Nakaupo kami ngayon dito ni Raquel sa sala.
“Anong sabi?” tanong ko kay Raquel.
“Ewan ko nga eh, hinahanap ka lang. Iniisip ko si Seven 'yon kaso hindi rin eh, wala kang mababakas na kabaklaan sa boses nung tumawag kanina. As in, lalaking-lalaki!” sabi niya.
Nakunot ang noo ko. “Ano namang kailangan niya? Wala bang sinabi na pangalan?” sunod-sunod kong tanong, pero umiling si Raquel.
“Wala eh. Sabi lang niya, ‘Hi, good day! Can I ask where’s Idalia Crosti?’ Sabi ko nasa trabaho ka, tapos ayon, sabi niya, ‘Ah, okay! Thank you!’ Ayon lang.” Umiling siya at kumibit-balikat.
Pinatong ko ang braso ko sa noo habang iniisip ang mga nangyari ngayong araw. Ang sinabi ni Sygred kanina at saka ang lalaking tumawag. Imposibleng si Seven iyon. Wala na si Seven... patay na si Seven.
Napailing ako at
napabuntong-hininga. Iniisip ko ang sinabi ni Sygred. Ano na ba talagang gagawin ko? Iiwas pa rin ba ako, o sasabihin ko na ang totoo? Pero natatakot ako..natatakot para sa amin ng anak ko.“Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa labas,” sabi ng isa kong estudyante habang nagsusulat ako sa whiteboard.
Tumango ako. “Okay, be quiet, guys. Walang magulo habang nasa labas ako, okay? Gawin niyo muna 'yung activities niyo,” sabi ko. Tumango naman sila. “Good,” ngumiti ako at lumabas.
Pagbukas ko ng pinto, isang binatilyo ang bumungad sa akin. Nahihiya siyang nagsalita habang kinakamot ang ulo. “A-Ahh, are you Ma'am Crosti?”
Tumango ako. “Yes, I am.” Nginitian ko siya.
Inilahad niya sa harapan ko ang isang nakatuping papel. “Ma'am, may nagpapabigay pong lalaki,” sabi niya.
Nakunot ang noo ko at agad na kinuha ang papel. “Sinong lalaki?« tanong ko at binuklat ito.
‘Hi Idalia, I hope to see you again soon!’
Napakunot ang noo ko. Iyon lang ang nakasulat sa papel. Sino naman ito? Walang nakalagay na pangalan. Jacob? Hindi. May pamilya na si Jacob. Ayoko ring isipin na si Seven ito dahil malabo, wala na si Seven. Hindi rin ito si Sygred, kakita ko lang sa kanya kanina sa café sa labas, at kilala siya ng mga estudyante dito. Kung si Sygred man ito, sasabihin naman ng estudyanteng 'to. Bukod pa roon, hindi siya 'yung tipo na magpapadala ng sulat sa papel.
Napabuntong-hininga ako at muling tumingin sa binatilyong nasa harapan ko nang magsalita ulit ito.
“Nakisuyo lang siya sa akin, Ma'am. Tapos umalis na lang agad,” paliwanag niya. Magsasalita pa sana ako nang biglang nagsalita ulit ang binatilyo, para bang alam niya na ang itatanong ko. “Naka-black cap po siya, Ma'am. Nakablack na face mask, then naka-black t-shirt, khaki shorts, at rubber shoes.”
“Nakita mo ang mukha niya?” tanong ko, inalala ang sinabi kagabi ni Raquel.
Umiling ito. “Hindi kita ang mukha, Ma'am, eh.” sabi niya. “Pasensya na po.”
Ngumiti ako at umiling. “No need to say sorry. Salamat. Bumalik ka na sa klase mo.”
Ngumiti din siya at tumango bago tumalikod at naglakad palayo.
Inilagay ko ang papel sa bulsa ko at bumalik na ako sa classroom.
Naglalakad ako sa corridor nang biglang may lumapit sa akin. Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking nakangiti, masyadong malapit, kaya bahagya akong lumayo. Napansin niya iyon kaya siya na mismo ang umurong. Napansin ko ang suot niya; mukha siyang teacher rin, siguro kaedad ni Sygred.
“Hindi ka ba komportable sa presensya ko?” tanong niya.
