Kabanata 55

1.1K 63 22
                                    

"BEDEGRAINE, wait!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"BEDEGRAINE, wait!"

Hindi pa man ako nakaapak sa unang palapag ng hagdanan nang bigla kong marinig ang sigaw ng kung sino. Napapikit ako at napahinto, hindi ko ito nilingon dahil alam ko na kung kanino galing iyon.

"May sasabihin ka?" Mahina kong tanong at hindi ko pa rin ito nilingon.

"Pipigilan mo nanaman siya?!" Masungit na tanong ng asa nito.

"Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako," mahina kong usal at muli nanamang humakbang papaalis sa kanila. Binilisan ko lamang ang aking bawat hakbang hanggang sa makarating ako sa sili namin ni Dawson na sigurado akong ngayon ay naging silid na ito ni Lhorraine.

Napabuntong-hininga ako bago ko pa man binuksan ang pintuan at agad akong pumasok, nahinto ako nang makita kong walang nagbago sa buong paligid. Mukhang hindi naman masyadong ginalaw ni Lhorraine ang mga bagay rito maliban na lang sa higaan.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid saka rin ako nagsimula nang mag-empake. Inayos ko na lahat ng aking mga gamit at sinuguradong walang maiiwan ni isang bagay.

Julius' POV

Nakatingin lamang ako sa itaas ng hagdanan habang hinihintay na bumaba si ma'am Bedegraine, kanina pa kami rito sa ibaba. Kita kong estres na estres na si ma'am Lhorraine dahil sa kagustohan nitong agarang paalisin si ma'am Bedegraine. Sa totoo lang ay naiinis rin ako kay ma'am Lhorraine, sobrang maldita.

"Dawson, mahal mo ba talaga ang babaeng 'yon?! Hinayaan mo pa talagang manatili pa rin dito?!" Inis na singhal ni ma'am. Hinawakan ni sir ang braso nito pero pilit niya itong inaalis roon.

"Kalma muna, Lhorraine, don't stress yourself," sabad pa ni sir Callumn dahilan ng aking pagngiwi. Don't stress yourself daw, gaga.

"Sino ba namang hindi magagalit, Callumn? Ako 'yung asawa pero nandiyan pa rin pala 'yung kabit. Nagpapaka-martyr!"

Natahimik kaming lahat dahil sa sinabi nito. Dahan-dahan akong lumingon sa kanila at kita ko sa mukha ni boss ang pagkagitla. Napapikit na lamang si sir Callumn sa hiya na nararamdaman para sa nag-aalburutong pinsan.

Hindi ko rin inaasahang tawagin niyang 'kabit' si ma'am Bedegraine. Kahit kailan ay hindi ko naisip na tawaging kabit si ma'am Bedegraine, ni minsan hindi iyon pumasok sa aking isipan.

Pretending His Baby's MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon