Kabanata 58

1.1K 59 16
                                    

"BAGO pa tayo umuwi, gusto mo bang pumunta tayo sa resto?" Tanong ni Sandy sa akin habang nagmamaneho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"BAGO pa tayo umuwi, gusto mo bang pumunta tayo sa resto?" Tanong ni Sandy sa akin habang nagmamaneho.

"Ikaw bahala, kung ano ang gusto mo," sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

Nakamasid lamang ako sa aming mga dinadaan. Alam kong napapansin ni Sandy na balisa ako simula kaninang umaga. Paano ba naman kasi? Napanaginipan ko si Dawson at si Lhorraine. Pilit niya akong nilalapitan sa panaginip ko.

"Labas na."

"H-ha?" Napalingon akp kay Sandy nang sabihin niya iyon.

"Hindi ka lalabas? Hindi ka kakain?"

Napalingon naman ako sa labas ng bintana, ngayon ko lang napansing nandito na pala kami sa resto. Binuksan ko ang pintuan nang maunang lumabas si Sandy mula sa kabila. Dali-dali akong sumunod rito. Saglit muna kaming kumain sa resto at nanag matapos ay agad rin kaming umuwi.

"Punta muna ako sa silid," paalam ko kay Sandy nang makapasok kami sa bahay nito. Nasalubong ko pa si tita Maricar kasama ang apo nito. Nagpaalam na rin ako rito bago pa man tumungo sa aking silid.

Napabuntong-hininga ako nang makapasok ako sa silid. Ramdam ko ang pagod ng aking katawan kaya saglit muna akong umupo sa kama at tinanggal ang suot kong high heels, itinabi ko muna ito at inayos ang aking buhok. Muli nanaman akong tumayo at hinubad ang aking suot, kumuha ako ng damit mula sa cabinet at isinuot ko iyon.

Umupo ako sa kama, inilabas ko ang aking cellphone mula sa loob ng aking handbag. Ang dami kong ginawa ngayong araw, binayaran ko 'yung mga araw na umabsent ako para naman magkaroon ako ng magandang performance sa English. Hindi ko maiwasan na magsinungaling sa mga nagtatanong kung bakit umabsent ako ng napakahabang panahon. Kung anu-ano na lamang ang isinagot ko sa kanila.

Sa tingin ko, naniniwala naman sila sa dahilan na aking ginawa. Mayroong mga taong masaya sa pagbabalik at mayroon ring tao na kinaiinisan ang pagbabalik ko, 'kala mo naman may atraso ako sa kanila.

Humiga na lamang ako sa kama, ipinagdikit ko ang aking mga kamay na nakapatong sa aking tiyan at mahigpit na hinawakan ang cellphone. Tumingin ako ng deretso sa kisame at pinapakiramdaman ang katahimikan ng paligid. Bumalik sa aking mga ala-ala ang mukha ni Clyden at ni... ni Dawson.

Bakit ba parati ko na lang silang naiisip? Lumipas na ang araw na 'yon at 'di ko na babalikan pa ang masakit na nakaraan. Kailangan kong libangin ang aking sarili upang hindi ko maaalala sina Clyden. Kailangan na may gagawin ako para hindi ako magiging malungkot.

Pero miss na miss ko na si Clyden. Miss ko na ang mga ngiti nito, miss ko na ang pagyakap nito sa aking binti, miss ko na ang bawat malambing na salita na binibitawan nito, at higit sa lahat... miss ko na ang ang boses nito. Gusto ko na siyang marinig. Tatawagan ko na lang si ate Marcy.

Oo, tama, tatawagan ko si ate Marcy at aalamin ko ang kalagayan ni Clyden ngayon. Walang makakapagpigil sa akin na gawin ito. Wala rin namang masama roon, hindi naman si Dawsong ang kakausapin ko ang asawa nito.

Pretending His Baby's MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon