maliit lang naman ang bahay namin, two-storey house.
Dati, ang kwarto ko ay kwarto namin ni Mama. Tatlo kami natutulog dito noon, pero ngayon, ako na lang mag-isa.
Agad kong kinuha ang envelope na naglalaman ng lahat ng kailangan ko para sa project, pero napahinto ako nang makita ko ang tatlong mga libro. Malungkot akong ngumiti. Ang mga librong ito ay mga librong nilibre sa akin ni Seven.
Dahan-dahan, tinungo ko ang cabinet at inilagay ang mga libro sa ilalim ng mga damit ko. Napangiti ako bago ko isinara ang cabinet. Kinuha ko na ang envelope at lumabas ng kwarto.
Nadatnan ko ang dalawa na tumatawa habang nanonood ng TV. Kita kong ubos na ang cookies sa mangkok.
"Ano, start na tayo?" tanong ko.
"Oo, sige. Matatapos naman na itong pinapanood namin." sagot ni Quira.
Nakita kong sumabay na rin ako sa tawa habang nanonood sila. Nang matapos ang palabas, agad kaming nag-umpisang gumawa habang nagkekwento. Nasa kalagitnaan na kami ng paggawa nang biglang magtanong si Frenise.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...