Naglalakad kami ni Seven sa corridor nang magka-gulo ang mga estudyante. Natulak pa ako ng isang lalaking nagmamadali, na parang may hinahabol sa harapan, at nagpa-panic. Napahawak ako sa braso ni Seven para hindi matumba.
Nakita ko ang dalawang babae na hindi na kayang pigilan ang kanilang sabunutan.
“Bakit sila nag-aaway? Nandito pa talaga sila sa corridor” tanong ko kay Seven.
“Baka lalaki nanaman ang pinag-aawayan,” bulong ni Seven.
Napatango ako. Posible nga.
“Baka nga,” sagot ko.
Hindi kami makadaan. Maluwag ang corridor pero punong-puno ng mga estudyante na nanonood at nag-eengganyo sa dalawang babae na parang mag-a-alisan na ng anit sa bawat sabunot. Gusto ko sanang dumaan, pero wala talaga akong madaanan.
Maya-maya, mula sa siksikan, may isang babae na pumasok. Natutulak siya dahil sa liit at payat niya. Masyado siyang maputi at may salamin pang suot.
“Hershey, that's enough!” sumigaw siya. Nagulat ako dahil ang liit-liit niya pero ang lakas ng boses niya.
“Kilala ko 'yan,” bulong ni Seven.
"Sino?"
“She's Artaci, the daughter of Attorney Vittori.”
Napatango ako. Anak pala siya ng abogado.
Tinutok ng mga mata ko kay Artaci nang akma siyang lalapit sa dalawang babaeng patuloy sa kanilang sabunutan, pero pinigilan siya ng mga lalaki sa likod niya. Bigla na lang siyang sumigaw ulit.
“Ramirez! What the heck are you still doing there? Nag-aaway na ang dalawang kaibigan ko dahil sayo, tapos tatayo ka lang diyan? Wala ka man lang bang gagawin?” galit na sigaw nito. Nagkaroon ng mga usapan ang mga estudyante sa paligid.
“Did she just shout at Ramirez?”
“She's crazy!”
“Ang lakas ng loob niyang sigawan ang anak ng mayor.”
“Attorney naman ang tatay niya.”
“Kahit na!”
Napatingin ako sa lalaking tinawag niyang Ramirez. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin kay Artaci, at nakita ko pa ang gilid ng labi niya na bahagyang umangat bago dahan-dahang tumalikod. Lahat kami ay napasinghap sa narinig namin mula sa kanya.
“I don't care.”
Nagkawatak-watak ang mga estudyante nang magsimulang maglakad ang lalaki, at kitang-kita ang galit ni Artaci na pinagmumura siya.
Nang mawala ang lalaki, isang familiar na boses ang narinig ko sa likuran ko. “What happened?” galit na tanong ng boses.
“Ms. Santa Ana, Ms. Tribuena, and lastly, you Ms. Vittori! Go to the guidance office now!” ma-awtoridad na utos ng boses. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, lalo na't sa likuran ko nanggaling ang boses na iyon.
Huminto ang dalawang babae na nagsasabunutan at namutla nang makita nila ang taong nasa likod ko si Professor Montanier. Siya lang pala ang makakapagpatigil sa kanila.
Nakayuko at nagmukhang takot ang dalawang babae. Nakaramdaman ko ang kaba dahil alam kong kasama ako sa mga mapapagalitan. Kasama akong nanood ng gulo pero wala akong ginawa para pigilin sila. Wala talaga akong balak makialam. Ang gusto ko lang ay makalayo na.
Habang dumadaan ang mga estudyante, pinigilan kami ni Professor Montanier. Nagulat ako nang may humawak sa braso ko mula sa likuran ko. Laking gulat ko nang makita kong si Professor Montanier pala iyon, pinigilan ako sa pag-atras.
Naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy mula sa hawak niya sa braso ko, at kahit kinakabahan, hindi ko maiwasang mag-angat ng tingin. Tinamaan ako ng kilig nang tumama ang mga mata ko sa kanyang brown na mata.
“Isa ka ring pasaway. Sumunod ka rin sa guidance office,” seryosong sabi niya habang binitiwan ang braso ko at tumingin sa iba pang estudyante.
“All of you! Sumunod kayo!” sigaw niya, at nagsimula siyang maglakad.
Nagpapatuloy kami ni Seven sa paglakad nang bigla siyang magsalita, “Guidance pa ang abot natin!”
Hindi ba niya nakita si Prof na nasa likod ko?
Marami kami sa guidance office hindi ko mabilang. Malaki ang loob ng guidance, kaya kasya kaming lahat. Habang pinapagalitan kami ng principal, nakayuko lang ako. Dapat pala sinubukan ko pa rin makadaan kanina, edi sana hindi kami nagpunta sa guidance.
Iniwan kami ni Professor Montanier pagkatapos niya kaming maihatid dito, at kausap pa siya ng principal bago kami pumasok.
Nagsalita ang principal, at para sa mga nagsasabunutan, tinawag ang mga magulang nila.
Nahihiya ako dahil ito ang unang pagkakataon ko sa guidance office. Hindi ko pa naranasan magpunta dito, at ngayon lang.
Hindi na ako nakapasok sa last subject dahil sa tagal namin sa guidance. Ngayon, naglalakad kami ni Seven palabas ng university.
Biglang naisip kong itanong sa kanya, “Bakit wala ka sa tabi ko kanina?”
“May nakapukaw kasi ng paningin ko!” sagot niya na kinatawa ko.
“Nagwapuhan sayo?” tanong ko, at kitang-kita ang reaksyon niya.
“Gaga ka!” sagot niya na inirapan ako. “Nagagandahan 'yon!” Inis na sabi niya.
“Oo na, oo na! Sabi mo e,” sagot ko, habang tumatawa.
Habang nagluluto ako ng hapunan, kausap ko si Jacob sa cellphone. Nasa loudspeaker ang aking cellphone, at hindi ko maiwasang mag-isip.
Wala na akong nararamdamang pagmamahal kay Jacob, at hindi ko na kayang pilitin ang sarili ko na mahalin siya. I know my heart, and he's not there anymore. Pero hindi ko pa siya kayang iwan, ayokong makipaghiwalay sa kanya online. Gusto ko sanang mag-usap kami ng maayos pagbalik niya sa Pilipinas, para maipaliwanag ko at humingi ng paumanhin.
“Nag-dinner ka na?” tanong niya.
“Hindi pa, nagluluto pa ako,” sagot ko. “How about you?”
“Tapos na love.”
“Love?”
“Hey, love!”
“Love, are you still there?”
I’m still here. But when I think about everything I’ve done, I don’t know if I can keep talking to him. I’m so sorry, Jacob.
“Y-yes, I’m still here. I-I’m sorry...” mahina kong sabi.
“Oh. It’s okay.”
Isa sa mga nagustuhan ko kay Jacob, napaka-understanding niya. Hindi siya deserving sa lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...