MAG-IISANG TAON na ang nakalipas simulana no'ng may mangyari sa pamilya namin. Sa mga nagdaan pang mga buwan ay marami pa rin ang nangyayari pero halos magagandang bagay na ang lahat. Ngayon ay tapos na ako sa pag-aaral sa English Class, ganoon na rin sina Sandy at Noreen, si Clyden nama'y graduate na rin sa Kindergarten.
Marami ang nagbago sa bahay namin, sa buhay ko, sa buhay nina ate Marcy, sa buhay ng bawat isa rito sa bahay. Unti-unti na ring bumabalik ang aking mga ala-ala. Marami rin pala akong magagandang ala-ala na nalilimutan, pero okay lang rin naman 'yon total nanngako sa akin si Dawson na tiutulungan niya akong makaalala. At hindi nga niya iyon binigo, tinulungan niya ako kaya malaki ang pagpapasalamat ko sa kanya.
Last month naman'y dumalo kami sa kasal nina Geraldine at Race. Grabe 'yung kasal nila, napakabongga. Gusto ko 'yung motif ng kasal nila, pang first class. Pero mas gusto ko pa rin 'yung simple lamang. Balita ko, masaya na ngayon ang mag-asawa kaya masaya na rin ako para sa kanila.
Ngayon nama'y naghahanda ako para sa flight naming papuntang Cebu, babalik nanman kami sa Cebu. Syempre, hindi ko maitangging excited akong makabalik roon, na miss ko rin kasi ang Cebu. Bibisitahin nanaman namingang mga magulang ni kuya Julius kaya medyo nasdasabik ako. Makakabalik an rin talaga kami sa bahay nila, pero hindi ako sigurado na magtatagal ba kami roon o hindi.
Pabigla-bigla lamang ang desisyon na 'to, kahapon pa lang 'to sinabi sa akin ni Dawson. Hindi ko naman alam kung bakit pabigla-bigla ang pag-alis naming at hindi man lang naming pinagpaplanuhan ng maayos at hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makapaghanda ng maayos kaya ngayon ay minadali lamang ang paghahanda.
Sasama rin sa amin sina Noreen at Sandy. Hindi ko alam kung hand ana ba sila ngayon sa flight, kilala ko pa naman ang dalawang 'yon. Mababagal 'yon kumilos pagdating sa pagbabakasiyon sa malayong lugar.
"Are we done yet?"
Nilingon ko ang pintuan ng silid nanng makita ko si Dawson na nakatayo hang nakapamaywang. Magulo na ang buhok nito, siguro dahil sa kanyang pagmamadali na makabalik rito sa mansin. May pinuntahan kasi siya sa opesina dahil nagkaroon daw ng kakaunting problema.
"Kumusta ang problema sa kumpanya?" Tanong ko rito.
"It's all good now. Handa na ba ang lahat? Our flight will be in a minute," anang Dawson at sinulyaan pang suot na relo.
"Okay na." Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at kinarga ang lahat ng aking mga bagahe, tinulungan pa ako ni dawson para lamang dalhin ang mga ito sa ibaba.
Nakaantay na rin sa ibaba sina ate Marcy kasama si Clyden. Sa ngayon ay kakaunti lamang kaming pupunta sa Cebu, siguro hindi lalampas sa labinlima ang sasama ngayon sa amin sa biyahe.
"Handa na ba ang lahat?" Tanong ko sa kanila. "Bilangin niyo nga kung sakto lang ba tayo." Nagsimula nang magbilang si ate Marcy.
"Ma'am, parang may kulang po..." Muli nanaman nitong binilang ang kanyang mga kasama. "May kulang nga, 'di ba?" Tanong nito sa mga kasamahan.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomansAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...