NAKANGITI akong naglakad pababa ng hagdanan habang suot-suot ang damit na pinatahi ko kahapon para lang babagay sa susuotin kong sapatos. Lahat ng mga narito sa bahay ay napatingin sa aking suot, talagang tinitigan nila ako mula ulo hanggang paa. Nakuha ko lahat ang atensyon nila. Agad akong naglakad patungo sa dining room kung saan nakahanda ang mga pagkain namin.
Pagpasok ko pa lang sa dining room ay nahagip ko na ang mga tingin nilang nanlalaki ang mga mata maliban na lang kay Mr. Dawson na tutok na tutok sa kaniyang laptop.
Aba, ang lalaking 'to. Walang asal, kumakain 'yung mga tao tapos laptop ng laptop. Basagin ko kaya 'yang laptop na 'yan. Titignan natin kung makakapag-laptop ka pa.
"WOW!" Manghang sigaw ni kuya Julius at napatigil pa ito sa pagsubo. Hindi pa rin lumingon sa gawi ko si Mr. Dawson pero hindi ko na ito pinansin.
"Mommy, you look cool." Nagthumbs up sa 'kin si Clyden kaya ngumiti ako rito.
"Ma'am, bagong style 'yan ah?" Sabat naman ni ate Marcy at sinuri ang aking kabuoan.
"Mabuti naman at bumabagay sa 'yo?" Sabat pa nung isang kasambahay habang sinasalinan ng juice ang baso ng kaniyang boss.
"Maraming salamat, naisip kong gawin 'to dahil sayang ang efforts ng iba," nakangiti kong saad at dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa aking naturang upuan.
Saglit kong sinulyapan si Mr. Dawson na hindi pa rin tapos sa kanyang ginagawa sa laptop. Napakaseryoso naman ng lalaking 'to. Akala mo naman hindi na masisikatan ng araw bukas. Umupo ako sa aking upuan kaya naagaw ko ang atensyon ng iba. O? Anong nangyari? Iyong ibang kanina'y walang pake ay ngayo'y napatingin ma sa 'kin. Ang lakas naman talaga ng awra ko.
"What are you wearing?" Sinulyapan ko ang nagsasalita. Umiinom ito ng juice habang nakatingin sa akin.
"Ha?" Tanong ko pa.
"Dad, isn't mommy cool?" Tanong ng bata sa ama pero nangunot lamang ang noo nito habang nakatingin pa rin sa akin.
"Let me guess, bukas rainbow 'yung susunod mong isusuot, hindi ba?" Sinamaan ko ito ng tingin. Nilalait n'ya lang pala ako.
"Why? May masama ba sa suot ko?" Linagyan nito ng headset ang ulo ng bata bago pa man ito bumaling ng tingin sa akin.
Bakit ba parati niyang pinapasuot ng headset ang batang ito?
"I guess?" Marahan kong binaba 'yung mga kubyertos kaya muli ko namang naagaw ang paningin ng mga narito maliban na lang kay Clyden na kumain lang.
"Sorry..." pagapapaumanhin ko sa kanila at inatras ko 'yung upuan. Pinahiran ko muna ng tissue ang gilid ng aking labi saka rin ako tumayo. "Excuse me," saad ko sa kanila at agad akong naglakad ngunit hindi pa man ako nakalayo sa mesa ay may nakahawak na sa aking pulsuhan upang pigilan ako.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...