Kabanata 23

947 44 5
                                    

NAKATINGIN lamang ako kina Bedegraine at Heart na kanina pang nagbabasa ng script habang sinasabayan nila ito ng kakaunting aksiyon at galawan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKATINGIN lamang ako kina Bedegraine at Heart na kanina pang nagbabasa ng script habang sinasabayan nila ito ng kakaunting aksiyon at galawan. Napangiti naman ako nang makita kong magtawanan ang dalawa.

"Ang sweet nila, ano?" Napalingon ako sa aking giliran nang marinig ko ang boses ng aming bise presidente.

Nakatingin rin no ito sa gawi nina Bedegraine habang malawak ang ngiti sa labi. Nasa baywang ang dalawang mga kamay nito habang titig na titig sa dalawa.

"Ang cute lang talaga nila," muling usal nito. Napangisi naman ako sa aking isipan.

Heh! Kung alam niya lang sana na may kinaaabalahan si Bedegraine hindi talaga siya mag-iisip ng ganoon. Kung alam niya lang sana na nagpapanggap bilang in si Bedegraine hindi niya sana iyon iisipin. Walang mali sa iniisip ni vice president pero parang hindi ako pumapabor rito.

Sa tinagal-tagal ng aking pagkakakilala kay Bedegraine memoryado ko na ang lahat ng mga galawan nito. Alam ko na kung ano ibig sabihin ng mga galawan nito.

"Matagal-tagal na pala kayong magkaibigan ni Bedegraine?" Sinulyapan ko ito. "Napakalapit kasi ng loob ninyong dalawa. Halos pwede na kayong mapagkamalang magkapatid," dagdag nito.

"Oo, ganoon talaga. Matagal-tagal ko na ring kilala 'yang si Bedegraine... Siguro mga two years na... Mukha mag-te-three years na nga eh."

"Ah, kaya naman pala. Ang tagal-tagal na pala. Mabuti naman at hidi kayo nag-aaway" Hindi ko na lamang ito sinagot at nanatili kaming nakatingin sa gawi nina Bedegraine. Mabuti na lang at hindi niya iyon napapansin.

Hindi ko maitangging bagay sa kanya 'yung role na Jasmine. Masyado nga lang siyang maputi ngunit maihahalintulad ko ang boses nito sa boses ni Naomi Scott. Inggit na inggit pa si Silver Swan. Akala ko naman kung sinong babagay sa kanya. Naiinis lang talaga ako kay Fayebelle. Matagal-tagal na rin pala niyang kinikimkim 'yung galit at sama ng loob kay Bedegraine. Nagawa niya pa itong pagsalitaan ng masasama. Pati ba naman ako dinadamay niya riyan sa galit niya. Ang kapal ng mukha ng siteret na 'yon. Kung wala lang kami sa paaralan sigurado akong matagal ko nang sinabunutan at kinaladkad palabas ng paaralan ang babaeng iyon. Mabuti na lang at nakakapagpigil pa ako. Ayaw ko lang talaga na may nasasaktan ako kaibigan dahil pakiramdam ko'y nasasaktan rin ako.

Bumuntong-hininga ako habang pinagkrus ang mga braso. Umayos ako ng tayo nang makita kong tumigil sa pagmememorya ang dalawa at sulyapan kami.

Mabuti na lang at mabilis kaming nakaiwas ng tingin ni vice president ito. Tumikhim ako at kunwari'y nakatingin sa aking mga daliri sa kamay. Napansin ko ang pagbalik ng dalawa sa kanilang mga atensyon sa hawak na script.

Pretending His Baby's MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon