Isang taon na ang lumipas mula nang magkatabi kami ni Sygred sa may waiting area. Hindi rin naman siya nabanggit ni Quira sa akin.
Sa loob ng isang taon, hindi naging madali ang lahat. Inamin ko sa mga kababata at kaibigan ko na nagdadalang-tao ako. Akala ko huhusgahan nila ako, pero hindi. Hindi nila ako hinusgahan, lalo na ni Raquel. Tinulungan pa nila ako sa mga kailangan ko. Sa tuwing may check-up, lagi nila akong kasama. Tuwang-tuwa sila noong unang beses na nagpa-ultrasound ako. Kahit wala ang ama ng anak ko, nandiyan naman ang mga kaibigan ko. Ramdam ko mula pa lang sa simula na mamahalin nila ang anak ko.
Nang sinubukang magtanong ni Mina tungkol sa ama ng anak ko, isang iling lang ang isinagot ko, na ibig sabihin ay ayoko nang pag-usapan iyon. Naiintindihan naman niya, ngunit yung mga lalaki kong kaibigan ay nagalit pa noong una, dahil bakit daw hindi ako pinanagutan ng nakabuntis sa akin. Sinabi ko na, pero hindi ko pa kayang sabihin sa kanila ang totoong nangyari.
Hindi ko kasi kaya. Ayokong malaman nila na ang professor ko ang nakabuntis sa akin. Natatakot ako.
Habang nag-aaral ako, hindi pa masyadong halata ang tiyan ko, pero noong magtatapos na ako, unti-unti na itong bumabakat. Nagtanggalan pa nga ang ibang butones ng blouse ko, kaya nang manghiram ako kay Cassia.
Nalaman ng mga kabarangay namin na buntis ako. Ang iba hinusgahan ako, pero ang iba, hindi. May ilan pa ngang nagbigay ng mga tips sa akin, dahil isa na akong ina.
Malaki na ang tiyan ko nang magtapos ako ng kolehiyo. Kasama ko ang aking anak sa tagumpay ko.
Nanganak ako, at salamat sa tulong ng mga kaibigan ko. Noong kabuwanan ko na, halos araw-araw sa bahay namin si Cassia at Mina. Kaya noong pumutok na ang panubigan ko sa kalagitnaan ng madaling araw, agad tumakbo si Mina palabas ng bahay at ginising sila Wonwon. Alerto naman silang sinakay ako sa tricycle at tinulungan akong makarating sa ospital.
Madali naman ang naging panganganak ko.
Noong mga buwan na si Izak, nag-take ako ng board exam. At sa awa ng Diyos, nakapasa ako. Nakapasa din ang mga kaibigan ko. Nagpapasalamat ako kay Nang Wena dahil noong nagre-review ako para sa board exam, palagi niyang binabantayan si Izak.
Ngayon, isa na akong ganap na guro. Napangiti ako habang hinahaplos ang buhok ng anak kong mahimbing na natutulog.
“Mahal na mahal kita, Izak.” Nakangiting bulong ko at yumuko para mahalikan siya sa noo. Nang mahalikan ko siya, dahan-dahang nagmulat ang mga mata niya na may mahahabang pilikmata. Singkit ang mata niya, matangos ang ilong, at nakuha niya ang labi ng kanyang ama na may guhit sa gitna. Sa tuwing tinititigan ko ang anak ko, nakikita ko ang lalaking minahal ko. Minahal? O mahal mo pa? Isang taon na ang nakalipas, alam kong may natitira pang pagmamahal dito.
Napailing ako at nakangiting muling hinalikan ang anak ko at binuhat siya.
Hindi pa siya nagsasalita, ang alam lang niyang banggitin ay “Mama.” Hindi pa siya marunong maglakad, pagabay-gabay pa lang siya. Nasanay kasi siya na palaging binubuhat ng kanyang mga tita at tito.
Pagkalabas ng kwarto, agad nanamnam ng ilong ko ang amoy ng tocino at sinangag.
Agad akong nagtungo sa kusina kasama si Izak.
“Amoy palang, masarap na,” nakangiting sabi ko kay Raquel na nagluluto. Nakangiti siyang lumingon sa akin.
“Syempre, ako pa? Magaling 'to sa larangan ng pagluluto,” sabi niya, at pinatay ang lutuan bago lumapit sa amin.
Agad niyang kinuha si Izak at pinaghahalikan ito.
“Miss na miss ko na ang pamangkin kong pogi!” pinaulanan pa ng halik ang anak ko kahit pati kilikili nito ay hinahalikan niya. Napangiti ako dahil tuwang-tuwa ang anak ko sa ginagawa ni Raquel. Nawawala tuloy lalo ang mata nito.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...