MAAGA akong nagising ngayon. Limang oras lamang 'yung naging tulog ko. Gusto kasi ni Dawson ang maglibang muna kaya wala na akong iba pang naggawa kundi sumali sa nga nilalaro nila. Sumali ako sa mga kalokohan nila kagabi. Pati 'yung magjowang kano na naghalikan kagabi sa may hagdanan ay pinagtatawanan nila.
Grabe lang talaga 'yung kalokohan ng mga kasamahan ko.
Maligaya ako ngayon dahil hindi ko nanaman naranasan ang managinip. Malaki ang pasalamat kong wala akong naging panaginip.
Sumandal ako sa headboard ng kama. Sinulyapan ko ang mag-ama na mahimbing na natutulog. Napangiti na lamang ako sa naging posisyon nilang dalawa ngayon.
Nakayakap si Dawson kay Clyden habang si Clyden nama'y nakatanday sa ama. Sabay pang humihilik ang dalawa. Ang sarap nilang tignan. Ang sarap paglaruan ang mga mukha.
Mahina akong natawa saka bumaba ng kama. Naglakad ako palapit sa aking bagahe upang kumuha ng damit roon.
Pagkatapos kong kumuha ng damit saka tuwalya'y pumasok ako sa banyo sa naligo. Mabilis lamang akong naligo saka nagbihis ng kulay pulang bistedas na hanggang paa. Nang makalabas ako sa banyo ay mabilis kong sinuklay ang aking buhok. Naglagay ako ng kakaunting pulbo sa mukha at inayos ang aking damit upang magmumukha akong presintable sa harapan ng mga tao.
Napansin kong may nakatitig sa akin kaya sinulyapan ko ang repleksyon nito sa salamin. Nakita ko si Dawson na nakasandal sa headboard ng higaan habang nakatingin sa aking gawi.
Ngumiti ako rito, nanatili lamang itong nakatingin sa akin kaya ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagaayos sa aking sarili.
"I like your scent," rinig ko sa baritong boses ni Dawson mula sa higaan.
Sinulyapan ko ito, ngumiti ito sa akin. "Gusto mo gamitin 'yung pabango ko?" Tanong ko rito pero umiling-iling ito.
"I don't have to use it, I just have to smell you," anito saka umangat ang gilid ng labi nito.
Hiyang-hiya akong napayuko saka nilalaro ang aking mga daliri. Muli akong tumingin sa salamin.
"Iyan ba ang pambungad mo sa akin?" Inayos ko ang aking buhok saka ako napabuntong-hininga.
"No..." Napansin kong tumayo ito mula sa kanyang hinihigaan saka dahan-dahan na humakbang at naglakad papalapit sa akin.
Tinignan ko lamang ito naglakad papalapit sa akin. Nagtataka ang aking mukha habang nakatingin rito.
Nagulat na lamang ako nang bigla-bigla niyang dinampian ng matamis na halik ang aking pisngi saka mahinang bumulong sa aking tenga na siyang nagbigay ng matinding kilabot sa akin.
"Happy birthday, hun." Ramdam ko pa ang pagdampi ng hininga nito sa aking tenga na mas lalong nagbigay sa akin ng kilabot.
Ang pagbati lamang nito sa akin ang kanyang ibinulong pero malaki na ang impact nito sa akin. Ramdam ko ang pananayo ng lahat ng aking mga balahibo mula sa paa hanggang sa likod.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...