"AYAW KO PANG MAMATAAAAAAYYYYYYYY!"
Sabay-sabay kaming napalingon na sumisigaw galing sa itaas. Masyadong pamilyar ang boses na 'yon. Nakita namin si kuya Julius na pilit na itulak ng kanyang ibang kasamahan roon sa water slide.
Mahina akong natawa nang patirin ni ate Marcy ang pwet nito kaya mabilis itong nadulas pababa. Sigaw ito ng sigaw ng mga kung anu-ano. Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil sa nangyari kay kuya Julius. Hindi ko man sila masyadong makita pero alam ko ang mga kalokohang pinagagawa nila.
"Mommy, tito Julius is also afraid of heights?" Nilingon ko si Clyden na nakayakap sa aking binti. Sinulyapan ko ito at mahina akong natawa. Yumuko ako upang pantayan ito.
"Pabayaan mo na si tito Julius mo. Tara na roon sa water slides, maliligo na tayo." Mahina ko siyang inangat upang kargahan ito ngunit nagpapabigat pa ito kaya nahirapan akong buhatin ito.
"Mommy, I want to do the activities with daddy too." Nakanguso ito kaya sinulyapan ko sina Sandy. Tumango-tango lamang ito kaya umayos ako ng tayo.
"Sige, tawagin mo 'yang daddy mo. Sabihin mong sumama siya sa atin maligo." Tumango-tango ito sa aking utos. Nagmamadali itong tumakbo patungo sa gawi ng kanyang ama.
"Ang talino rin ng anak mo, ano?" Napalingon ako sa aking giliran nang umakbay sa akin si Sandy habang nakatingin ito sa gawi nina Buang. Matagal-tagal pa bago pumayag ang ama nito kaya masaya nitong hinila ang kanyang ama papalapit sa gawi namin.
"Daddy is here!" Nasisiyahang sigaw ni Clyden at giliw na giliw pa ito. "Let's go!" Masaya nitong hinila ang isa kong kamay.
Nakahawak ito sa isa kong kamay samantlang ang kabilang kamay nito ay nakahawak sa kamay ng kanyang ama. Nagmumukha tuloy kaming isang pamilya dahil sa hitsura namin ngayon. Nakasunod sa amin sina Sandy at Noreen. Rinig na rinig ko pa ang tunog ng flash ng cellphone.
Pa simple ko silang sinulyapan at nahuli ko ang dalawang palihim kaming kinukuhanan ng litrato.
Hindi ko na lamang pinansin ang iba kong kasama dahil nakatuon ang aking atensyon sa masayang-masaya na si Clyden. Pa simple ko ring sinulyapan ang ama nito at sa pagkakataong ito ay nagtama ang aming mga mata kaya mabilis akong napaiwas rito.
Sorry ka, pero wala akong pambayad sa cellphone mo!...
"Saan ba tayo unang pupunta?" Nilingon ko si Sandy nang basagin nito ang katahimikan.
"Ewan ko, hindi ko rin alam," sagot naman ng katabi nitong si Noreen. "Tanungin mo si Bedegraine." Nanlaki naman ang aking mga mata nang marinig kong banggitin ni Noreen ang aking pangalan.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...