Kabanata 30

10.3K 252 18
                                    

“Okay, class, dismissed,” sabi ko habang inaayos ang gamit ko.

Napatingin ako sa isang estudyante ko nang lumapit siya sa harapan ng lamesa ko, kumakamut-kamot pa sa batok niya.

“Ma'am, tulungan ko na po kayo sa mga dala ninyo,” sabi niya at ngumiti sa akin. Agad akong umiling.

“Thank you, but no, Mr. Quirino. I can carry them,” sabi ko at nginitian siya. Tumango naman siya.

“S-sige po,” sabi niya bago yumuko ng bahagya, pagkatapos ay bumalik na sa mga kaibigan niya na tinapik siya sa balikat.

Alam ko naman ang ginagawa nila nagpapabango sila sa akin. Pero hindi ako katulad ng ibang guro diyan. Bago ko pa man napagdesisyunan ang pag-take ng education, naisip ko na ito. Sila ang gumagawa ng grado nila, kailangan nilang paghirapan iyon.

Bago ako lumabas ng silid-aralan, bumaling ako sa kanila.

“Go home early so you can rest. Alam kong pagod na kayo. Wag nang pumunta kung saan-saan at baka may mangyaring hindi maganda. Always think about your safety first,” sabi ko at inilibot ang tingin sa classroom. Sabay-sabay naman silang tumango at ngumiti sa akin.

“Opo, Ma'am!” sabay-sabay nilang sagot, kaya napangiti ako.

“Good. Pag may nabalitaan akong naggagala kayo pagkatapos ng klase, lagot kayo sa akin,” sabi ko. Agad silang nagkatinginan at nag-si- tanguan.

“Ma'am, hindi po, diretso bahay na po kami.”

“Oo nga po, Ma'am!”

“Good. Magandang nagkakaintindihan tayo.”

Habang naglalakad ako sa corridor at paliko na sana papunta sa hagdan, sakto namang lumiko rin si Sebastian kaya napahinto kaming dalawa.

Nahihiyang kumamot siya sa ulo, tumingin, at ngumiti sa akin.

Mukhang mannerism na niya ang pagkamot sa ulo tuwing nahihiya siya. Mukha namang wala siyang kuto itsura pa lang, halatang may kaya sa buhay.

“Uh... Ma'am, n-nakuhanan ko na po ng litrato yung l-lalaki,” sabi niya, at agad akong kinabahan. Ewan ko ba, pero kabang-kaba ako.

“A-ah, m-may I see?” tanong ko, at binuksan naman niya agad ang cellphone niya. Iaabot na sana niya ito nang bigla siyang mapasulyap sa likuran ko.

“M-Ma'am, sa ibang lugar po tayo. Madami pong tao dito, e,” sabi niya.

Akmang tatalikod na si Sebastian nang biglang may babaeng kulot ang humila sa manggas ng polo niya.

“Seb! Seb! W-wait! Bakit hindi ka pumunta sa bahay?! Akala ko pupunta ka? Bakit hindi ka naman nagsabi na hindi ka pupunta, Seb? Hinintay kita sa bahay! Kahit pinagagalitan na ako ni Kuya Elmo dahil hintay ako nang hintay sa’yo. Kahit na sinasabi niyang hindi ka makakapunta, hinintay pa rin kita, Seb! Huwag ka nang paasa, ha? Nasasaktan ako eh. First time kong umasa ng ganito. Pumunta ka sa bahay mamaya, ha? Ipagbe-bake kita ng cupcakes, pleas—” Hindi na  natuloy ang sasabihin ng dumating nang babaenang makita niya ako. Nanlaki ang mata nito. She's pretty. Halatang spoiled siya base sa itsura niya, at sa uniform, mukhang senior high siya, humss.

Grabe, ang dami niyang sinabi! Ang cute-cute at ang pretty-pretty pa!

“Ma'am Crosti? Omg! You're so pretty po! I heard na magkasama daw kayo kanina ni Professor Montanier. Omg, ship ko kayo!” sabay tili at talon pa. Napapatingin na ang mga estudyanteng dumadaan sa kanya.

Medyo nakaramdam ako ng pagka-ilang sa mga sinabi niya pero nginitian ko pa rin siya.

"Elara! That's enough!" awat Sebastian at hinawakan niya ang braso ng babaeng nasa harap ko. So her name is Elara? Ang ganda na ng mukha, pati pangalan maganda pa!

Falling for Mr. Montanier (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon