Kabanata 56

1.1K 67 27
                                    

SA LOOB ng iilang araw ng paghihintay namin sa resulta ng aming DNA test, unti-unti rin akong nangamba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SA LOOB ng iilang araw ng paghihintay namin sa resulta ng aming DNA test, unti-unti rin akong nangamba. Hindi ko alam kung bakit napakalakas na lamang ng kutob ng aking dibdib, gayong alam ko namang hindi ako ang ina. Mahirap ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, samu't sari ang emosyon na aking nararamdaman sa 'di mawaring dahilan.

"Beh, kumusta na pala si Clyden?"

Nabalik ako sa sariling katinuan nang marinig ko ang boses ni Sandy kung kaya nilingon ko ito. "Okay na siya, malapit na siyang makalabas ng hospital," sagot ko rito kaya naman napatango-tango ito.

Kasalukuyan kaming bumibili ng umorder ng pagkain sa isang restaurant. Inimbita niya kasi ako, total walang pasok ngayon. Hindi ko na rin kailangan mag-alala pa kay Clyden. Mapanatag ang loob ko dahil alam kong ligtas ang bata saka hindi niya na rin ako hahanapin. Syempre, mag-aakala talaga siyang si Lhorraine ay ako. Panalangin ko talaga na hindi na iiwan ni Lhorraine 'yung mag-ama. Ayaw ko nang sumawsaw pa sa buhay nila.

"Pasensiya ka na kung hindi ako nakadalaw no'ng mga nakaraang araw, sobrang busy ko lang talaga sa school. Alam mo na, graduating na 'di ba?" Aniya pa kaya naman napatango ako. Hindi ko alam na bumalik na pala siya sa pag-aaral.

Kumusta na kaya sila Noreen? Kumusta na 'yung mga kaklase ko? Matagal-tagal na rin simula no'ong umabsent ako. Babalik ako sa pag-aaral matapos ang lahat ng ito, kailangan kong makatapos. Ayaw kong masayang 'yung naibayad ni Dawson sa paaralan na 'yon.

"Kumusta na sina Noreen?" Tanong ko habang nakatingin sa malayo.

"'Ayun, hinahanap-hanap ka, kinukulit niya nga ako, eh. Pati nga sina sir Isaac, Heart, saka si ma'am Marsha. Parati nila akong tinatanong kung nasaan ka? Okaya ka lang ba? May nangyaring masaba ba raw sa 'yo? Kailan ka raw babalik?" Nang marinig ko iyon ay mahina na lamang akong napatawa at kalauna'y napangiti na lamang. "Si sir Isaac nga inaraw-araw 'yung paghahanap sa 'yo. Dadalawin ka raw niya sa susunod, 'pag wwala siyang gagawin" dagdag niya pa kaya naman nanalaki ang aking mga mata.

"Bakit niya naman ako hinahanap?"

Bakit niya ako hahanapin? Sa pagkakaalala ko binusted ko na siya no'ng mga nakaraang araw pero magkaibigan pa rin naman kami. Baka may kailangn siya sa akin o may gusto lang siyang sabiohin kaya niya ako hinanap

"May kailangan ba siya?" Muli ko nanamang tanong.

"Baka nga, hindi niya naman kasi sinasabi sa amin kung bakit ka niya hinahanap." Hindi na ako sumagot pa. "Beh, mukhang may gusto naman sa 'yo 'yung tao, eh. Kung may gusto sa 'yo 'yung tao, i-grab mo na 'yung opportunity nang maka move on ka na kay Dawson."

"Hindi ibig sabihin nun na kung gusto ka ng isang tao ay kailangan mor in siyang gustohin. Hindi ko pa nga masyadong kilala 'yung tao eh."

"May plano ka bang kilalahin siya? 'Yung kilalanin mo ang buong pagkatao niya?"

Pretending His Baby's MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon