"SO ANONG plano mo ngayon?" Kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyang minamaneho ni Sandy. Kakaalis ko lang galing sa mansion, sa totoo lang ay lutang na lutang ang isipan ko ngayon. Epekto ng nangyari kanina.
Ikinuwento ko na lahat kay Sandy ang nangyari kanina lang. Hindi naman siya nagulat, kilala niya ako. Alam niyang wala akong anak at alam niya ring hindi ako ang asawa ni Dawson. Lahat ng mga sikreto ko ay alam ni Sandy dahil siya lang rin naman ang nag-iisang tao na mapagsasabihan ko kahit papaano.
"Uuwi ako sa bahay," Sagot ko rito habang nakadungaw sa labas ng bintana.
"You mean sa dati mong bahay?" Rinig kong tanong nito.
"Hmm..." Maikli kong sagot.
"Sure ka? Doon ka talaga babalik?" Nabaling ang aking paningin rito at isinara ko ang bintana.
"Bakit?" Taka kong tanong.
"I mean, alam naman natin na iilang buwan ka nang hindi bumabalik ro'n, 'di ba? Maalikabok na ang lugar na 'yon at wala ring pagkain. Kung lilinisin mo pa ngayon ang lugar na 'yon doble pagod lang ang mararanadan mo. Hindi ka man lang ba magpapahinga?"
Saglit akong napaisip sa mga sinasabi nito sa akin. Tama nga naman siya, hindi ko nga naman malilinisan ang lugar na 'yon. Hindi ko na rin alam kung okay pa ba ang lugar na 'yon, baka mas lalo pang dumami ang butas ng lugar na iyon.
"Saan ako uuwi?" Bigla akong napasimangot.
Narinig ko na lamang ang paghalakahak nito kaya napairap ako sa kawalan. "Tinatanong pa ba 'yon?" Aniya pa. "Saan ka ba titira kung meron naman sa amin?" Muli itrong natawa at umiling-iling.
"Ayaw ko nga, abala lang ako do'n, 'no," tanggi ko.
"Anong abala? Mas gusto nga ni mama na nandoon ka, eh. Parang ikaw pa ata 'yung tunay na anak sa ating dalawa. Isa pa, pansamantala ka lang naman ro'n, eh."
"Ayaw ko!"
Hindi ito nagsalita at biglang inihinto ang sasakyan. Napalingon ako sa labas ng bintana at namilog na lamang ang aking mga mata nang makita kong nasa tapat na pala kami ng bahay nina Sandy.
"Bakit mo 'ko dinala rito?!" Gulat kong tanong. "Iuwi mo 'ko!"
"Nandito ka na, eh, may magagawa ka pa ba?" Umirap ito at binuksan niya ang pintuan sabay labas rito na walang lingon-lingon.
Napilitan na lamang akong lumabas ng sasakyan kahit na ayaw ko. Kung titira man ako rito talagang hinding-hindi ako magtatagal. Ayaw ko rin namang aasa lang rin sa pamilya ni Sandy. Hindi naman makapal ang aking mukha para gawin iyon.
"Mommy, nandito na po kami!" Sigaw ni Sandy pagkapasok namin sa loob ng gate.
"May kasama ka, San?" Galing naman sa loob ang boses na iyon.
BINABASA MO ANG
Pretending His Baby's Mother
RomanceAraw na sinimulan: Ika-14 ng Nobyembre 2020 Araw na natapos: Ika-19 ng Setyembre 2021 Simple at mapayapa ang pamumuhay at paninirahan ni Bedegraine Sarmiento, ngunit hindi niya alam na ang isang insidente lang pala ang magpapabago ng kanyang buhay. ...