Kabanata 31

10K 240 5
                                    

Nagmadali akong pumasok sa condo ni Raquel.

"Raquel! Raquel!" tawag ko habang inilalapag ang bag ko sa sofa.

Narinig ko ang yapak mula sa hagdan, kaya agad akong nagtungo roon.

"Oh, bakit ang tagal mo? Late na ako. Kakatulog lang ni Izak," sagot niya.

Huminga ako nang malalim. "Pasensya na, Quel, may nangyari kasi," paliwanag ko.

"Ganun ba?" Tumango ako. "Ikuwento mo na lang mamaya, kailangan ko nang umalis, late na talaga ako," sabi niya habang tumitingin sa relo. Lumapit siya at humalik sa pisngi ko. "Uuwi ako nang maaga, ayoko magpaabot ng hatinggabi."

"Sige, mag-ingat ka," sagot ko.

Pagkaalis ni Raquel, pumasok ako sa kwarto namin ng anak ko.

Tahimik na natutulog si Izak, kamukhang-kamukha ng ama niya. Lumapit ako at hinalikan siya sa noo at labi. Sabi nila, wag daw halikan ang anak sa labi para hindi maging matigas ang ulo, pero para sa akin, nakasalalay pa rin iyon sa kung paano mo siya pinalaki.

Tinitigan ko siya nang ilang segundo bago kumuha ng pamalit sa cabinet at nagbihis.

Pagkatapos ay nagtungo ako sa kusina. May kanin at adobong manok na nakahain. Nagluto na pala si Raquel. Kumuha ako ng plato, kutsara, at tinidor.

Habang kumakain ako, bumalik ako sa kwarto ni Izak. Gusto ko siyang makita habang kumakain, lalo na't kaming dalawa lang ang nasa bahay. Mabuti nang nandiyan ako kung bigla siyang magising at umiyak.

Pagkaupo ko sa sofa, nilingon ko si Izak na mahimbing pa ring natutulog. Ini-on ko ang TV at saktong may pinalabas na teleserye na Endless love ang pamagat. Hindi ako pamilyar sa palabas.

Nabigla ako nang makita ang credits Swynn Montanier as Fiona. Pumasok agad sa isip ko si Sygre. Magkamukha sila.

Lalabanan ko sila, hindi ko hahayaang insultuhin nila ako ng ganito. Oras na makita nila ang anak ko at makita nila na anak talaga siya ni Sygred,  ilalayo ko ang anak ko. Wala silang karapatan. Ako ang nagdala ditp ng siyam na buwan. Ako ang bumibili ng lahat ng kailangan ng anak ko. Pinaghirapan ko talaga para matugunan ang lahat ng pangangailangan niya.

Pinatuloy ko ang panonood all can say that Swynn Montanier has a good acting skills. Nasa kalagitnaan ako ng palabas nang biglang umiyak si Izak kaya pumatay ko na ang TV at iniwan ang pagkain ko sa lamesa. Agad kong pinuntahan ang anak ko at pinatahan.

“Baby, Mommy's here..” pagpapatahan ko at pinatakan pa siya ng halik sa bunbunan. I will never let anyone steal my son away from me. They will never have him.

Nang makatulog si Izak, maingat ko siyang inilapag sa kama. Muli kong hinalikan ang bunbunan niya at binalikan ang natirang pagkain ko.

Nang maubos ko ang pagkain at uminom ng tubig, nagtungo na ako sa kusina para hugasan ito at ibalik sa lagayan ng pinggan.

Muli akong bumalik sa kwarto namin ni Izak. Tulog na tulog pa rin siya. Nang maalala ang nangyari kanina, napabuntong hininga ako at pumunta sa cabinet namin.

Hinila ko ang isang jeans mula sa ilalim hindi ko pa ito nagagamit. Last year ko pa ito nagamit, at wala akong balak na gamitin ulit. Alam ko kung sino ang nagbigay nito. Nakita ko sa Cebu ang babaeng nagbigay sa akin nito. Naalala niya ako ang pangalan niya ay Rachel. Namamasyal siya doon sa lugar namin dahil mayroon silang ancestral house malapit sa amin.

Nasabi niya sa akin kung sino ang nagbigay ng jeans at naalala ko pa ang sinabi niya noon.

"Swerte mo naman! Nagulat talaga ako, e. Tumatakbo pa nga siya patungo sa akin that time. Akala ko para sa akin. Nakita kitang pumasok noon sa loob ng girls restroom, tas tinuro niya yung pinuntahan mo. Kaya sabi ko, 'Ah, sakanya.' Tapos ayon, dinala ko na sayo. Swerte mo talaga! Sygred Montanier ba naman?! Sana all!"

Isinara ko na ang cabinet. Hawak ang jeans, agad akong nagtungo sa table katabi ng kama at inilapag ito. Isasauli ko ito sa kanya bukas.

“Ma'am, may naghahanap po sa inyo,” sabi ni Miriam, isa sa mga estudyante ko.

Napahinto ako sa pagbura sa whiteboard at napatingin sa pinto. Inilapag ko ang eraser sa lamesa at nagtungo sa pinto at binuksan ko ito. Bumungad sa akin ang babaeng nakasalamin, maraming tigyawat sa mukha at may braces pa.

Nahihiya siya ngumiti sa akin, inangat ang maliit at nanginginig na kamay, at iniabot sa akin ang papel.

Ngumiti ako sa kanya. “Ano ito?” takang tanong ko nang makuha ko ang papel.

“A-ah, p-pinakisuyuan lang po saakin na ibigay po sa inyo,” sagot niya.

Nahihiya itong ngumiti sa akin. May ideya na nabubuo sa isip ko.

“S-sino ang nagpapabigay?” tanong ko.

Sasagot na sana siya nang biglang may sumigaw at tumatakbo itong nagtungo sa amin. Natigilan ito nang mapatingin sa babae sa harapan ko, hinihingal itong huminto sa harapan namin.

Magkatabi sila sa harapan ko, pero kita ko ang pagkailang ng babae. Ang nagbigay ng sulat.

Nahihiyang tumingin ito sa akin bago palihim na sumulyap sa lalaking kakatapos lang dumating. “M-Ma'am, alis na po ako,” mahinang sabi ng babae at agad tumakbo palayo. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makaliko papunta sa hagdan.

Agad akong bumaling kay Sebastian. Ngumiti siya sa akin at inilahad ang phone niya sa harapan ko.

“Ma'am, ito po ang ipapakita ko sana sa inyo kahapon. That's the guy!” aniya.

Mula sa pagkakatingin sa kanya, nagbaba ako ng tingin sa litrato. Para akong natuod sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa picture.

Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa litrato.

“Ma'am, okay lang po kayo?” nag-aalalang tanong ni Sebastian. Hindi ko ito naisagot dahil nanatili akong nakatingin sa litrato.

Nakatagilid ang lalaki, nakacup na itim at may suot na black face mask. Lalong lumaki ang katawan nito na animo'y batak na batak sa kaka-gym. Lalo din siyang tumangkad at pumuti na. Mula sa mga mata palang, alam ko na kung sino.

Seven...

Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon