"TARA NA, Bedegraine, babalik tayo sa mansion ng mga Campbelle, titignan natin kung ano ang magiging reaksiyon nila!" Nagmamadaling saad ni Sandy.
Kasalukuyan akong kumakain sa hapag habang malalim ang inisiip. Tama kaya 'tong gagawin naming? Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ako si Lhorraine? Paano naman naging gano'n? Nagka-amnesia ako tapos 'di ko man lang maalala ang lahat mapahanggang ngayon. Ano naman kaya 'yon?
"Wala pa si Tiyo Amorsolo," mahina kong tugon habang nasa bibig ang kutsara.
"Susunduin na lang kaya natin para madali." Isinilid nito sa loob ng bag ang kanyang cellphone.
"Pero... pero kinakabahan ako, San... Paano kung hindi nila tayo papaniwalaan."
"Tss, papaniwalaan nila tayo, promise 'yan. Sigurado ako, mukhang ikaw naman ang gusto ni Dawson, eh."
Napilitan na lamang akong tumayo mula sa aking kinauupuan. Mukha kaming susulong, magmumukha kaming naghahanap ng away nito, pero kahit na gano'n, kailangan ko pa ring subukan. Gusto kong makilala ng mga tao kung sino talaga ako.
"Sige na nga lang, tara na, susunduin natin si Tiyo." Kinuha ko ang aking bag at nauna akong lumabas at sumakay ng kotse. Pumasok ito sa kabilang pintuan at pinaandar ang makina.
"Kung labanan ng karapatan, walang hiya-hiya dito," biglang saad nito, talagang desidido siyang pumunta sa mansion. Ano kaya ang magigiging reaksiyon nila? Hiniling ko pa naman sa kanila na hindi na ako gagambalain pero ako lang pala itong nanghihimasok nanaman sa buhay nila. Naku, anong mukha ba ang ipapakita ko sa kanila?
Parang naririnig ko ang boses ni Ellahraine at Dawson sa aking isipan. Kinakabahan lang talaga ako sa maaring mangyari, sigurado akong malaki ang gulong maidulot nito lalo pa't nananahimik na sila. Sana hindi na lang ako naging curious... pero kahit na hindi ako maging curious wala ring katapusan 'yung panaginip ko. Para kasing sinasabi ng panaginip ko na: "tutulungan kitang malaman ang totoo."
Nalaman ko nan ga 'yung totoo, pero gusto ko ring mabawi ang dapat sa akin. Ang pamilya at anak...
"San, ano kaya ang mangyayari 'pag nalaman na nila 'yung totoo?" Tanong ko habang nakaakba sa bintana.
"Who knows? Hihintayin na lang natin kung ano ang mangyayari. Nagdadalawang-isip rin naman ako na pumunta roon, but you have to take what's yours. You have to take your rights back," aniya pa kaya napatango-tango na lamang ako pero hindi ko pa rin talaga maiiwasan ang pagkakabalisa.
Iilang sandal pa ay dumating kami sa bahay nina Tiyo Amorsolo, nakatayo siya sa labas ng bahay dala ang isang bag kaya pinasakay na lang naming iito sa sasakyan. Alam na ni Tiyo Amorsolo ang lahat ng mga pangyayari, naikuwento ko na sa kanya kahapon doon sa bahay nila.
Alam kong nabigla siya sa kuwnto ko pero nanangyari na ang lahat ng 'yon. Wala na akong magagawa pa kung gano'n ang nangyari sa buhay ko. Hindi ko naman mapalitan pa ang nakaraan. Siguro hindi aabot ng ganito ka laki ang gulo kung maaga ko lang sanang nalaman ang lahat.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomansaAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...