Sumakay ako ng bus, kakaunti pa lang ang mga pasahero dahil umaga pa. Buti na lang at may duplicate akong susi sa bag ko. Pagkakuha ko nito, akmang hahawakan ko na ang door handle nang may mapansin akong papel sa may basahan. Kunot-noo ko itong kinuha at binasa:
MH Starbucks 10:00 am
– JacobHuminga ako nang malalim. This is it. Gusto kong marinig lahat ng paliwanag niya kung bakit niya ginawa ito. Sana lahat ng tanong ko ay masagot na mamaya.
Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa sofa. Hindi ko masyadong maalala ang mga nangyari kagabi. Ang naaalala ko lang ay may lalaking pilit akong pinapasama sa kanya, tapos biglang dumating si Professor at sinabi ang mga salitang nagpasakit sa puso ko. Tama naman siya, hindi ba? Iyon naman ang katotohanan. Ano pa ba ang ine-expect ko? Napaka-naive ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at pumasok sa kwarto ko, naglakad palapit sa kama. Napahawak ako sa ulo ko, medyo masakit pa rin pero hindi na masyado.
Napasulyap ako sa orasan. 7:03 pa lang ng umaga. Ilang oras pa bago kami magkita ni Jacob.
Kinuha ko ang tuwalya at pumasok sa CR. Nasa shower na ako, kasalukuyang hinuhubad ang damit ko. Napasinghap ako nang makita ang dami ng kiss marks sa dibdib at collarbone ko.
Hindi ko ata talaga kayang magpakita kay Professor Montanier pagkatapos ng nangyari. Wala na talaga akong mukhang ihaharap sa kanya. Nagkaroon ba naman ng one night stand with your professor? Pero alam kong hindi ko ginusto ito. Hindi ko nga alam ang nangyari. Lasing ako kagabi, pero si Prof? Alam kong hindi. Dapat pinigilan niya ang sarili niya at hindi niya sinamantala ang kalasingan ko. Nabuhay ang galit ko sa kanya.
Kinuskos ko ang mga kiss marks, nagbabakasakaling matanggal. Natawa na lang ako sa katangahan ko nang hindi ko sila matanggal. Agad akong nagtapis pagkatapos maligo. Katatapos ko lang magbihis nang biglang may kumatok sa pinto.
Nagtaka ako. Sino naman kaya ang pupunta ng ganito kaaga?
Nawala ang kunot ng noo ko nang makita kung sino ang kumatok.
“Raquel!” Yumakap agad ako sa kanya na kinatawa niya.
“Namiss mo agad ako! Kahapon lang tayong nagkita, ah?” Natatawang sabi niya at yumakap din sa akin. Sana pala sinama ko na lang siya kagabi para hindi nangyari ang nangyari.
Iginiya ko siya paupo sa sofa.
“Kumain ka na ba ng breakfast?” tanong ko.
“Oo, may dala akong breakfast for you. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil nag-aalala ako sa’yo. I tried to call you pero hindi ka sumasagot. What really happened, Idalia? You made us worry.” Napa-iwas ako ng tingin. Ang insensitive ko naman kung hindi ko iisipin ang nararamdaman ng mga kaibigan ko dahil sa nangyayari sa akin.
Bakit ko nga ba sinasarili ito kung nandito naman ang mga kaibigan ko para damayan ako? I shouldn't keep this to myself. Napabuntong-hininga ako at tumingin kay Raquel na nag-aalala sa akin.
“M-may sasabihin ako,” hindi ko maiwasang mautal. Kahapon noong nasa biyahe kami pauwi, tahimik lang ako kasi alam kong maiiyak lang ako kapag nagsalita ako.
Hindi ko alam kung saan magsisimula, pero kailangan ko itong sabihin kasi kailangan ko ng tulong niya.
“What is it? We got your back, Idalia.“
“I need your help… G-gusto kong makalayo-layo,” sabi ko nang naluluha na kinataranta ni Raquel. Pinunasan niya ang luha ko.
“I'm willing to help you, alam mo yan. But, I need to know first what happened?”
“I w-went to a bar last night,” nag-iwas ako ng tingin.
“What? Bakit mag-isa ka pumunta? Pag may problema ka, nandito lang kami. We’ll listen. No need to go there, alam mong delikado doon. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin, di ba? At saka kung mas feel mo talagang doon uminom, edi sana tinawagan mo kami ni Seven para nasamahan ka namin. Ano ba talaga ang nangyari?” Mahabang litanya ni Raquel.
BINABASA MO ANG
Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)
RomanceFormer Title : Avoiding Mr. Professor Maria Idalia Crosti, she didn't believe in love at first sight, but when she met a handsome, strict professor named Sygred Lione Montanier, she felt butterflies in her stomach, and her heart beat so fast whenev...