Kabanata 32

9.9K 197 2
                                    

Lunch break na, kaya nandito ako ngayon sa cafeteria. Habang pumapasok, may ilang estudyanteng bumabati sa akin.

“Good afternoon po, Ma'am!”

“Good day po, Ma'am Crosti!”

Ngunit may iba ring nakatingin, nagbubulungan, at nagmamasid. Halos rinig ko ang ilan sa mga sinasabi nila.

“Pinahiya 'yan kagabi ng mom ni Professor Montanier.”

“Nakiki-kabit pa nga.”

“Malandi pala si Ma'am. Akala ko matino.”

Napakuyom ako ng kamao, sinusubukang hindi magpaapekto. Bagong-bago pa lang ako sa eskuwelahang ito, at nasira agad ang imahe ko sa ilan dahil sa nangyari kahapon. Iniwas ko ang tingin at tumuon sa pagkain ko, sinusubukang ibaling ang atensyon sa ibang bagay.

Pero habang tumatagal, mas lalo ko nang hindi matitiis ang mga bulungan. Tumayo ako, bitbit ang tray ng pagkain, at lumabas ng cafeteria. Hindi na ako lumingon. Maghahanap na lang ako ng bench na walang tao, lugar kung saan tahimik at malayo sa mga mapanuring mata.

Habang naglalakad, biglang may humila sa braso ko, mabilis akong dinala sa likod ng building. Nabibitawan ko na ang tray ko at halos mapatili sa pagkagulat, pero walang nakakarinig dahil wala masyadong tao dito.

Agad kong sinamaan ng tingin ang humila sa akin. Nang magtama ang aming mga mata, ramdam ko ang kaba sa dibdib ko, lalo na’t magkalapit ang mga mukha namin.

Lumunok ako at tinatagan ang loob. Itinaas ko ang kamay at itinulak siya, ngunit hinawakan niya agad ang braso ko.

“Ano bang problema mo, ha?! Tigilan mo na ako!” galit kong sabi, hindi umaatras ang titig ko. Hinding-hindi na ako magpapatalo—lalo na sa kanya at sa matapobre niyang ina.

“Kailangan ko ang anak ko, Idalia,” madiin niyang sabi, hindi nilulubayan ang titig sa akin. Napalunok ako at umiwas ng tingin, pero agad ko ring ibinalik. Lalaban ka, hindi ba?

“Anong anak ang pinagsasabi mo? At saka anong anak mo? Hindi ikaw ang ama ng anak ko, kaya tigilan mo ako!” sigaw ko sa kanya, buong lakas.

Lumayo siya nang kaunti at binitawan ang kamay ko, pero mabilis siyang lumapit muli, halos nakadikit na ang mukha niya sa akin. Naramdaman ko ang init ng kanyang hininga, at lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

“A-anong ginagawa mo?” tanong ko, itinutulak siya sa dibdib. Pero patuloy pa rin siya sa paglapit, hanggang sa maramdaman ko ang labi niya malapit sa tenga ko. Doon siya bumulong.

“I know everything, Idalia. Isa kang sinungaling. Baka sa isang kurap mo lang, wala na sa tabi mo ang anak mo.”

Nakaramdam ako ng kilabot sa mga sinabi niya. Napakuyom ako ng kamao, nanginginig sa galit. Walang hiya siya!

Iaangat ko na sana ang kamay ko para sampalin siya, pero nahawakan niya ito.

Tumaas ang gilid ng labi niya at pabalyang binitawan ang kamay ko.

Nang bumitaw siya, napakuyom ang kamay ko habang naglakad siya palayo, parang walang nangyari.

“Hindi mo makukuha ang anak ko,” madiin kong sabi habang nakatingin sa kanyang likod.

Huminto siya sa paglalakad ngunit hindi lumingon.

“Let’s see,” sabi niya at nagpatuloy sa paglakad.

Kumuyom ang palad ko, masamang nakatitig sa kanyang papalayong likod. Tangina mo, Sygred!

Inayos ko ang sarili bago lumabas mula sa likod ng building. Habang naglalakad, napahinto ako nang mapansin ang papel na nalaglag mula sa bulsa ko.

Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon