"I LOVE YOU, Lorian Raine..." Nangunot ang aking noo nang mapagtantong nanaginip nanaman ako. Kailan ba 'to matatapos?
"I love you too, hun" sagot ni Lorian Raine rito habang ang lalaki nama'y nanlalambing.
Hun?...
Kumawala ako ng mahinang pagtawa.
"I love you more," usal ng asawa nito.
Mukhang pamilyar sa akin ang boses ng lalaki pero hindi ko alam kung sino 'yon. Kailangan ko na ring gumising.
"Matagal na tayong nagsama. I think it's too long kung Lorian Raine 'yung itatawag namin sa 'yo. I guess it'll be better if we call you Lhor---"
"Mommy, daddy! Gising na! I'm gonna ba late for school!"
Napabalingkawas ako sa pagbangon nang marinig ko ang napakalakas na sigaw ni Clyden mula sa labas ng pintuan. Narinig ko pa ang mga naguusap sa labas ng kuwarto.
Sabog na sabog pa ang hitsura ko ngayon at gusot naman ang aking damit. Napalingon ako sa aking katabi na ngayo'y dahan-dahang napamulat.
"What was that?" Inaantok nitong saad.
"Si Clyden... Anong oras na ba?" Mabilis kong kinapa ang ibabaw ng drawer saka ko rin dinukot ang cellphone nang maabot ko ito.
Hindi pa malinaw ang aking paningin kaya kinusot-kusot ko ang aking mga mata pero inaantok pa rin ako.
Mabilis kong tinignan 'yung oras at laking gulat ko na lamang nang makita kong malapit na pala ang klase namin.
Nananakbo kong tinungo ang kabinet ng aking mga damit at kumuha ako ng masusuot roon saka inilagay ko na rin sa aking handbag ang aking cellphone. Dumeretso na ako sa banyo at ginawa ang aking nakasanayang gawin t'wing umaga.
Habang naliligo ako ay Hindi ko maiwasang mapaisip sa aking panaginip. Bakit parati na lang napuputol 'yung sasabihin ng mga tao roon sa panaginip ko kung kailan pa magiging interesado ang sinaryo?
Bihira lang ako nagkakagusto ng mga panaginip. Kahit gusto kong kalimutan ang panaginip na 'yon ay parati pa rin itong bumabalik sa aking isipan na tila ba ang hirap niyabg alisin.
Simula no'ng araw na hindi ako nananaginip ay ang buti-buti ng araw ko pero ngayong bumabalik na 'yung mga panaginip ko'y pakiramdam ko ang bigat-bigat sa pakiramdam.
Napailing-iling na lamang ako sa aking mga naisip.
Matapos akong maligo at magsuot ng damit. Deretso akong nag-toothbrush saka lumabas ng banyo.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...