Agad akong umiling. “Hindi naman sa ganon.”
“Pasensya na,” hinging tawad niya. “Gusto lang kitang maging kaibigan, kaya lumapit ako.”
Muli akong umiling. Wala akong balak makipagkaibigan. May anak akong inaalagaan. May kaibigan na ako, si Raquel, at ang mga kababata ko na nandyan parati para sa akin. Sapat na muna sila para sa akin ngayon.
Nangunot ang noo niya nang makitang hindi ako nagsalita. “Bakit? Mabait naman ako,” at muli siyang ngumiti.
Ang hilig ngang ngumiti ng taong 'to. Wala namang masama, pero may kakaiba sa ngiti niya na hindi ko maipaliwanag.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglakad pababa ng hagdan. Ngunit makulit talaga. Dumidilim na dahil uwian na, pero hindi siya umaalis sa likod ko.
Binilisan ko ang hakbang ko, ngunit patakbo siyang humabol at hinawakan ang braso ko.
“Hey!” sabi niya. Napabuntong-hininga ako at huminto.
“Ano po bang talaga ang gusto mo, Sir? Look, uuwi na ako. Please, stop following me!” inis kong tanong.
Kailangan ko nang umuwi. Alam kong pagod na si Raquel sa pag-aalaga sa anak ko. Topakin pa naman si Izak.
“Pasensya na, okay? Gusto ko lang malaman ang pangalan mo,” aniya.
“Fine! Maria ang pangalan ko,” sabi ko, inis na tumalikod, at naglakad palayo.
Hindi ko gustong tawagin ako sa pangalang 'Maria,' ngunit dahil sa inis ko, iyon ang nasabi ko.
Pagdating ko sa bahay, agad kong sinabing ako na ang mag-aalaga kay Izak matapos akong magbihis.
“Grabe na si Izak, Idalia! Sobrang magwala!” sabi ni Raquel habang natatawa.
“Para na ngang mapuputol ang braso ko kanina! Iniwan ko lang sa carpet para magtimpla ng milk niya. Ayoko sa sofa kasi baka malaglag pa. Jusko, hindi pa nga ako nanay nito! Ang hirap pala mag-alaga ng bata!” Nagkatawanan kami.
“Wag kang magsalita ng ganyan,” sabi ko. “Baka bukas makalawa, buntis ka na.“
“Uy, mag-tabi-tabi ka! Ayoko pa. Ayoko pang mawalan ang bataan ko!” Natatawang sabi niya na kinatawa ko.
“Tulog na?” tanong ni Raquel nang pumasok siya sa kwarto. Tumango ako at sumenyas na huwag maingay.
Naupo kami sa sofa sa loob ng kwarto namin ni Izak. Mahina kong sinabi, “Chikahan time, umupo ka!”
Nagningning ang mga mata ni Raquel. “Anong balita? Nagkita kayo ni Sygred? Ano’ng sabi niya?”
“Hinaan mo nga boses mo! Magigising si Izak,” bulong ko.
“Sorry, ano nga?”
“Kanina, may nag-abot ng sulat sa akin,“ sabi ko.
Nanlaki ang mata niya, at agad siyang ngumiti nang malawak.
“Luh, may secret admirer ka pala!”
“Secret admirer ka diyan! Hindi nga makita ang mukha.” Inirapan ko siya.
“Sige, ayaw pa aminin.” Nakataas ang kilay niya.
“Ang sabi sa sulat, ‘I hope to see you again soon!’ Wala akong idea kung sino,” sabi ko.
“Sino naman 'yon? Parang pa-misteryo pa ha,”
“Parang pamilyar ang sulat. Parang nakita ko na dati,” sabi ko. Hindi ko lang talaga maalala kung saan.
“Asan yung sulat? Patingin,” sabi niya.
“Nasa bulsa ng slacks ko kanina,” sabi ko, at tumayo para kunin ito sa labahan.
Kinuha ko ang papel sa bulsa at bumalik kay Raquel. Iniabot ko sa kanya ang sulat. Binuklat niya ito.
“Wala ngang pangalan,” sabi ko, ngunit biglang lumaki ang mga mata ni Raquel at napatakip siya ng kamay sa bibig.
“Oh my god!«
---
Hala 😁
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...